CHAPTER 23

432 9 0
                                    

*STILL BEATRICE POV*
Pareho kaming nakatayo ni eathan sa loob ng banyo matapos kaming iwan ni larra. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawaglit sa isipan ko ang mga sinabi ni larra kanina. Paano nalang kung iyon talaga ang katotohanan baka naghihiganti ang killer dahil sa pagkamatay ni shiana. Para sa akin malabo wala naman akong idea kung bakit ganon pumaslang ang killer? I mean paano ako nadamay sa larong 'to wala naman akong naging kasalanan kay shiana. Hayyss. Baka may rason pa ang killer kaya niya kami ni isa-isa ng ganito pero sino siya? May kasama ba siya o wala? Sino ba sa mga kaklase ko ang killer bat diko man lang nahahalata ang kinikilos niya. Masyado siyang maingat kaya mahirap tansyahin ang tunay niyang pagkatao.

"Let's go."aya bigla ni eathan sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kanya.

Lalakad na sana kami palabas ngunit bigla na lamang akong nadulas. Halos manlaki ang mata ko sa sobrang pagkagulat. Napapikit ako at naghintay na tumama ang ulo ko sa sahig ngunit wala akong naramdaman. Minulat ko ang mata ko at dun napagtanto na nasalo pala ako ni eathan.

"Tsk. Mag-iingat ka madulas ang sahig."paalala niya sa akin

"Hehehehe.."pilit ko lamang na ngiti sa kanya. Inalalayan niya ako patayo at hinawakan ang kamay ko dahil madulas talaga yung sahig dahil sa dugo na nagkalat. Mabuti nalang talaga nasalo niya ako kundi patay ako na wala sa oras."Salamat.."ngiting pagkakasabi ko sa kanya.

"Welcome.."ngiti niya pabalik sakin. Ang gwapo niyang ngumiti! Shit.

Kinilig ako ng akbayan niya ako. Sabay kaming dalawa na lumabas ng banyo at iniwan yung bangkay ni jamella sa banyo total lilinisin naman 'yon ng mga kaklase ko mamaya. Sa ngayon dumiretso kaming dalawa sa living room kung saan naroroon ang iba naming mga kaklase.

---------

Pagkarating naming dalawa sa living room nadatnan namin yung mga kaklase namin na nag-uusap. Lahat sila ay sa amin napatingin nagtataka pa ang kanilang mga mukha nila yung tipong naghihintay sa sasabihin namin.

-_-

"Natagalan ata kayo."takang bungad ni cloe sa amin. Yung mukha niya para kakain ng tao ang talim kasi ng titig niya sa akin.

"May problema ba kong matagalan kami."pagsusungit ko sa kanya.

"Wala."mataray lamang niyang sagot."Right now maglalaro daw tayo ng spin the bottle."aya niya. Agad sumang-ayon yung ibang kong mga kaklase sa kanya oh well except for me and eathan. Sa pagkakaalam ko kasi namatayan kami ng kaklase pero para sa kanila parang wala lang sa kanila ang pagkamatay ni jamella.

"Binalaan ko na si jamella pero hindi siya nakinig sa akin."rinig kong sabi ni samantha. Saglit ko siyang tinapunan ng tingin. Naiinis ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya. Muntikan na niya kasing masira ang pagkakaibigan namin ni maxine.

"So what!"inis na singhal ni kath sa kanya

"Mas mabuti pa nga na mamatay ang bruhang 'yon! Para naman mabawasan ang ahas sa mga kaklase natin!"larra said.

"You right girl."sang-ayon ni bithany sa kanya.

"Mas mabuti pang manahimik ka dyan samantha dika naman nakakatulong rito!"bulyaw ni yannie kay samantha."So guys simulan na natin ang laro."excitement niyang sabi.

"Ok!"sang-ayon ng mga kaklase ko. Nagsitayuan na silang lahat sa inuupuan nila. Nagsiupuan sila sa sahig para simulan ang larong tinutukoy nila. Dapat nga ay gumagawa kami ng plano ngayon pero balewala lamang sa kanila ang lahat. Para bang bulag sila sa katotohanan na lahat kami ay mamamatay sa huli kung hindi kami kikilos lahat kami ay mauubos sa isang iglap.

"Ano lover tatayo lang ba kayu d'yan?"may halong inis na tanong ni larra. Kami ni eathan ang tinutukoy niya dahil kami lang naman dalawa ang nakatayo.

"Tsss."usal lamang ni eathan

The First Section Has a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon