Chapter 4
Mateo thanked me for greeting him. Hindi ko naman plinanong batiin siya pero parang initiative ko na tutal birthday niya naman kaya okay lang na batiin siya. As if I'm telling and assuming that we're friends. I just replied welcome and sent him a balloon GIF. Isinantabi ko ulit ang cellphone ko para mag-aral ulit.
That morning, I looked like a walking-panda. Antok na antok pa ako habang si Tani,ay may dala-dalang papel sa hapag. Sinisisi ang sarili niya kung bakit siya nakatulog kahit binalak niyang magpuyat para makapag-aral. Siguro sobrang baba ng grades niya kaya importante sa kanya ang quiz na 'to.
"Sana ginising mo ako!" Sinisi niya pa ako dahil sa inis niya.
"I tried pero ang sarap-sarap ng tulog mo," I reasoned out.
She just continued reading her notes habang ako, kumain na lang at sinisuguradong saulo ko na lahat ng terms and formulas. Hindi naman mababa yung grades ko but I just need this. I wanted to work for my grades.
Nang makarating kami ni Tani sa school, nasa likuran niya ako dahil nagmamadali na siya. I saw James patiently waiting for her kaya napaayos ako sa salamin ko. Agad na kinuha ni James ang bag ni Tani na abala sa pagme-memorize ng mga binabasa. He looked at me and gave me a nod. Tumango na rin ako at hinayaan na sila.
Napatingin ako sa iilang estudyanteng abala sa pamumulot ng tuyong dahoon, pagwawalis at yung iba naman, nagchi-chikahan. Maingay na rin yung ibang room dahil sa mga pagtitipon. Our class started on time kaya abala na agad para sa gaganaping test. Sa awa ng utak ko, nasagot ko naman. My sleepless night paid well. Nang magkaroon ng bakanteng oras, agad kaming lumabas para makapag-practice sa roleplay.
Umupo ako sa bleachers para tingnan ang dalawang bidang nagsisimulang bigkasin ang script nila. Marami rin mga estudyanteng tumatambay sa gym. Either they don't have a class or they skipped some classes.
I heard Matthew laughed because of some scenes kaya natampal na siya ng leader namin.
Kaya nang palayasin, tumabi siya kaagad sa akin. Kinabahan ako. Nagulat dahil 'di ko inaasahan 'yon. Para pagtakpan ang kaba ako, yumuko ako at inabot ang ID. Ganoon ako kapag nate-tense. Pero napansin niya 'yon at inabot ang ID ko para tingnan. Gusto ko sanang umalma pero hinila niya ang chord nito kaya wala na akong nagawa. My heart throbbed again.
"Ganda naman ng ngiti."
Ngumuso ako. "S-Salamat."
Ngumiti siya at tinapunan ulit ng tingin ang mga groupmates namin. He stayed beside me kaya parang napako ang pwet ko sa bleachers.
Humagalpak ng tawa si Matthew dahil sa trip ng mga kaibigan niya. Iyon din ang dahilan kung bakit ako napatingin sa may bandang stage ng gym. Nakita ko ang iilang babaeng may mga dalang malalaki at makukulay na box. Humabol din ang dalawang babae na may mga dalang balloon. Napatingin na rin ang lahat sa kanila dahil mukhang may iso-sorpresa ata.
"Para kay Mat-Mat ata," si Annika.
"Ay oo nga pala! Birthday ni Mateo ngayon!"
Nilingon ko ulit sila nang makita ang paglapit ni Mateo sa mga babae. He looked bothered... and not happy? O baka gano'n lang talaga expression niya sa buhay. Kasama niya ang mga kaibigan niya na tuwang-tuwa pa dahil sa sorpresa.
Marami nga talagang nagmamahal sa kanya. I mean, those girls invested their money and effort to buy those stuffs for his birthday. And they really had the confidence to do it in public. Ganoon nila kagusto si Mateo. Grabe talaga yung effort kapag gusto mo yung tao.
"You like Mateo?"
Napaayos ako bigla sa salamin ko. "H-Huh?"
Matthew chuckled. Ginulo niya ang buhok ko at inasar ulit. "Crush mo?"

BINABASA MO ANG
The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETED
Roman d'amourWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Intrusive thoughts... heartbreak... and pain.. Cristina Mallari believes that she was done. After her lovesick drama in high school life whe...