*BEATRICE POV*
Nakatulala lamang ako habang nakalublob ang katawan ko sa bathub, wala ako sa sarili ko ngayon dahil sa nangyari sa amin ni maxine. Natrauma ako ng husto ng mangyari 'yon sa amin diko lubos maisip na kami ni maxine ang tatargetin ng killer. Wala akong idea kung bakit kami ang pinagtangkaan ng killer marahil ay lugar niya ang napuntahan namin kanina kaya niya kami inatake ng ganon. Buti nalang talaga nakatakas kaming dalawa sa impyernong lugar na 'yon.Akala ko katapusan na ng buhay ko, hirap na hirap ako sa pinagdaanan ko dahil inatake ako ng sakit sa puso, akala ko yung sakit ko ang papatay sa sarili ko. I admit may sakit ako sa puso madali akong hingalin, madali rin akong mapagod. Kahinaan ko talaga ang pagtakbo dahil sa sakit ko. Matagal ko nang kinikimkim ang sakit ko sa puso. Mahirap ang sitwasyon ko dahil may possibilidad kasi na ikamatay ko ito.
Nagbalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto, nakita ko si eathan na nakatayo sa may pinto nakatingin siya sa akin ng seryoso. Take note wala akong damit na suot shit! Buti na lamang nakalublob ang katawan ko sa bathub kundi nakita niya ang buo kong katawan.
>_<¦¦¦
"Shit! Wag kang pumasok si eathan!"asik ko
"Tsk."
Damn!
Mas lalo kong nilublob ang katawan ko sa tubig ng mapansin ko ang paglakad niya patungo sa akin. Huminto siya sa harapan ko pagkatapos ay umupo siya sa gilid ng bathub, hindi naman ako mapakali ng mapansin ko sa labi niya ang pagsmirk.
>o<
"L-labas."pilit kong pagtataboy sa kanya. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko nang mapatitig siya sa akin.
"Tsk. Tagal mong lumabas kaya nainip ako."
-_-||
"Tss. Labas kana magbibihis na ako"
"Mamaya na"
Eh.
"Aba't?"
Pasalamat siya dahil hindi ako makatayo sa bathub, kundi baka kanina ko pa siya nasapak sa ulo. Ayokong tumayo mahirap na baka masilipan niya ako, saka may tinatago rin ako sa likuran ko yung tattoo ko. Hehehe. May maliit akong tattoo sa likod.
"By the way anong nangyari sa inyo ni maxine kanina?"pag-iiba niya ng usapan
"Hinabol kami ng killer sa 3rd floor at muntikan na kaming mapahamak buti na lamang nakatakas kaming dalawa ng makatalon kami sa balcony sa 3rd floor. Maswerte kaming dalawa dahil sa pool kami nahulog nung tumalon kami sa balcony."pagkwekwento ko sa kanya."Eh ikaw saan ka naman nagpunta kanina?"tanong ko pabalik sa kanya. Diba niya alam kung gaano ako nag-alala sa kanya akala ko napahamak na siya.
"Pinatulog ako ng killer nung kinuhaan kita ng tubig."sagot niya
O_o
"I see.."tanging sambit ko
Nilalamig na ako gusto at ko nang umalis sa bathub kaso epal itong si eathan ayaw akong patayuin.
"Nga pala eathan sino si shiana?"tanong ko muli. Napansin kong natigilan siya bigla. Kasi naman naalala ko dati ang kiniwento ni maxine sa akin.
"Paano mo siya nakilala?"naguguluhan nitong tanong sa akin
"Kiniwento siya ni maxine sa akin dati. Ang sabi ni maxine ginahasa daw siya ng mga kaklase mo dati."sagot ko. Wag niyang sabihin na kasali siya sa paggahasa kay shiana."Kasali kaba sa pangbababoy kay shiana?"dagdag kong tanong
Sumeryoso bigla ang reaction ng kanyang mukha para bang hindi niya nagustuhan ang katanungan ko sa kanya.
"Why would I? Wala sa vocabulary ko ang patulan ang katulad niya dahil sa pagkakaalam ko may boyfriend siya."inis nitong sagot. Napasimangot na lamang ang mukha ko."That time binusted niya ako pero nakamove on ako sa kanya weeks past dahil nahanap ko ang babaeng hinahangad ko maswerte nga ako dahil nahanap ko na siya."
BINABASA MO ANG
The First Section Has a Secret
Mystery / ThrillerSection A.. Hinahangaan ng iba ngunit may sikreto itong tinatago na hindi alam ng iba. Mga anghel kong humarap sa ibang tao ngunit sa kalooban nito ay may demonyong tinatago na hindi nila pinapakita sa ibang tao. STATUS: ON GOING