CHAPTER 7

645 19 2
                                    

*MAXINE POV*
"AAAAHHHHHHHH!!!"

Bigla akong napabalikwas sa kama ng makarinig ako ng malakas na sigaw mula sa labas ng dorm. Halos mapabangon ako sa pagkainis dahil sa bwesit na sigaw na narinig ko. Umagang-umaga nasira agad ang mood ko, patay sa akin ang sumira sa mahimbing kong tulog. Talagang ingungudngud ko ang mukha niya sa sahig para malaman niyang nakakasira siya ng umaga.

Bumangon ako sa kama at padabog na sinuot ang tsinelas ko. Lumabas ako ng dorm na nakasimangot ang mukha. Ngunit pagkalabas ko nawala ang pagkasimangot ng mukha ko at napalitan ito ng pagkagulat. Daig ko ang tuod sa kinatatayuan ko nang makita ko ang dugo sa sahig. Nanggagaling yung dugo sa kabilang dorm na katabi ng dorm na tinutuluyan ko.

"M-maxine.."

Napunta bigla ang tingin ko kay larra at nakita ko siyang takot na takot ang mukha. Titig na titig siya sa dugo sa sahig. At wala akong idea kung sino na naman ang pinatay sa kaklase ko.

"What happened?"I asked her. Lumakad ako palapit sa kinatatayuan niya.

"M-may pa-tay.."takot na takot nitong sagot

I see. Humarap ako sa pintong nakabukas ngunit pagkaharap ko halos manlaki ang mata ko sa nakita ko. Nakita ko ang dalawa kong kaklase na wala ng buhay. Napatakip ako ng bibig nang makita ko ang kagimbal-gimbal na nangyari kay troy at jane. Awang-awa ako sa kanila ng makita ang nangyari sa kanilang dalawa pareho itong binawian ng buhay.

"Shit. Tawagin mo yung iba!"utos ko bigla kay larra. Panibago na namang biktima.

"O-ok.."utal nitong sagot

Tumakbo na ito ng palayo at naiwan akong nakatayo sa labas ng dorm nila jane at troy. Pinagmasdan ko ang kaawa-awang sinapit ng dalawa kong kaklase. Pareho itong minassacre at walang awa ang pumatay sa kanilang dalawa talagang pinahirapan sila ng husto bago pinaslang.

"Another dead?"

Bigla akong napalingon sa likuran ko at nakita si jack na nakasandal sa pader.

"Yeah."

"Hayys. Death game, will be the one who will lead us on death.."

"I know"

Lahat naman kami ay mamamatay sa huli. Tanggap ko 'yon kaya hindi na niya kailangan pang ulitin. Wala kaming takas sa kamatayan na naghihintay sa aming lahat. Handa na kami ng besprend ko na mamatay since kapalaran daw namin ito.

"D'yan ka muna."habilin ko sa kanya. Pumasok ako sa loob ng dorm nila jane at troy para maghanap ng clue na naiwan sa loob ng dorm. Nagbabasakali rin na may bakas na naiwan ang killer sa loob, ngunit ganon pa man malinis ang pagkakapatay sa dalawa, walang bakas na naiwan sa loob.

Tanging dugo ang bumabalot sa sahig at hindi na ako magtataka pa sa ganitong sitwasyon. Sana'y na ako sa ganitong sitwasyon mula palang dati. Mas worse pa nga ang pangyayari dati kaysa sa nangyayari ngayon.

"Tssss."umiling ako. Naawa ako saglit kay troy ng makita ko ang pugot niyang ulo sa sahig. Dilat na dilat ang mata nito kaya nakakaawang isipin na pinahirapan siya ng husto."hmmm"napatingin ako sa katawan ni jane at nakita ko sa pisngi niya ang lucky number na nabunot niya sa laro kahapon."A.."sambit ko sa sarili ko. Anong ibig sabihin nito bakit may dalawang letrang iniwan ang killer. Letter I at letter A. Kahapon ganito rin ang nakita ko kay anna. Letter N ang nakita ko kay anna tapos ngayon ay letrang A at I. Anong ibig sabihin nito? May gusto atang ipasolve ang killer na 'yon sa amin. Tapos ang number na inukit niya sa dalawa ay number na nagpapatubay sa susunod na biktima, kung tama ako? Nagsimula sa last number ang killer bago ang pinakaunang number, mabuti nalang malayo pa ako. Pero nagugulohan talaga ako sa tatlong letra na iniwan ng killer sa biktima niya. Bahala na sa susunod ko na lamang isosolve ang clue para naman makahanap pa ako ng ibang clue.

The First Section Has a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon