CHAPTER 14

543 18 1
                                    

*YNNA POV*
Nagulat ako ng bumukas ng malakas ang pinto ng kwarto na kinaroroonan ko. Halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang katawan nung kaklase ko na hila-hila nung killer. Hindi ako nakapagsalita ng makita ko si alfred na wala nang buhay, awang-awa ako sa kanya ng makita ko ang kinahihitnan niya. Dilat na dilat ang kanyang mata habang hinihila nung killer ang kanyang katawan.

"Whoah. Ang bigat ng lalaking 'to"

Napalunok ako bigla ng makita ko ang pagngisi nung killer sa akin. Kinakabahan ako sa gagawin niya sa akin.

"Be prepared, bitch. You're next."

I'm dead!

Tumahimik ako ng mapansin ko muli ang pagbukas ng pinto. This time dumating na ang dalawa niyang kasamahan. Pinagmasdan ko silang dalawa habang nagbabangayan sila mukha kasing may nangyari.

"Ang palpak ng planong 'to! Inuna ng taong yan ang pinakahuling biktima na si beatrice!"panunumbat nung kasamahan nung killer sa kasama niya.

"What the fuck! Nadala lamang ako sa galit ko sa kanya kaya ko siya naitulak sa hagdanan! But don't worry buhay pa ang babaeng 'yonn!!"sagot nung killer na kasamahan nila

"Kahit na! Ang huli ay huli!"

Kayo nalang ang magpatayan total kayo ang killer wag niyo ng idamay ang mga kaklase ko.

"Bakit? May gusto kaba sa babaeng 'yon hah!"diin na tanong ng kasamahan nung killer sa kanya

"Don't ask me!"

"Mga gago! Manahimik kayo! Wala mapapala ang pag-aaway niyong dalawa d'yan!"suway nung mastermind nila na humila nung katawan ni alfred

"Sa ngayon guys tapusin na natin ang larong ito para makuha na natin ang hustisya!"sabi nung killer na may hawak na itak

"Ok fine!"

"So let's start now?"

Agad akong nanginig ng makita ko ang tinginan nilang tatlo sa akin. Halos mapaiyak ako ng lumapit silang tatlo sa kinauupuan ko. Naramdaman kong tinanggal nung killer ang kadenang nakagapos sa kamay ko. Tanging paa ko na lamang ang nakagapos ngayon.

At alam kong hindi nila ako palalabasin ng buhay dito kaya nakahanda na ako sa kamatayan na naghihintay sa akin.

"So let's kill her!"

I'm dead...

Napahiyaw ako ng hilahin nung mastermind nila ang buhok ko. Kinaladkad niya ako sa sahig habang humihiyaw ako sa sakit. Pakiramdam ko parang matatanggal ang buhok ko dahil sa mahigpit nitong pagkakahila.

"Sumigaw ka hangga't gusto mo!!"

"Tulonggggg!!!!"i shouted

Pinahiga nila akong tatlo sa sahig matapos ay hinawakan nung dalawa niyang kasamahan ang kamay at paa ko para 'di ako makapapumiglas. Sigaw ako nang sigaw habang pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak nila sa akin ngunit 'di ako makapalag sa kanilang tatlo. wala akong lakas para lumaban sa kanila. Masyado silang malakas kumpara sa akin.

"San ko nga ba sisimulan putulin."nakangising sambit ng mastermind nila. Hawak-hawak niya ang isang itak na gagamitin niya sa pagpaslang sa akin.

"W-wag..."pagmamakaawa ko sa kanya"please! Maawa ka sa akin!!"patuloy kong pagmamakaawa

The First Section Has a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon