CHAPTER 30

436 11 0
                                    

*SAMANTHA POV*
Hindi ako makagalaw habang nakatingin sa litrato na hawak ko, halos manginig ang kamay ko nang makita ko ang picture na kinunan ko kay beatrice. Hindi niya ako napansin dahil busy siya sa matandang kausap niya kanina, paano ko ito ipapaliwanag sa kanya. Ang nakunan kong picture ay kakaiba diko alam kung paano ko sasabihin sa kanya natatakot ako na baka hindi siya maniwala sa akin. Nakakatakot dahil nakunan ko siyang walang ulo, I mean wala siyang ulo sa litrato na kinunan ko kanina. Pagganito may mangyayaring masama sa buhay niya it means mamamatay siya sa huli. Kailangan ko itong ipakita sa kanya bago pa man mahuli. Shit!

"Hoy samantha!"tawag ng pamilyar na boses. Palihim kong tinago ang picture na hawak ko. Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses at dun nakita si larra na naglalakad patungo sa akin.

"Bakit larra?"tanong ko nang makarating ito sa kinatatayuan ko

"Pwede kabang makausap ngayon."seryoso niyang sabi

"Para saan?"

"About shiana. Importante lang talaga ito kaya please lang."pakiusap niya sa akin

Total nakiusap siya sa akin pagbibigyan ko siya sa gusto niya. Sa ngayon sa kanya ko muna ipapaalam ang nalaman ko. Sa susunod ko na lamang sasabihin kay beatrice ang tungkol sa picture na nakunan ko.

"At bakit? Anong meron kay shiana?"tanong ko sa kanya

"Basta! Bigyan mo ako ng imformation tungkol sa kanya."

"Sige pagbibigyan kita. Pero wag dito dahil nasa tabi-tabi lamang sila."

"Huh?"taka niyang sambit."Sinong sila?"curious niyang tanong

"Yung mga psycho na pumapatay sa mga kaklase natin."

O_o-siya

-----

*BEATRICE POV*
"Ano beatrice pwede naba ang ferris wheel sayo."tanong ni jacob sa akin. Halos sakyan na namin ang lahat ng rides ngunit diko talaga kinaya lagi lamang akong sumusuka sa tuwing sumasakay ako. Hilong-hilo na ako dahil sa rides na sinakyan namin kanina. At ngayon mas lalo akong masusuka dahil sa ferris wheel na susunod naming sasakyan. Ito ang huling ride na sasakyan namin, diko alam kung makakaya ko paba, depende na lamang.

"Yeah."tipid na sagot ko

"So paano bess kayong dalawa ni eathan ang magsama. Tapos kami naman ni jack. Sina charlie at lyzander naman ang magsasama at si tristan at jacob rin ang magsasama gets niyo."paliwanag ni maxine sa amin

"Gets!"sabay naming lahat na sagot.

"Good!"

Kanya-kanyang tungo na kami sa entrance. Sa ngayon tapos na ang ibang students kami na ang susunod, saka nakabili na rin pala kami ng ticket kaya pasakay na kami ngayon sa ferris wheel.

"Kaya mo pa ba?"tanong bigla ni eathan sa akin

"Oo naman.."I smiled. Natanaw ko bigla sina charlie at lyzander silang dalawa ang unang sumakay. Sumunod naman sa kanila si maxine at jack na kumakaway sa amin ni eathan."Tayo na pala tara na."aya ko bigla sa kanya. I think panghuli sila jacob at tristan.

"Sige.."

Humawak ako sa kamay niya at ramdam ko ang kaba ng pagbuksan kami nung lalaki. Sabay kaming dalawa ni eathan na umupo. Napalunok pa ako ng mapasandal kami sa upuan, sa ngayon nagsisimula na itong gumalaw. Gumalaw ito paitaas at wala akong idea kung kailan titigil ang ferris wheel na ito. Nasa pinakaitaas kami at natanaw ko Ang malawak na campus ng school tanaw na tanaw ko ang maraming students na umaaligid sa campus. Sa labas ng school natatanaw ko ang mga bahay at may sasakyan na nakaparada sa labas ng gate. Hindi lang yun nakikita ko rin mga ang ilaw sa paligid. Actually hapon na rin kaya medyo madilim na ang paligid pero magandang pagmasdan ang mga ilaw nakakaaliw nga eh. Atsaka horror na horror ang dating ng campus ang dami kasing desinyo sa paligid, nakapaligid ang maraming pumpkin. May iilang students akong natatanaw most of them is wearing a halloween costume.

The First Section Has a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon