CHAPTER 3

818 29 8
                                    

*BEATRICE POV*
"So class, I'm your substitute teacher, I'm mikaella. Call me miss ella para sosyal pakinggan, I'm your teacher in english. Ako muna ang papalit sa teacher niyo since malaki ang kasalanan na ginawa niyo sa kanya. Hanggang ngayon ay nakaratay pa rin ang adviser niyo sa hospital at wala nakakaalam kung mabubuhay pa ito dahil malaki ang naging impak."

Anong ibig sabihin ni ma'am?

So it means may ginawa ang mga kaklase ko sa tunay naming adviser at ano naman kaya 'yon? Naguguluhan ako sa section na ‘to dahil masyadong misteryoso para sa akin, basta gusto kong masolve ang katanungan sa isipan ko at gusto kong alamin ang lahat ng meron sa first section para malaman ko ang sikreto ng section na ‘to.

"So open your books in page 105.."sabi ni ma'am.

Nagsimula ng magturo si ma'am sa amin. Tumahimik na lamang ako sa upuan ko at nakinig sa lection niya para 'di ako maboring sa klase.

*BREAKTIME*

Kakatapos lamang ng first subject at ngayon ay breaktime na. Sa umaga dalawa lamang ang subject namin tapos sa hapon naman ay dalawa rin ang subject namin. Ewan ko kung bakit basta mahaba-haba ang vacant namin ngayon dahil tapos na ang subject namin.

Siguro ito na rin ang time para alamin ang katanungan na hinahanap ko, dito ko aalamin ang lahat para malaman ko kung ano ang meron sa first section at para rin malaman ko ang tunay nilang sikreto na tinatago.

"Let's go bess.."aya ni maxine sa akin

"Sige.."

Tumayo na ako sa upuan ko ng mapansin ko ang pagtayo ni maxine sa kanyang inuupuan. Sabay kaming dalawa na lumabas ng classroom. Tumungo kami sa library para don mag chismisan. Dun kami mag-uusap ng taimtim para walang makarinig sa amin kung sakaling sabihin ni maxine sa akin ang lahat.

-----

Nandito kami ni maxine sa pinakadulo ng library, tahimik na nakaupo. Hawak-hawak ni besprend ang isang album na hinangkulat niya sa bookshelf kanina medyo natagalan kami sa paghahanap, kaya naabutan kami ng ilang oras pero mabuti nalang nahanap namin ito."Anong meron sa album na hawak mo?"natataka kong tanong kay maxine

Medyo may kalumaan na ang album na hawak niya napansin ko kasing napupuno na ito ng alikabok. Siguro matagal-tagal na rin itong hindi tinitingnan ng ilang students kaya ito lumuma.

"This is the old picture of first section. Andito ang lahat ng kasagutan na hinahanap mo at dito mo rin makikita ang taong 'yon"sagot nito

Medyo naguluhan ako sa besprend ko, hindi ko kasi alam kung sino ang tinutukoy niyang tao. Wala naman akong matandaan sa nakaraan ko basta kinalimutan ko na lahat except nalang sa nangyari dati yun ang araw na diko makakalimutan na hanggang ngayon ay dinadala ko pa rin sa kalooban ko.

It was a big mistake, I didn't mean it. It was an accident and I hope she will forgive me especially for what I did to her.

Nilapag ni maxine ang album na hawak niya sa mesa, pagkatapos ay maingat niyang itong binuklat. Tumambad agad sa paningin ko ang mga lumang litrato ng ilang students.

"Ito ba ang first section dati?"turo ko sa mga students na nasa larawan

"Yeah. Andyan ako. Iyan ang lahat ng students sa first section dati. Sa totoo lang 50 lahat ang students sa first section dati bess kaso naubos ang iba sa amin ng mangyari ang malagim na pangyayari dati. It was a death scene na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. I was very happy na hindi ka lumipat sa first section dati dahil pag nangyari ‘yon baka kasali ka sa pinatay ng mga kaklase namin dati. Lahat ng kaklase natin ay mga baliw at mamatay tao bess"pagkwekwento ni maxine sa akin

The First Section Has a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon