CHAPTER 5

642 24 9
                                    

*BEATRICE POV*
"So class, I have an announcement. Sa paparating na sabado magkakaroon tayo ng outing. Lahat tayo ay mag-aouting at kayo ang magsu-suggest kung saan tayo mag-aouting since lahat kayo ay pumasa sa exam. Not only that magkakaroon rin ng acquiantance party sa friday. May sayawan na magaganap sa gabi at free kayong isayaw ang taong gusto niyong isayaw"mahabang announcement ni ma'am sa amin

Lahat ng mga kaklase ko ay naghiyawan at nagsigawan sa tuwa. Hindi ko alam kung bakit sila tuwang-tuwa, sa pagkakaalam ko ay namatayan kami ng isang kaklase ngunit para sa kanila parang wala lang sa kanila ang nangyari. Hindi ba sila naguguilty sa kasalanan na ginawa nila. Inilihim nila kay ma'am ang tungkol sa pagkamatay ng isa naming kaklase. Mga wala silang puso pano nila natitiis ang ganitong sitwasyon parang balewala lamang sa kanila ang nangyayari sa mga kaklase namin. Mga baliw talaga ang mga kaklase ko.

Napansin kong nagtaas ng kamay si larra, ang secretary namin sa classroom.

"Ma'am i have an idea! Dun nalang po tayo mag-outing sa mansion namin dun sa secret place ng parents ko. Tiyak na matutuwa kayong lahat pag nakita niyo ang magandang island. Kompleto po ang lahat kaya wala po tayong alalahanin sa pagkain"suggestion niyang sabi

"Wow! That was brilliant idea larra! I love it. Sige payag ako riyan!"excitement na sabi ni shane, isa sa mga kaklase ko

"Ok. But we need to approve it larra kung papayag ang mga kaklase mo sa suggestion mo."ma'am said to her

"Ok! Classmate naman wag na kayong mag-inarte! Pumayag na kayo sa suggestion ko tiyak na gaganahan kayong lahat sa mansion na pag-aari ng parents ko!"

Not good idea. Pakiramdam ko may mangyayari sa outing na gaganapin. Tiyak na 'yan ang ikapapahamak naming lahat ang outing na tinutukoy ni ma'am.

"So class any suggestion or papayag kayong lahat sa suggestion ni larra." tanong ni ma'am sa mga kaklase ko

Hindi na ako umimik pa tumahimik na lamang ako sa tabi dahil wala 'ring patutunguhan ang lahat ng ito. Alam kong mapapahamak rin kami sa huli.

"Payag kaming lahatttt!!"

O_o

Damn!

--------

"Something will happen bess"kinakabahang sambit ni maxine. She's right something will happen talaga."I'm not excited, alam kong kamatayan ang naghihintay sa atin bess"dagdag nito

Napailing lamang ako, hanggang ngayon bumabagabag pa rin sa isipan ko ang outing na mangyayari sa sabado. What if maaksidente kaming lahat? Please god guide us, I'm not excited to die! Kung bakit ba naman kasi napunta pa ako sa ganitong sitwasyon dapat ay peaceful na ang kaluluwa ko ngayon. Kung alam ko lang sa umpisa na ganito ang section na 'to edi sana matagal na akong lumisan sa pilipinas dun nalang sana ako nag-aral sa ibang bansa. Mas comfortable ako don kesa dito sa section na kinabibilangan ko ngayon.

"There's nothing we can do. Kung ito talaga ang tadhana natin we must accept it. Wala na tayong magagawa pa, kahit takasan pa natin si kamatayan"sabi ko na lamang sa kanya

Katatapos lang nang last subject namin sa hapon kaya uwian na sa sarili naming mga dorm. Alam ko na rin ang patakaran. Sinabi ni maxine sa akin na bawal kaming lumabas sa dorm namin tuwing gabi. Dapat ay buong gabi kaming naka-stay sa sarili naming mga dorm para safe kami. Ngunit malas ang taong makakasama ng killer siya ang pinakamalas sa lahat dahil makakasama niya ang mamatay tao.

The First Section Has a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon