Chapter 37
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthdaaay, happy birthday to youuu!"
Lahat kami napakanta habang umihip ang malakas na hangin. Nagdesisyon kasi si Mama na sa Leling beach ipagdiriwang ang birthday niya dahil sawa na siya sa bahay lang.
Hinalikan ni Papa si Mama sa pisngi kaya nagkantyawan. Napangiti ako at nilingon si Mateo na abala sa gilid... dahil napag-utusan ni Mama na mag-ihaw ng karneng baboy.
Seryoso siya sa ginagawa niya. Kaya hindi ko maiwasang hindi man lang mahiya dahil pinag-ihaw siya ni Mama! Dumating siyang disente tapos ngayon... pinapapawisan at nangangamoy usok!
Nakakahiya pa nga kanina kasi kung ano-ano na ang sinasabi nila tungkol sa amin—porke't pinakilala lang, e.
"Cristina!"
"Ma," sagot ko.
"Halika nga dito."
"Ma—"
Bigla nalang kinurot ni Mama ang tagiliran ko.
"Ano 'tong sinasabi ni Tani na—"
I groaned. Ang sarap talaga kalbuhin ng buntis na 'yon. "Huwag kayong masyadong maniwala diyan sa apo mo. She's a story maker... and a baby maker."
Ngumiwi si Mama. "Akala ko ba galit sa atin iyan? Baka... mamaya, nilagyan niya ng kung ano 'yang tinolang manok! Mukhang masarap pero nagdududa ako!"
Namilog ang mga mata ko.
"Ma! Kami ang nagluto niyan! At tsaka, hindi naman ganoon si Mateo. Inutusan mo pang... mag-ihaw. Nakakahiya!"
"Siya naman ang nag-presenta! Tsaka, masyadong abala ang Papa mo sa ibang bisita kaya... okay lang 'yan."
Suminghap ako. Nilingon ko si Mateo na abala pa sa pamaypay. Kinurot ulit ako ni Mama para mapaamin ang tungkol sa aming dalawa. Wala naman akong maamin kasi hindi naman kami mag-boyfriend at girlfriend. Nangliligaw pa naman siya kaya natural lang na itanggi ko ngang boyfriend ko siya.
Nakumbinse ko rin si Mama na kainin iyong tinolang manok. Nagustuhan niya naman dahil pabalik-balik na siya sa mesa para kumuha no'n.
Pagkatapos ni Mateo, agad siyang nagpahinga at nagpalit ng damit. Lumapit na ako para bigyan siya ng tubig kaya... malaki na agad ang ngisi niya.
"Kumain ka na?"
"Sabay na tayo," sagot ko.
Ngumuso siya. "Nagustuhan ba ng Mama mo?"
"Yeah. Paubos na nga," I chuckled.
Nagpunas muna siya bago tuluyang naghubad ng damit. Tumalikod ako at natanaw si Tani kasama si James na nagtatawanan habang may tinuturo sa dagat.
"Kumain na tayo," bulong niya.
Lumingon ulit ako at nang makita na ayos na siya, naglakad na kami pabalik sa cottage para makakain. Wala ng extra paper plate kaya naisipan naming mag-share nalang. Nag-dadalawang isip pa ako pero gutom na rin ako kaya pumayag nalang.
Pagkatapos kumuha ng pagkain, umupo kami sa bakanteng upuan. Nilingon kami ni Mama kaya 'di maiwasang... pagbantaan ko siya ng tingin dahil ayokong lagyan niya na naman ng sobrang malisya ang ginagawa namin.
"How's your thesis?" tanong niya bigla.
"On-going pa rin," sagot ko.
"Always update your adviser, okay?"
Tumango ako. "How's your work naman? Okay lang ba sa DSSC?"
"Yup."
Tumango ako. "Congrats nga pala."
BINABASA MO ANG
The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETED
Storie d'amoreWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Intrusive thoughts... heartbreak... and pain.. Cristina Mallari believes that she was done. After her lovesick drama in high school life whe...