*XANDER POV*
Pababa ako ngayon sa hagdanan at patungo sa kusina para uminom ng tubig nauuhaw kasi ako kaya iinom muna ako saglit. Malaya akong nakarating sa living room sa ngayon ibang atmosphere ang nararamdaman ko sa paligid sobrang tahimik kaya masarap mapag-isa. Hatinggabi na ngunit hindi ako makatulog hindi rin ako takot na mag-isa dahil mas nasanay akong mapag-isa. Hindi rin ako kasi mahilig makihalubilo sa mga kaklase ko dahil mas prefer kung mag-isa kesa makisawsaw sa ibang tao.Pero teka? Back to the topic na tayo. Dumiretso ako sa kusina ngunit pagkarating ko doon may nadatnan akong tao. Nakita ko ang dalawang pamilyar na tao na nakatalikod. Kilala ko ito ah? Pero ano naman kaya ang ginagawa nilang dalawa. Wag nilang sabihin na dito pa sila gumagawa ng milagro sa kusina. Eh. Ibang milagro ang ginagawa nila para bang may ginagawa silang ibang bagay diko alam kung ano dahil diko naman makita ng maayos. Ang tanging nakikita ko lamang ay kutsilyong hawak nila.
"Oy?"tawag ko sa kanilang dalawa. Kakaiba ang dalawang 'to hatinggabi na ngunit 'di pa sila natutulog."Hoy? Anong ginagawa niyo?"tanong ko kaya pareho itong napatigil.
Sabay silang dalawa na napalingon sa akin ngunit nakaramdam ako bigla ng kilabut nang mapansin ko pareho sa kanilang labi ang ngiting demonyo.
Sa sobrang takot ko napaatras ako ng wala sa oras. Nanginig ang kalamnam ko ng makita ko sa kanilang damit ang mantsya ng dugo.
"Hindi na pala tayo mahihirapan pa, kusa na palang pumunta ang susunod nating biktima."sabi nung kaklase kong weirdo. Diko kilala ang pangalan niya pero kilalang-kilala ko siya.
"Teka? Kayo ba ang killer?"kinakabahang kong tanong sa kanila
"Kami nga."sagot ng kasama niya
Napaatras ako ulit ng humakbang sila palapit sa akin. Yung kasama niya dinilaan yung kutsilyo na may bahid ng dugo tapos yung isa naman parang pyscho kung makatitig sa akin. Parang pinapatay niya ako sa titig niya, masyadong matalim.
"Ooppsss.. Pakitignan ang likuran mo."utos nung kasamahan niya sa akin
O_o
Natigil ang pag-atras ko ng may maramdaman akong matigas na bagay sa likuran ko. Halos manlamig ang buo kung katawan nang may maramdaman akong tao sa likuran ko. Pakiramdam ko katapusan ko na ngayon.
"You're dead"rinig kong malamig na boses sa likuran ko. Sa sobrang takot ko napalingon ako sa likuran ngunit pagkalingon ko may matigas na bagay na hinampas sa ulo ko. Agad akong nawalan ng malay ng matamaan ako ng bagay na iyon.
*FAST FORWARD*
*YANNIE POV*
Bigla akong nagising nang may bumuhos sa akin. Halos mapatili ako ng maramdaman ko ang matinding lamig sa katawan. Napatingala ako at napatingin sa paligid ko.Diko alam kung saan ako dinala ng killer basta nasa luma akong kwarto na puno ng iba't-ibang materyales. Di rin ako makatakas dahil nakagapos ako sa upuan. Yung paa at kamay ko nakagapos ng kadena. Mahirap makawala at gumalaw kahit anong gawin kung kilos hindi ko magawa.
"Well! Well! sa wakas gising kana rin mahal na reyna."rinig kong pamilyar na boses
Napunta ang tingin ko sa harapan at Nakita ko ang tatlong tao na nakatayo.
"K-kayo?"
Pano? Bat diko man lang napansin na sila ang killer. Sobra kong tanga. Nauto nila ang mga kaklase ko sa pakitang tao nila.
"Kami nga."sagot nung mastermind nila
"AAAHHH!!"hiyaw ko bigla. Hinila lang naman niya ang buhok ko ng mahigpit."M-masakit.."naiiyak kong sambit. Pakiramdam ko parang matatanggal ang anit ng buhok ko dahil sa pagkakahila niya dito.
BINABASA MO ANG
The First Section Has a Secret
Mystery / ThrillerSection A.. Hinahangaan ng iba ngunit may sikreto itong tinatago na hindi alam ng iba. Mga anghel kong humarap sa ibang tao ngunit sa kalooban nito ay may demonyong tinatago na hindi nila pinapakita sa ibang tao. STATUS: ON GOING