*You ruined me. You ruined everything I loved. And now you'll watch as I set your world on fire*
*BEATRICE POV*
Kasalukuyang pa rin kaming andito sa kusina, kakaunti na lamang kaming natitira dahil nagsialisan na ang iba sa mga kaklase ko nagtungo yung iba sa living room para tumambay. Tanging ako, sina larra, maxine, eathan, jack, cloe, bithany at kath ang tanging naiwan the rest nagsialis na. Si lyzander naman dina bumalik matapos ang nangyari kanina siguro ay galit pa rin ang lalaking 'yon sa amin dahil sa nangyaring sagutan nilang dalawa ni larra. Ok lang naman na sabihin ni larra sa akin ang lahat total diko naman ipagkakalat ang nalaman ko. Makakapagkatiwalaan ako pagdating sa sikreto hindi naman ako chismosa para ipagkalat ang sikreto ng ibang tao."Haayyss.."buntong hininga ni larra. Nakita kong napahikab siya."Siguro sa susunod ko nalang ikwekwento sayo beatrice ang lahat."
Eh.
O_o
The heck! Excited pa naman akong marinig ang ikwekwento niya tapos ngayon bigla na lamang siyang tinatamad na magkwento, so pinaasa niya lang pala ako sa wala. Tang-ina!
"Just kidding!"bawi niya agad sabay ngiti ng nakakaloko sa akin.
"Seriously!"inis ko lamang na sambit sabay kamot sa noo ko. Ako tuloy ang nawawalan ng gana sa kanya, ang tagal niya kasing magkwento sa akin, pinapahintay pa niya ako pwede naman niyang sabihin na wala talaga siyang balak na magkwento sa akin."Tsk. Start now."puna ko.
"Just chill!"pagpapakalma niya sa akin."Dito tayo magsisimula"dagdag niya habang binubuklat ang album. Tumambad agad sa amin ang lumang litrato."Ito ang lumang litrato ng first section kinunan ito 3 years ago kaya medyo may kalumaan na. Actually 50 lahat ng students sa first section kong hindi lamang nangyari ang kahibangan dati."pagkwekwento niya. Taimtim lamang akong nakinig sa kanya dahil yan rin ang kiniwento ni maxine sa akin dati."Ito si Shiana Frostin."turo bigla ni larra sa babaeng nakaponytail sa litrato. I know her?
"Tapos?"
*LARRA POV*
I hate to admit, parang nabobored akong magkwento kay beatrice kasi naman nawala ako ng gana bigla. Ewan ko kung bakit basta inaatake na naman ako ng pagiging tamad ko. Pero kailangan kong gawin ito dahil baka madismaya si beatrice sa akin pag diko kiniwento sa kanya ang lahat ayoko ko siyang biguin baka kasi magbago ang pakikitungo niya sa akin."Tapos?"
Tss..
"Siya ang totoo naming president dati kaso inagaw ni cloe ang pagiging president niya. We admit na ayaw naming maging president si shiana dahil masyado siyang epal sa lahat ng teacher. Lagi kasi siyang favorite ng teachers dati kaya kami nagkaroon ng galit sa kanya. But not too much dahil mabait siya at mahinhin na tao kaso hindi talaga kami nakapagtimpi ng malaman namin ang ginawa niya."pagkwekwento ko pa rin sa kanya. Sa tuwing naalala ko ang lahat nakakaramdam ako ng galit kay shiana.
*FLASHBACK*
Kasalukuyan kaming naglalakad nila ynna at yannie sa hallway patungo sa principal's office. Kakausapin namin ang principal tungkol sa issue na kumalat sa school. Diko lubos maisip na magkakaroon kami ng problema dahil lamang sa video na 'yon nadamay pa kami sa kalandian ni cloe. Ang pesteng babaeng 'yon pinatulan ang asawa ng principal 'di man lang nag-isip ang haliparot na 'yon sa kalalabasan talagang ginawa niya lahat makuha lang ang pagiging president sa classroom. At ngayon ay kalat na kalat na ang video tungkol sa scandal ni cloe, kaya nga kakausapin namin ang principal para alamin kung sino ang kumuha ng video. Pag nalaman ko kung sino talagang sasampalin ko ang pagmumukha niya para malaman niyang nakakasira siya ng image ng ibang tao.
"What if isa sa mga kaklase natin ang nag video?"biglang sabi ni yannie
"Obvious naman?"sagot ko. Alam ko naman na isa mga kaklase ko ang nagvideo sa scandal ni cloe. Siguro ay kailangan lamang ng attention ang taong 'yon kaya niya kinunan ng video si cloe, pero sino naman kaya sa mga kaklase ko ang nag video?"The problem who is this person?"natatakang kong sambit.
BINABASA MO ANG
The First Section Has a Secret
Mystery / ThrillerSection A.. Hinahangaan ng iba ngunit may sikreto itong tinatago na hindi alam ng iba. Mga anghel kong humarap sa ibang tao ngunit sa kalooban nito ay may demonyong tinatago na hindi nila pinapakita sa ibang tao. STATUS: ON GOING