CHAPTER 40

80 2 2
                                    

*SOMEONE POV*
"So what's the plan?"tanong ko sa dalawa kong kasama na ngayon ay nakangisi sa akin

I wasn't expecting that na maririnig ng tatlong bruha yung pinag-usapan namin kanina sa library.

"Walang pagbabago go with flow."sagot nung isa. Sabagay hindi naman nila nakita ang mukha namin sayang nga lang hindi namin sila nahuli dahil kung nagkataon na nahuli namin sila 'di kami mag-aatubiling hindi silq patayin ng wala sa oras wala akong pake kung magbago ang plano namin.

"Don't worry boses lang natin ang narinig nila, hindi nila nakita ang mga mukha natin."sabi pa nung isa

"Mabuti naman kung ganon."sambit ko."May pagbabago sa plano natin."dagdag ko. Mautak rin sila pero mas mautak ako akala siguro nila hindi namin alam ang mga plano nila.

"Ikaw bahala."sambit rin niya. Ngumisi nalang ako ng may sumagi sa isipan ko na magandang plano

"Right now let's kill Ms. Mikaella."biglang sambit nung isa kong kasama. Agad nabuhayan ang kasakiman ko nung sumilay sa labi niya ang mala demonyong ngiti.

"Gusto ko yan!"gigil ko

Mukhang may susunod na naman sa yapak nung dalawa naming kaklase.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

*FAST FORWARD*

*LYZANDER POV*
"Simulan muna kung ano man ang pag-uusapan natin."pagsisimula ni eathan ng makalabas kami ng classroom. Tiningnan ko muna ang paligid ng hallway ng masigurado kong wala ng tao sa paligid saka siya tiningnan ng seryoso.

"Ito pre.."inabot ko sa kanya ang isang papel na pinunit ko kanina sa notebook ko. Medyo nagtaka mukha niya pero kaagad niyang kinuha yung papel na inabot ko sa kanya at binuklat ito."It's Shiana Frostin."sambit ko."Sabi ko na nga ba pangalan ni shiana ang mabubuo sa mga clue na iniwan nung killer."

"Alam ko."tipid na sambit ni eathan. Tinignan niya ako bigla."Matagal ko ng alam na pangalan ni shiana frostin ang mabubuo sa mga clue."dagdag niya. Inabot niya pabalik sa akin yung papel at agad ko naman itong kinuha. Nakita kong sumandal siya sa pader at direkta akong tinignan."Don't look at me like that lyzander, I'm not the killer."wika nito bigla at agad akong natauhan. Gago

"Pano mo pala nalaman?"tanong ko bigla sa kanya

"Larra said before."sagot nito."I remember what larra said na si shiana ang pinaghihigantihan nung killer so naisip kong baka nga siya at hindi naman ako nagkamali sa hinala ko. Mautak ka rin pre dahil nahulaan mo pero bakit ngayon mo lang nalaman kung sa umpisa palang ay pangalan na niya talaga ang nakasulat sa clue. Sabi mo pa nga dati na si shiana talaga yung pinaghihiganti ng killer."litenya nito at napaisip ko. Medyo nalimot ko pero tama siya.

"I forgot."kibit balikat ko."So what's your plan?"

"I don't have."

Gago?

"May pinaghihinalaan ako pre so not surely kung tama 'tong hinala ko."sabi ko at nag cross arm. Sana mali 'tong nasa isip ko.

"Ako rin."sambit nito. So same pala kami."Galing niya magpanggap no."dagdag nitong sambit. Sino naman kaya ang tinutukoy niyang tao"Ikaw na ang bahala kay beatrice kung sakaling may mangyari sa'kin."dagdag niya. Medyo nainis ako sa sinabi niya.

"Gago? Anong binabalak mo?"

"Wala naman. Sayo ko lang ihahabilin si beatrice kung sakaling may mangyari sa'kin.

Tangina kung ano-ano nalang ang pinagsasabi niya.

"Kadramahan mo boi umiral na naman."sabi ko at ningisihan siya ng nakakainis. Kilala ko ang gagong yan alam kong may binabalak yan."Hindi ka mamamatay at walang mamamatay sa'tin"dagdag ko."Malulungkot si beatrice pag namatay ka."

The First Section Has a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon