CHAPTER 19

482 11 0
                                    

*Mirror, mirror on the wall. Who is going to kill us all?*

*BEATRICE POV*
Nakaharap ako ngayon sa salamin katatapos ko lamang na maligo at nakabihis na ako. Sa ngayon nakatingin ako sa reflection ko sa salamin, tinitignan ko ang kabuuan ng mukha ko na ngayon ay namumutla, mula kasi kagabi hindi ako nakatulog dahil sa panaginip ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat, nakita ko kasi ang sarili ko sa panaginip ko naliligo daw ako sa sarili kong dugo. Namatay daw ako dahil nahuli ako ng killer hindi ko alam kung totoo 'yon basta 'yon ang masama kong panaginip kagabi. Kaya nga hindi ako nakatulog buong gabi dahil sa masamang panaginip ko. Masama rin ang pakiramdam ko ngayon dahil sa nangyari, dinadaan ko nalang sa pag-aaliw ang lahat nagbabasakaling mawala ang takot ko diko kasi alam kung paano ko haharapin ang lahat. What if mamatay ako? What if rin magkatotoo ang panaginip ko? May iiyak ba o wala? Paano ang minamahal ko kung sakaling mamatay ako sa huli.

Siguro ay tatanggapin ko nalang ang kamatayan na naghihintay sa akin para naman mabayaran ko ang mga kasalanan ko. Sa pamamagitan ng kamatayan na naghihintay sa akin magiging peaceful na ako mababayaran ko na ang lahat ng kasalanan ko kay beatrane. Atsaka don rin patungo lahat, lahat rin kami ay mamamatay sa huli dahil papatayin rin kami ng killer alam kong walang makakasurvive sa amin.

"Hey?"

Napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang pamilyar na boses. Nakita ko si eathan na nakasandal sa gilid ng pinto, nakacross arm ang kamay nito habang nakatingin sa akin.

"Is there something wrong?"tanong niya

"Wala, tinitignan ko lang ang sarili ko sa salamin"sagot ko. Inalis ko yung tingin ko sa kanya at tinuon muli ang tingin sa salamin.

"Ok. Right now bumaba na tayo andun na ang mga kaklase natin."rinig kong wika niya

*SIGH*

"Susunod ako."sagot ko muli habang nakatingin pa rin sa salamin.

Sa totoo lang wala akong gana na kumain sa umagahan ewan ko kung bakit basta wala ako sa mood na kumain ngayon marahil ay dala lamang ng pagod ko. Siguro nga? Pero teka! Agad akong natigilan ng maalala ko ang pinag-usapan namin eathan kagabi, halos manlaki ang mata ko nang sumagi sa isipan ko si shiana. Saglit akong natulala ng maalala ko ang nangyari dati, gulat ang bumakas sa mukha ko nang maalala ko ang pagpapakilala ni shiana sa akin dati.

"S-shiana.."bulong ko. Biglang nanginig ang katawan ko nang maalala ko ang nakaraan ko, diko lubos maisip na kilala ko pala si shiana bat diko man natandaan kagabi sobra kong tanga!

Nakilala ko pala dati si shiana nung isama ako ni beatrane sa school niya. Siya yung babaeng nakausap ko sa classroom dati yung babaeng mala anghel ang mukha. Shit!

"May problema ba?"rinig kong boses ni eathan

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

"Nothing. Right now magpakasaya nalang tayo."sagot ko sabay tingin sa kanya ng nakakaloko. Magpapakasaya ako para naman mawala ang takot ko aaliwin ko ang sarili ko at kakalimutan ang problema para naman maging masaya ako. Ayokong magpadala sa takot baka iyon ang ikamatay ko.

"Ok."tipid niyang sambit. Lumakad na ako palapit sa kanya at hinila siya palabas ng banyo pagkatapos ay lumabas na kami ng kwarto. Sa ngayon pupuntahan namin yung mga kaklase namin baka kasi may namatay na naman sa kanila.

*****

*MAXINE POV*
"Ano maxine ok kana ba?"tanong ni jack. Hindi maipinta ang mukha ko nang tignan ko siya. Kagabi pa kasi ang lalaking 'to tanong nang tanong sa kalagayan ko. Ang kulit nang lahi niya kaya nakakagigil, sarap niyang tirisin ng pinong-pino para malaman niyang gigil na gigil na ako sa kanya.

The First Section Has a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon