*Beatrice Pov*
Kinakabahan ako habang naglalakad sa hallway nang bago kong school. Transferee ako sa Maxwell High, and guess pinalipat ako ng parents ko para daw mapadali ang pag-uwi ko sa bahay. Malapit lang kasi ang bahay namin sa bago kong school kaya ako nilipat ng parents ko.And wait...
I think i'm lost. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng sarili kong paa, nakita ko nalang ang sarili ko na nakatayo sa harapan ng pinto ng principal's office.
I'm idiot..
Dito naman talaga ako papunta sa principal's office gusto kong alamin ang bago kong section. Kakausapin ko ang principal para alamin ang tungkol sa bagong kong section and I hope na mababait ang bago kong mga kaklase.
*SIGH*
Inayos ko ang sarili ko nang maramdaman ko ang kaba sa dibdib. First time ko lang kabahan ng ganito sa buong buhay ko, since ngayon lang ako makaka-encounter ng bagong tao.
Kinatok ko ang pinto para bumukas ito ngunit kusa itong bumukas. Agad naman akong nagtaka, inakala ko kasing nakalock ang pinto ngunit kusa itong bumukas.
Weird...
I shook my head. Baka ganito lang ang pinto. Pumasok na ako sa loob nang office at pagkapasok ko nakita ko ang isang babaeng may katandaan na, nakaupo ito sa swivel chair.
"You must be the new student?"bungad bigla nung babaeng matanda sa akin. I think siya ang principal sa maxwell high.
Tumingin ito sa mata ko nang direkta at nakaramdam ako ng takot sa dibdib ko.
"Yes i am.."kalmado kong sagot sabay iwas ng tingin sa mata niya
Diko pinahalata na takot ako sa principal dahil wala naman akong dapat ikatakot sa kanya dahil pareho naman kaming tao. Except nalang kong baliw ang principal na ‘to
"Ok.."kinilibutan ako sa principal ng ngumiti ito ng kakaiba sa akin"Your section is Section A, the first section."aniya nito habang nakatitig sa‘kin"So, I formally welcome you in Maxwell High should I say in..hell."nakita kong sumilay sa labi niya ang malademonyong ngiti.
O_o
-----
Wala ako sa sarili ko habang umaakyat sa hagdanan patungo sa 3rd floor ng building. Hanggang ngayon bumabagabag parin sa isipan ko ang mga sinabi ng principal sa akin, halos guluhin ang isip ko sa mga salitang binilin niya sa utak ko. Bwesit! Naguluhan tuloy ako sa mga sinabi ng principal sa akin, ang sabi niya kasi mabait lang daw sa umpisa ang mga kaklase ko, pero pagnakilala ko raw sila ng lubos lalabas daw ang tunay nilang pagkatao na diko nakikita.
Argh...
Ganito kasi...
*FLASHBACK*
I was stunned. Nasindak ako sa sinabi ng principal masyado kasing nakakatakot ang pagwe-welcome niya sa akin para bang binabalaan niya ako sa bago kong section. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mapalunok sa takot, sa kalooban ko parang gusto ko nang umurong sa pagtatransfer ko. Masyado kasing nakakatakot ang principal na kaharap ko nasindak niya ako sa pinapakita niyang pananakot.
"That was joke Ms.Antoinette."bawi nito bigla sa sinabi niya. Tumawa ito ng mariin sa harapan ko"hoh!"tumigil ito sa pagtawa tapos ay seryoso niya akong tiningnan"I'm just kidding for what I said so, Welcome in Maxwell High Ms. Antoinette I hope na makayanan mo ang bago mong section."
O_o
Anong ibig niyang sabihin?
Naguluhan ako bigla sa sinabi ng principal para kasing may pinapahiwatig siya sa akin, kung tama ang hinala ko sa kanya. Ano bang meron sa bago kong kaklase? Masasama ba sila o mababait? at ano ang ibig niyang ipahiwatig sa akin.
BINABASA MO ANG
The First Section Has a Secret
Mystery / ThrillerSection A.. Hinahangaan ng iba ngunit may sikreto itong tinatago na hindi alam ng iba. Mga anghel kong humarap sa ibang tao ngunit sa kalooban nito ay may demonyong tinatago na hindi nila pinapakita sa ibang tao. STATUS: ON GOING