*BEATRICE POV*
Wala ako sa sarili ko habang nakatayo sa balcony. Tulala ako habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa katawan ko. Gusto kong mapag-isa para mawala ang pagod na nararamdaman ko. Masyado kasi akong natakot kanina sa banta ni cloe sa akin kaya ako nawala sa sarili ko. Natatakot akong may mangyari sa besprend ko, kaya ako nakaramdam ng galit sa kanila.Diko alam ang mangyayari pag nagising ako sa katotohanan na lahat kami ay mamamatay. Isa 'yon sa kinatatakot ko na baka diko na masilayan ang magulang ko pag napatuloy ang nangyayari sa first section. Unti-unti ng nagsisimula ang lahat at ngayon ay isa na ang namatay sa mga kaklase ko. Hindi ko alam kung sino ang susunod na mamamatay sa kaklase ko, natatakot ako na baka ang besprend ko ang susunod. Wag naman sana. Ok lang na yung iba ang mawala, wag lang yung napamahal sa akin.
Sigh...
Lumalamig ang simoy ng hangin sa paligid, kaya napayakap ako sa sarili ko. Pinagmamasdan ko ang campus ng school ngunit wala akong masyadong mainag dahil sa madilim nitong paligid, tanging guards lamang ang naiinag ko. Umaaligid ito sa paligid ng school para magbantay.
O_o
Pero teka?
Bigla na lamang napadako ang tingin ko sa isang tao na nakatayo sa likuran ng isang puno. Halos makaramdam ako ng takot sa dibdib ng makita ko ang nakakatakot nitong suot na maskara. May hawak itong itak at lubid. Ramdam kong nakatingin ito sa kinaroroonan ko dahil ako lang naman ang taong nakamasid sa paligid.
*GULP*
Dahil sa takot ko mabilis akong bumalik sa loob ng kwarto. Sinirado ko ang malaking bintana ng balcony, para akong hinahabol ni kamatayan dahil sa takot na nararamdaman ko. Napasandal ako malaking bintana habang hawak-hawak ang dibdib kong malakas ang kaba, ayoko ng lumabas baka barilin ako nung killer.
*CLICK*
Napunta ang tingin ko sa banyo ng makita ko pagbukas nito. Nakita ko si eathan na kalalabas lang ng banyo, kitang-kita kong nakatapis lamang ng tuwalya ang katawan niya. Tagaktak yung tubig sa abs niya, kaya ang hot niya! Damn! diko tuloy maiwasan na 'di mapalunok.
Ngunit hindi ko 'yon pinansin, busy yung utak ko sa nakita ko kanina. Basta takot na takot ako ngayon dahil sa nakita ko.
"May nangyari ba?"rinig kong tanong ni eathan
Umayos ako ng tayo at marahan na naglakad patungo sa kama. Sa ngayon itutulog ko nalang ang lahat baka mawala ang takot na nararamdaman ko kanina. But how? Pano ako makakatulog ng maayos kung katabi ko eathan sa kama. Hindi ako sana'y na may katabi sa kama dahil mas nasanay akong mag-isang matulog sa kama dati.
"Nothing. Inaantok lamang ako."pagsisinungaling ko. Naramdaman ko ang yapak niya. Alam kong nagbibihis siya ngayon kahit nakatalikod ako sa kanya.
"Ok. Takot na takot ka ata."
O_o
"Wag kang mag-alala wala akong gagawing masama sayo. Hindi ako kagaya sa kaibigan ko."rinig kong sabi nito. Hindi ako sumagot. Humiga na lamang ako sa malambot na kama. Hindi naman kasi 'yon ang problema ko. Ang problema ko ay yung nakita ko sa balcony, hindi ako makakatulog nito dahil sa takot ko.
"Wala namang issue 'yon sa akin"sagot ko habang nakahiga ako sa kama. Nagtalukbong ako ng kumot ng titigan ako ni eathan."I'm just scared."sambit ko sa kanya
"Tsk."
Naramdaman ko ang paggalaw ng kama. May naramdaman akong gumagalaw sa tabi ko at alam kong si eathan 'yon dahil siya lang naman ang katabi ko sa kama.
BINABASA MO ANG
The First Section Has a Secret
Mystery / ThrillerSection A.. Hinahangaan ng iba ngunit may sikreto itong tinatago na hindi alam ng iba. Mga anghel kong humarap sa ibang tao ngunit sa kalooban nito ay may demonyong tinatago na hindi nila pinapakita sa ibang tao. STATUS: ON GOING