*BEATRICE POV*
Andito ako ngayon sa pinakadulong upuan tahimik na nakaupo katabi ko si maxine na tahimik rin na nakaupo sa tabi ko. Nakamasid lamang ako sa mga kaklase ko na ngayon ay nagkakagulo at nag-iingay. Kanya-kanya silang batuhan ng mga papel at nagkalat na ang sandamakmak na papel sa sahig. Yung iba sa mga kaklase ko nakamasid lamang kagaya ko. At yung iba nagchichismisan sa kanilang mga upuan and then the rest tahimik na nakaupo. Syempre mawawala ba naman ang landian syempre hindi ginawa ng hotel ang classroom tangina dito pa sila naglaplapan sa classroom 'di man lang nahiya ang mga bwesit.Edi sila na ang mga haliparot!
"Bwesit! Magbabalik na naman ang babaeng 'yon!"
Nagpantig ang tenga ko nang marinig ko ang boses ni cloe. Agad kong hinanap ang kinaroroonan niya at natanaw ko siya sa pinakaunahan na upuan nakikipagchismisan sa dalawa niyang kaibigan na haliparot. Medyo may agwat ang upuan namin kaya hindi nila ako mapapansin. Sa ngayon pakikinggan ko lamang silang tatlo para malaman ko kung sino ang pinag-uusapan nila.
"Yeah. Tiyak na aagawin na naman ng bitch na 'yon ang trono natin!"rinig kong sabi ni bithany
"Sinabi mo pa. Bwesit! Kung bakit ba kasi nabuhay ang babaeng 'yon dapat namatay nalang siya!"
Yung balihibo ko biglang nagsitayuan ng marinig ko yung sinabi ni kath. Pakiramdam ko ayaw nilang tatlo sa bago naming kaklase ano ba kasing meron sa taong 'yon?
"Nabebwesit ako sa tuwing nakikita ko ang bitch na 'yon!"rinig kong muling sabi ni cloe
"We're same! I really hate that bitch!"dinig ko namang sang-ayon ni bithany
Dahil curious ako tiningnan ko si maxine sa tabi ko at pansin kong tahimik itong nakatingin sa cellphone niya pangiti-ngiti pa ang gaga habang nakatingin sa kanyang cellphone.
"Bess sino ang magbabalik?"pagbabasag ko nang moments niya
Tumigil ito sa ginagawa niya at napatingin sa akin.
"Sino?"curious niyang tanong
Dapat ako ang nagtatanong niyan sa kanya?
I roll my eyes."Sino ang magbabalik sa kaklase natin?"pag-uulit ko sa kanya
"Ahhh.. I think si Nicole Hattway isa sa mga kaklase namin dati. Actually mas bitch pa ang babaeng 'yon kay cloe kaya mag-iingat ka sa bitch na 'yon. Hindi lang 'yon patay na patay rin ang babaeng 'yon kay eathan kaya magkakaroon ka nang kahati kay eathan."pagkwekwento niya."All of my classmate is really hate her!"dagdag pa niya
O_o
Ganon ba talaga ka worst ang ugali niya. Pero teka magkakaroon pa ako ng kahati kay eathan hindi bale mas maganda naman siguro ako sa nicole na 'yon. Hehehe.
"Bakit siya nawala ng ilang months bess?"tanong ko sa kanya
"Kasi hinulog siya ng mga kaklase ko sa 3rd floor dati. Sumobra kasi ang pag-uugali niya kaya hindi nakapagtimpi ang mga kaklase ko sa kanya hinulog nila ito sa 3rd floor. Masyado kasing bitch kaya nagalit sila at hinulog ito sa building. Akala ko nga mamamatay na siya ngunit nakaligtas pala ito sa kamatayan matapos siyang ihulog kaso bali-bali naman ang inabot niya ilang buwan siyang naconfine sa hospital at ngayon gumaling na at magbabalik ulit pero this time mas wo-worst na ugali niya, siguro."pagkwekwento niya sa akin
Whoah.
Kung tutuusin walang makakaligtas sa kamatayan. Ikaw ba naman ihulog sa 3rd floor ng building sinong mabubuhay nun. Pero believe ako sa babaeng 'yon dahil nagawa niyang makaligtas sa kamatayan.
"Grabe. Sumobra naman ata ang ginawa sa kanya."
"She deserve it bess kung alam mo lang."
Sabagay? Siguro nga mas maldita pa ito kay cloe tiyak na dadagdag ito sa kinaiinisan ko sa classroom.
BINABASA MO ANG
The First Section Has a Secret
Mystery / ThrillerSection A.. Hinahangaan ng iba ngunit may sikreto itong tinatago na hindi alam ng iba. Mga anghel kong humarap sa ibang tao ngunit sa kalooban nito ay may demonyong tinatago na hindi nila pinapakita sa ibang tao. STATUS: ON GOING