CHAPTER 39

112 2 5
                                    

*LYZANDER POV*
"Mga tol nabalitaan niyo naba may bagong namatay daw sa section natin."bungad ni noah ng makapasok kaming tatlo nila charlie at jacob sa loob ng classroom."Sina ashley at sheena daw ang namatay natagpuan ang kanilang bangkay sa library."dagdag pa niya. Nagkatinginan na kaming tatlo at nagkibit balikat.

"Wala tayong magagawa kung namatay sila e pinatay sila ng killer."sagot ni charlie

"Pero nakakatakot tol dahil 'di pa matagal namatay sina shane at tristan pati na si samantha tapos ngayon may bago agad silang biktima."

"Bakit may magagawa ba tayo para pigilan ang killer na pumatay. Diba wala?"si jacob

May point siya 'di nga namin malaman laman kung sino ang mga killer tapos ang pigilan pa kaya.

"Sumosobra na talaga ang killer na yan tagal ko nang nananahimik ngunit ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob magsalita ng ganito."

Tinapik ko ang braso ni noah dahil napansin kong galit ito maski ako galit rin sa killer pero wala kaming magagawa.

"Chill lang mahuhuli rin natin sila kaya kumalma ka muna."sabi ko."Wag mong idaan sa init ng ulo yung galit mo baka makagawa ka pa ng masama."dagdag ko

"Hindi mo kasi naiintindihan lyzander ang sa akin lang habang tumatagal mas lalo tayong nauubos."kalmadong nitong sagot."Nadamay pa yung mga kaibigan ko."malungkot nitong dagdag

Sino naman kaya tinutukoy nito.

"At sino naman yung mga kaibigan mo?"hindi mapigilan na hindi itanong ni jacob sa kanya

"Si vince at xander."sagot nito at napansin kong naiyukom niya yung kamao niya. Siguro ay galit na ito."Hindi ko mapapatawad ang mga killer na yun sa ginawa nila sa kaibigan ko."nagbago bigla tono ng boses niya napalitan ito ng galit.

Maski ako ganyan rin ang gagawin ko dahil namatayan rin ako ng kaibigan.

"Kami rin galit rin tol dahil sa pagkamatay ni tristan masakit talaga ang mawalan ng kaibigan tol kaya ramdam ko 'yang sakit na nararamdaman mo ngayon."sabi ni charlie

Walang nagawa si noah kundi ang mapabuntong hininga lamang.

Naiinis ako dahil wala akong magawa para protektahan yung mga kaibigan ko.

"Wag kang mag-alala gagawa kami ng paraan para mahuli yung pumapatay sa section natin."seryosong sabi ko. Galit na galit na ako diko lang pinahalata sa kanila.

"Alam ko."tanging nasambit niya."Btw may nakita akong kakaiba kanina isang maliit na papel."dagdag nito. Kinapa niya yung bulsa niya at may kinuha na maliit na papel. Inabot niya ito sa akin. Kahit nagtataka ako kinuha ko yung maliit na papel. Napansin ko pa na may bahid ito ng dugo."Nakita ko yan kanina sa classroom nung magkagulo tayo dahil sa nangyari kay tristan at shane."aniya nito

Damn. Panibagong ebidensya

Agad ko itong binuklat at napansin kong may nakasulat na number at letra.

"Ano yan pre?"biglang tanong ni charlie sa tabi ko. Palihim kong naiyukom yung kamao ko sa sobrang galit na nararamdaman ko.

"Number 19 at letter I."wika ni jacob

"Hmph. Kay tristan 'to dahil siya lang naman ang nakabunot ng 19 sa laro. Tapos si shane naman ang nakabunot ng 18."

"Sabi ko na nga ba."sambit ni charlie.

"Diba letter T yung kay shane?"tanong ni noah sa amin

"Yes."tipid na sagot ko. Another clue na naman ito.

Malapit na..

Kunti nalang talaga malalaman ko na yung mga killer.

"Ano nga ulit yung nakuha nating clue kay shane?"tanong ko sa kanila. Ngayon ko i-sosolve lahat ng malaman ko kung siya ba talaga ang pinaghihiganti ng taong 'yon.

The First Section Has a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon