*BEATRICE POV*
*APPLAUSE*
Isang masaganang palakpakan ang narinig ko nang matapos kumanta nila greg at eathan sa stage halos mapangiti ako ng matanaw ko si eathan na papunta sa gawi ko. Sobrang galing wala akong mapili sa kanilang dalawa dahil pareho sila na magaling kumanta.
"WHOOAAAHHHH!!"huling hiyawan ng mga students.
"Eathan?"salubong ko sa kanya. Agad ko siya sinalubong ng yakap pero naramdaman ko ang pagbitaw niya at nagtaka ako."bakit?"natatakang tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko wala siya sa mood niya pansin ko kasing nakasimangot ang kanyang mukha pakiramdam ko tuloy may nagawa akong masama sa kanya."May problema ba?"tanong ko muli sa kanya
"Wala."cold niyang sagot. Saglit niya akong tinignan pero agad siyang umiwas at akmang magwawalkout ngunit pinigilan ko agad ang kamay niya."What!"irita niya akong nilingon.
"Galit kaba? May nagawa ba ako? Please sabihin mo eathan? Sorry kung hindi ikaw ang naging partner ko? Kasi naman pa---"
"Wag ka nang magpaliwanag pa beatrice."putol niya sakin."Aalis na ako at magkita nalang tayong dalawa mamaya sa dorm."
"P-pero?"naiiyak kong sambit."Mag-usap tayo, please?"pakiusap ko sa kanya
"Wag ngayon."
"Bakit?"
Naiiyak na talaga ako sa kinikilos niya ang lamig kasi ng pakikutungo niya sa akin parang hindi siya ang eathan na minahal ko.
"Wala ako sa mood."cold niyang sabi ulit. Napabuntong hininga pa siya bago inalis ang kamay kong nakahawak sa kamay niya."Wag kang magpapagabi umuwi kaagad pagkatapos ng party na 'to maghihintay ako sayo sa dorm."habilin niya bago tumalikod at maglakad palayo at naiwan lamang akong nakatulala. Naramdaman ko bigla ang pagtulo ng luha ko at don ko napagtanto na umiiyak na pala ako.
"Hayaan mo siya."singit ng pamilyar na boses at napalingon ako. Nakita ko si greg na nakatayo, nakapamulsa ito habang nakangiti sa akin."Tayo nalang dalawa ang magsama total wala ka naman kasama ngayon."
"Sige. Pero saglit lang magccr muna ako."paalam ko sa kanya
"Sige."tipid niyang ngiti. Di pa ako nakapagsalita ng punasan niya ang luha ko gamit ang hintuturo niya."Wag kang umiyak hindi siya kawalan beatrice."
"P-pero..."
"Magcr ka muna mamaya nalang tayo mag-usap, hihintayin kita rito."
"Oh sige.."
Ningitian ko muna siya bago ako naglakad palayo.
---------
Nakasimangot ang mukha ko habang nakatingin sa ilang students na nakapila sa labas ng cr sa gymnasium. Halos makaramdam ako ng pagkainis dahil sa nakikita ko kung maghihintay ako mamaya pa ako makakalabas ng sama ng loob.
Tss...
I don't have a choice. Naglakad na lamang ako ng palabas ng gym don ako dumaan sa ikalawang entrance ng gym. Pagkalabas ko sumalubong sa akin ang iilan na students na umaaligid sa labas ng gym naglakad ako patungo sa ikalawang building na malapit sa gym. Naalala ko kasing may cr doon kaya don muna ako tatambay 'di muna ako babalik sa gym hangga't diko naiilalabas ang sama ng loob ko.
Lakad...
Lakad..
Lakad...
Sobrang dilim kaya nakakatakot maglakad ng mag-isa sa quadrangle medyo malapit-lapit na ako kaya kunting tiis nalang kaso madilim ang paligid at wala rin akong nakikitang students na umaaligid sa quadrangle nasa gym ata silang lahat. Tsk.
BINABASA MO ANG
The First Section Has a Secret
Mystery / ThrillerSection A.. Hinahangaan ng iba ngunit may sikreto itong tinatago na hindi alam ng iba. Mga anghel kong humarap sa ibang tao ngunit sa kalooban nito ay may demonyong tinatago na hindi nila pinapakita sa ibang tao. STATUS: ON GOING