CHAPTER 43

128 2 0
                                    

*STILL BEATRICE POV*
"Ako lang ang nakakaalam na half sister ko lang yung namatay kung kapatid."sabi ni eathan at tahimik lamang akong nakikinig sa kanya. Bakas sa kanyang mukhang mukha ang matinding kalungkutan na hindi niya pinapahalata sa akin."wag mo nalang ipagsabi sa iba beatrice, pakiusap ko lang sayo."dagdag nito at ngumiti ako sa kanya

"Oo naman"ngiti ko pa rin sa kanya."wala ka naman sigurong sama ng loob sa akin eathan no or sa pamilya ko?"biglang tanong ko sa kanya agad kong napansin na napaiwas siya ng tingin sa akin.

"Wala naman"medyo alinlangan nitong sagot. Saglit siyang tumingin sa akin pero agad napaiwas.

Hindi ko naman ito masyadong pinagtuunan ng pansin dahil baka guni guni ko lamang 'yon.

*FAST FORWARD*

*LARRA POV*
Halos hindi ako makatingin kay lyzander ng mapansin kung wala siya sa kanyang mood. Grabe ang guilty na nararamdaman ko ngayon dahil sa mga sinabi ni eathan sa akin. Totoo kasi lahat ng mga sinabi niya pati na yung mga sinabi ni lyzander sa akin pero masakit pa rin sa part ko yung mga sinabi ni lyzander sa akin tagos sa buto. Hindi ba niya nararamdaman na nasaktan ako sa mga sinabi niya. Girlfriend niya ako pero nagagawa niya akong pagsalitaan ng masasakit na salita at harap harapan pa talaga.

"Sorry lyzander.."paghingi ko ng paumanhin sa kanya medyo napayuko ako dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko sa sarili ko."diko sinasadya nadala lamang ako sa mga kwento ni nicole kaya kung ano ano nalang nasabi ko sayo.."dagdag ko

Kasama ko sila nicole at lyzander at andito kaming tatlo sa may balcony.

"Wag mo nalang pansinin larra mabait naman 'tong si ly---"

"Panindigan mo 'yang mga sinabi mo sa kanya nicole"rinig kong putol ni lyzander kay nicole.

"Kailan ko ba hindi pinandigan yung mga sinabi ko lyzander"

"Daldal mo kasing babae ka walang preno 'yang bibig mo"

"Sorry na nga diko naman sinasadya saka girlfriend lang naman ni eathan at larra ang pinagsabihan ko wala ng iba pa."

Napaangat ang ulo ko at nakita kung nag-uusapan silang dalawa. Nalungkot ako bigla dahil hindi man lang pinansin ni lyzander yung mga sinabi ko.

"Kahit na."

"Walang sikreto na hindi nabubunyag lyzander."seryosong sambit bigla ni nicole sa kanya at napansin ko pang napasulyap sa akin si lyzander."by the way kinabahan ako kanina kay beatrice bigla na lamang nagsisigaw na parang baliw ang babaeng 'yon"dagdag pa niya

"Malamang may tama sa utak"si lyzander at nakita kung napahagikhik si nicole sa sinabi niya.

May ganito rin palang ugali si lyzander yung patagong binabackstabb yung girlfriend ng kaibigan niya, akala ko pa naman mabait rin 'to.

Baka tama nga si nicole na pawang pagpapanggap lamang yung pinapakita ng mga kaklase ko.

"Bakit kaba ganyan lyzander natatawa tuloy ako HAHAHAHA"natatawang sabi ni nicole kay lyzander

"At ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko?"seryosong tanong ni lyzander sa kanya

"Wala naman"

Geez.

Diko alam pero bigla akong nagsisi na bumalik sa piling ni lyzander ang sama niyang makitungo sa totoo lang.

Feel ko nga mas mabait pa si eathan sa kanya.

"Nagsasabi lang ako ng totoo na si beatrice ay may saltik sa utak."biglang sabi ni lyzander at kitang kita ko ang pagngisi ni nicole sa akin marahil ay sa pinapakitang ugali ni lyzander ngayon."may pinagmanahan sa mama ni eathan parehas baliw"dagdag pa niya at hindi na ako nakaimik pa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The First Section Has a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon