CHAPTER 4

689 24 2
                                    

*BEATRICE POV*
Andito kami ni maxine sa cafeteria tahimik na kumakain. Matapos kasi ang kwentohan namin kanina sa library naisipan naming dalawa na magtungo sa cafeteria para kumain. Pareho kasi kaming ginutom kaya naisipan namin na kumain since maaga pa naman. Mamaya na kami babalik sa classroom pagkatapos ng agahan namin.

"Here we go again.."sambit bigla ni maxine.

"Huh?"napatigil ako sa pagnguya ng kanin nang mapansin ko ang tinginan ng ibang students sa amin ni maxine. Napapansin kong palihim nila kaming kinukunan ng picture, yung iba ngumingiti sa akin pagtinitingnan ko sila. The rest parang gustong makipagkaibigan sa amin ngunit napapansin kong takot silang lumapit sa amin"bakit nila tayo tinitingnan?"diko mapigilan na tanong kay maxine.

"We're famous bess. Hinahangan ang section natin ng ibang students. Maraming naghahangad na mapunta sa section natin bess. Yung tipo na gagawin ang lahat para lang mapunta sa first section. Elite tayong section kaya tayo iba sa ibang section, kumbaga special section. Sa section kasi natin nabibilang ang matatalino at magagandang students. Hindi lang ‘yon sa section rin natin nabibilang ang mayayaman na pamilya kaya tayo iba sa iba. Ang section natin ang pinakasikat sa Maxwell High, maraming naghahangad na mabilang sa first section kaso walang nagtagumpay sa kanila.."mahabang kwento ni maxine sa akin

I get it now. Medyo lumilinaw na ang lahat sa akin, alam ko na kaya kami iba sa ibang sections. Kaya pala pansin kong iba ang uniforme namin sa ibang students. Mas maganda ang disenyo ng uniforme ng first section kumpara sa ibang student.

"Alila natin ang ibang section bess, kumbaga para silang aso na sunod-sunoran sa atin. Para tayong mga hari at reyna tapos sila naman ang mga alipin natin.."dagdag pa nito

"I see.."pilit kong ngiti sa kanya. Mas gusto kong pantay lang ang lahat, mas maganda kasi kong pantay para naman ‘di unfair sa ibang student.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain since gutom na gutom na ako. Ngunit sa kalagitnaan ng pagkain ko nakarinig ako ng malakas na sigaw mula sa cafeteria na kinaroroonan namin. Agad napunta ang attention ko sa paligid at nahagip ng paningin ko ang grupo ni cloe na pinaparusahan ang isang student. Nakaramdam ako ng awa ng makita ko ang pagpapahirap ni cloe sa kaawa-awang student. Gustohin ko man tulungan ito ngunit pinigilan ni maxine ang kamay ko. Tiningnan niya ako ng seryoso na para bang nagsasabi na wag na akong makisali pa.

Hinayaan ko na lamang na bullihin ni cloe yung babae. Hanggang sa makita ko ang kalunos-lunos na pagbuhos niya ng mainit na tubig sa mukha nung babae. Tuluyan na akong hindi nakapagpigil ng marinig ko ang paghiyaw nung babae. Rinig na rinig ko ang malakas na tawanan nung grupo ni cloe sa cafeteria ng masagawa nila ang kalapastangan sa kaawa-awang student na wala namang ginagawa sa kanila.

Tumayo ako sa upuan at naglakad patungo sa kinaroroonan ng grupo ni cloe. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni maxine sa likuran ko marahil ay hindi rin ito nakapagpigil.

"You deserve it bitch! Masyado kang lampa para ‘di ako mapansin!"rinig kong sigaw ni cloe ng makarating ako sa kinaroroonan niya.

That bitch...

Agad kong hinila palayo yung student sa grupo ni cloe, nakita kong hawak-hawak nito ang mukha niya. Humahagulhol ito sa iyak habang sapo-sapo ang kanyang mukha na binuhusan ng mainit na tubig ni cloe.

"What are you doing beatrice? Hindi mo dapat kinakampihan ang ibang students maliban sa section natin. You should not obey the rules kung ayaw mong makatikim ng punishment!"sigaw bigla ng kaibigan ni cloe na si kath.

Medyo nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya pero hindi ko ito pinahalata sa kanya. Alam ko naman ang tungkol sa rules na tinutukoy niya at wala akong nilalabag. Gusto ko lamang na tulungan yung babae dahil naaawa ako sa sitwasyon niya. Ikaw ba naman buhusan ng mainit na tubig sa mukha sinong hindi makakaramdam ng awa.

The First Section Has a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon