*MAXINE POV*
Andito kami ng mga kaklase ko sa living room nakaupo ng paikot sa sahig. Pinapaikutan namin ang bote na gagamitin sa laro. Mali. Wala pa si besprend at eathan sila nalang dalawa ang di pa dumadating. Siguro nagmake love pa ang dalawang 'yon kaya natagalan. Kung ano man yun ninang nalang ako sa kalalabasan basta besprend ko support ko basta ikakaligaya niya."Andiyan na ang dalawa. Mukhang kagigising lamang.."wika ni jacob.
Napunta ang tingin ko kay beatrice na ngayon ay kinukusot ang mata. Siguro kagigising lamang ng babaeng 'to o di kaya pinagod ni eathan.
Depende hehehehe...
"Umupo na kayong dalawa."tugon ko. Umupo naman sa tabi ko si beatrice at si eathan ay umupo sa tabi ni lyzander at jacob na ngayon ay nakangisi sa kanya.
"Mukhang maganda ata ang nangyari pre. Share mo naman sa amin."biro ni jacob sa kanya.
"Walang nangyari."bored lamang na sagot ni eathan sa kanya
Tiningnan ko si beatrice na tahimik ngayon na nakaupo sa tabi ko. Pansin kong mukha itong pagod na pagod. Siguro nakailang rounds sila ni eathan kaya ito napagod. Kasi naman ang tagal nilang dalawa na lumabas sa kwarto kaya impossibleng walang nangyari sa kanila. Except nalang kong natulog silang dalawa sa kwarto ng maghapon.
"Ok. Tama na yan boys"awat ni larra sa kanila."Ganito ang laro. Maglalaro tayo ng spin the bottle kung sino ang mahihintuan ng bote siya ang taya. Ganito ang rules ako ang unang mangtatanong guys. Tapos kung sino ang taya siya naman ang magtatanong sa susunod na biktima. Gets niyi?"mahabang paliwanag ni larra sa amin.
"Gets!"sabay naming lahat na sagot. Except nalang kay eathan at beatrice na parehong tahimik.
"Good."kinuha na ni larra ang bote sa sahig."I will start the game now. kung sino man ang mamalasin siya ang magiging taya hahaha"halakhak nito ng tawa. Mukha siyang sinaniban ng demonyo sa pinapakawalan niyang tawa. Ang creepy tuloy pakinggan!
-_-||
Tagal paikutin ng bruhang 'to ang bote. Wala naman kaming pakealam sa rules niya basta ang mahalaga ay masaya ang lahat. Fights na iyon! O sadyang naghihintay pa siya na may dumaan na grasya sa harapin namin bago niya paikutin ang bote na hawak niya.
"Ok."sinimulan na ni larra na paikutin ang bote sa sahig. Napapikit ako ng humina ang pag-ikot ng bote hanggang sa tumigil ito sa harapan ni beatrice na ngayon ay gulat na gulat."You will be the lucky girl beatrice. So truth or dare?"tanong ni larra kay beatrice na ngayon ay nakasimangot ang pagmumukha
"Truth"
"Hmmm.."
"Mas maganda sana girl kong dare ang pinili mo"sabi ni ynna sa kanya.
"Wala ako sa mood."
I see..
"Ok. Here's your question beatrice. Ano ang dahilan mo bat ka lumipat sa first section?"seryosong tanong ni larra kay beatrice.
Huh.
"Simpleng lang malapit lang ang bahay namin sa maxwell high kaya ako lumipat. I have no idea na kakaiba pala ang section na napasukan ko kaya ako nasali sa ganitong laro."sagot ni beatrice
BINABASA MO ANG
The First Section Has a Secret
Misterio / SuspensoSection A.. Hinahangaan ng iba ngunit may sikreto itong tinatago na hindi alam ng iba. Mga anghel kong humarap sa ibang tao ngunit sa kalooban nito ay may demonyong tinatago na hindi nila pinapakita sa ibang tao. STATUS: ON GOING