CHAPTER 36

548 15 15
                                    

*MAXINE POV*
"WHAT IS THE MEANING OF THIS!! PAANO NIYO IPAPALIWANAG SA AKIN ANG LAHAT NG ITO!! TATLO SA KAKLASE NIYO ANG NAMATAY!! AT MASAHOL PA GINAHASA ANG ISA SA KAKLASE NIYO!! SO WHAT NOW!! ANONG SASABIHIN KO SA MAGULANG NG BIKTIMA NA NAGSUICIDE!! MGA INUTIL!! PALALA NANG PALALA ANG NANGYAYARI SA SECTION NIYO!! AT ANONG SASABIHIN NIYO!! PINATAY SILA NG KILLER!!"galit na galit na pagkakasabi ng principal sa amin."MAGSALITA KAYONG LAHAT!!"

Lahat ng mga kaklase ko ay tahimik na nakaupo sa kanilang mga upuan walang nagsalita sa kanila dahil lahat sila ay takot na takot sa principal na ngayon ay pulang-pula na sa galit.

"DIBA SINABI KO SA UMPISA NA AYUSIN NIYO ANG GUSOT NA 'TO!! PERO ANONG GINAWA NIYO MAS LALONG LUMALA!! NAUWI PA SA SUICIDE ANG ISA DAHIL SOBRANG PAMBUBULLY NIYO!!"

"AT IKAW MR. DAZE!!"turo bigla ng principal kay eathan

Sobrang saya ko dahil nagising na si beatrice ngunit may napansin ako sa kanya hindi na siya nagsasalita. Naging tahimik na siya at ayaw ng kumibo mula nung magising ito. Natatakot ako dahil sa sobrang pagkatahimik niya."IKAW ANG PRESIDENT SA CLASSROOM! NGUNIT ANONG GINAWA MO! WALA! AT ANONG SASABIHIN KO HUH! KAYONG LAHAT BAGSAK KAYO!! MGA PUNYETA!! HINDI NA KAYO AABOT SA GRADUATION DAHIL LAHAT KAYO AY MAMAMATAY!! DAMAY PA AKO DAHIL SA KAHIBANGAN NIYO!! MGA BWESIT!!"sigaw ni principal. Naiiyak ako ngunit diko lang pinapahalata. Natatakot akong madamay ang magulang ko sa nangyayaring patayan sa section namin. Sobrang pait dahil mas lalong lumala ang sitwasyon, ang magulang nila shane at tristan pinatay kagabi. Nabalitaan namin ito kanina ng pumasok si principal na galit na galit. Habang patagal nang patagal mas lalong palala ang sitwasyon nadadamay na ang magulang namin sa patayan kaya natatakot na ako. Huhuhu. Natatakot akong madamay ang magulang namin ni beatrice at mas lalo akong natatakot dahil sa sitwasyon ni beatrice."GOD! MGA ELITE KAYO PERO SA SECTION NIYO NANGYAYARI ANG KAMALASAN! BWESIT!! DIKO ALAM KUNG HANGGANG KAILAN ANG PATAYAN NA ITO!! HANGGANG SA MAUBOS TAYONG LAHAT! AT NGAYON WALA NG NAGLAKAS LOOB NA MAGHANDLE SA INYO DAHIL SA NANGYARI KALAT NA KALAT NA SA BUONG CAMPUS ANG NANGYAYARI SA SECTION NIYO!! OUT OF 30 STUDENTS 16 NALANG ANG NATITIRA PLUS 2 STUDENTS 18 NALANG LAHAT KAYO!! SO PAANO NIYO AAYUSIN ITO HANGGANG SA WALA NG MATIRA SA INYONG LAHAT!! GOD!!"

"We're sorry principal.."

"HINDI MADADALA NG SORRY ANG LAHAT MR. DAZE! NANGYARI NA!"napahilot si principal sa sentido niya."Ang sa akin lang paano niyo haharapin ang lahat ng ito...habang tumatagal lalo kayong nababawasan..at ang mas malala..nadadamay pa ang magulang niyo..pati na ang mga teacher nadadamay na sa kahibangan niyo.."kalmadong sabi ni principal."Magbigay respeto kayo kay samantha..dumalo kayong lahat sa burol niya dahil may kasalanan kayo sa kanya hindi siya magpapakamatay kung hindi niyu siya binully ng husto..at susunod na maulit ang bullying na 'to bibigyan ko na kayo ng matinding punishment.."huling sabi niya bago lumabas sa classroom

Naiwan kaming lahat na tahimik dahil sa nangyari.

"Gulong-gulo na ako maxine.."usal ni larra sa tabi ko."Gusto ko tuloy magpakamatay para mabawasan ang problema ko..ako ang namomobrelema sa mga kaklase natin.."

"Wag mong problemahin para dika maguluhan pa.."

"Hindi mo kasi naiintindihan ang lahat. Ang sa akin lang ay malaman natin kung sino ang mga killer habang tumatagal mas lalong palala ang sitwasyon diko na alam kung may matitira paba sa atin..."

"Ewan ko.."kibit balikat ko. Saglit kong sinulyan si eathan at nakita kong katabi niya si beatrice na wala sa sarili niya. Pansin kong nakasandal lamang si beatrice sa balikat ni eathan."Nag-alala ako sa kalagayan ni beatrice larra.."usal ko habang nakatingin pa rin sa kinaroroonan nila beatrice at eathan."Lagi nalang siyang tulala at wala sa sarili niya. Natatakot ako sa kalagayan niya larra paano ko aalisin sa kanya ang takot na nararamdaman niya. Sa sitwasyon niya ngayon parang natrauma siya sa nangyari sa kanya.."litenya ko

The First Section Has a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon