CHAPTER 21

420 12 0
                                    

*Running doesn't matter. I'll hunt you down if I have to.*

*BEATRICE POV*
Hapon na ng matapos ang kwentuhan namin ng mga kaklase ko andito ako ngayon sa bench tahimik na nakaupo. Nakatambay ako ngayon ng mag-isa sa garden, nagmumuni-muni ako habang nilalasap ang sariwang hangin sa paligid. Sobrang tahimik kaya masarap mapag-isa ngayon lalo pa't nawala na ang takot ko. Sa wakas kasi nailabas ko na rin ang lahat ng takot ko nasabi ko na rin sa mga kaklase ko ang sikreto ko at ngayon ay guminhawa na ang saloobin ko matapos ang lahat.

Haayysss...

Maganda sana ang garden kaso walang kabuhay-buhay ang bulaklak sa paligid, natutuyo na ang dahon ng mga puno sa paligid, wala naring tubig na lumalabas sa fountain. Hindi lamang 'yon namamatay na rin ang bulaklak dahil sa pagbabaya ng nagmamay-ari ng mansion. Sabagay matagal na rin walang namamahala sa mansion na ito kaya napapabayaan na.

"Beatrice..."

Eh.

Nasira ang pagmumuni ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Agad akong luminga-linga sa paligid para hanapin ang pinanggalingan ng boses na narinig ko, nahagip bigla ng paningin ko ang pamilyar na tao. Nakita ko si samantha na nakatayo sa may fountain pansin kong mukha siyang umiiyak, napapansin ko kasing namumugto ang kanyang mata.

"T-tulong.."nanghihina niyang sambit. Nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang nawalan ng balanse. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo papunta sa kinaroroonan niya na ngayon ay namimilipit sa sahig.

"Ok kalang samantha?"nag-alala kong tanong ng makalapit ako sa kinaroroonan niya. Nakaramdam ako ng awa sa kanya ng makita ko ang sugat niya sa siko."Anong nangyari?"tanong ko muli. Inakay ko siya patayo mukha, kasing nahihirapan siyang tumayo."Umupo muna tayo."aniya ko. Lumakad kaming dalawa patungo dun sa bench na inupuan ko kanina pero inaalalayan ko siya sa paglalakad dahil nahihirapan siya sa paglalakad. Diko alam kung ano ang nangyari sa babaeng 'to mukhang nabully na naman ng mga kaklase ko."Ok kalang ba? Anong nangyari bat may sugat ka sa siko at sino ang gumawa nito sayo?"sunod-sunod kong tanong sa kanya ngunit hindi niya ako sinagot. Tipid lamang na ngiti ang tinugon niya sa akin."Hayss. Upo ka muna."dagdag ko. Maingat ko siyang pinaupo sa bench at kinapa ko agad ang bulsa ko nagbabasakaling may maitali ako sa sugat niya sa siko.

"Ok lang ako beatrice, wag ka nang mag-abala pa sa akin."sabi niya. I frowned. Nainis ako bigla dahil naiwan ko yung panyo ko sa kwarto 'yon sana ang gagamitin ko pantakip sa sugat niya ngunit naiwan ko pa. Bwesit!

"Wala 'to sa sakit na dinanas ko dati"

O_o

Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean?"natataka kong tanong sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at curious siyang tinignan, sa totoo lamang nainis ako kay larra kasi hindi niya kiniwento sa akin ang dahilan ng pagkamatay ni shiana ang tanging kiniwento lamang niya ang tungkol sa first section at pambubully kay shiana.

"Alam kong marami pang bumabagabag sa sarili mo alam kong naguguluhan ka pa rin sa mga sinabi ni larra sayo."

O_o

She's right. Di parin ako kuntento sa nalaman ko kay larra may kulang parin sa mga sinabi niya kaya ako naguguluhan.

"Ako ang magsasabi sayo dahil alam kong hindi sinabi sayo ni larra ang tungkol sa dahilan ng pagkamatay ni shiana. Hindi lamang 'yon 'di rin niya sinabi sayo ang tungkol sa dinanas na hirap ni teacher genna."

"Tama. Gusto kong malaman lahat kaya please sabihin mo sa akin ang lahat ng tungkol kay ma'am genna at shiana."

"Sige."

The First Section Has a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon