Chapter 4 (R-18)

4.2K 68 0
                                    

Warning 🔞: Not suitable for young readers. Read at your own risk.

Nanlalamig ang mga kamay ko, namamawis ako sa kaba habang nakasunod sa likod ni Madam Jinky. Paano kung hindi pala siya gwapo, paano kung dugyot pala siya, isang mataba na matanda at mabaho ang hininga? Santisima, makayanan ko kaya tumabi sa kanya ng isang gabi? Baka bumuka palang ang bibig niya hinimatay na ako sa amoy patay niyang hininga. Panginoon, ‘wag naman sana.

“Mr. M.”

Nahinto ako nang may tinawag si madam. Muntik na akong matumba nang umangat ng tingin ang lalaking tinawag niyang Mr. M, ngumiti siya sa akin at hinimas ang kanyang baba na may makapal na bigote. Napalunok ako ng mariin at bahagyang umatras ng umayos ito ng pag upo at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Hindi nga ako nagkamali sa aking hinala, na ang sinabi ni Madam JInky ay kabaliktaran pala. Halata naman na isa siyang mayaman pero sa hitsura at porma niya para siyang isang matandang manyakis na ilang taon nang tigang. Mataba at malaki ang tiyan, ang kanyang mukha halos natabunan na ang kalahati dahil sa balbas. Napayapos ako sa aking sarili, iniisip ko palang na dumampi sa balat ko ang balbas siya naninindig na ang balahibo ko.

Napatikhim ako ng wala sa oras ng makitang nahihirapan itong tumayo dahil sa laki ng tiyan niya. Kagat ko ang  loob ng aking labi nakayuko ang ulo pinipiglan ang matawa sa nakita. Nang makitang nakatayo na ito kinalabit ko si Madam Jinky, hindi ko talaga kaya na ang isang matandang ito ang maging costumer ko, kahit malaki pa ang ibayad niya ayoko talaga.

“This is, Lil.”

Doon ko napagtanto na ibang tao pala ang kausap ni madam. Pagharap ko kay madam siya ring pag angat ng tingin ng lalaki na nagngangalang Mr.  Nakita ko ang pag alon ng kanyang lalamunan nang magtagpo ang tingin naming dalawa. Kahit hindi gaanong maliwang ang ilaw malinaw sa aking paningin ang kanyang perpektong mukha. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kanya, doon lang ako natinag ng tapikin ni madam ang balikat ko. Pigilan ko sana siya pero tila napako ako sa aking kinatayuan, hindi makagalaw, hindi parin inaasahan na nagkamali pala ako ng inakala kanina.

Inilapag niya ang baso na hawak sa ibabaw ng lamesa, sumandal siya sa couch at idinipa ang magkabilang braso sa sandalan. He crossed his legs. Tumabingi ang kanyang ulo habang pinapasadahan ng tingin ang buong katawan ko. Niyapos ko ang aking tiyan na hindi sakop ng damit. Naka tube lang ako at high waisted na short, sanay na ako sa ganitong pormahan pero ngayon lang ako nakaramdam ng pagkailang habang sinusuri ako ng tingin ng lalakig nasa aking harapan.

“What is your name again?”

Ramdam ko ang pagtaas ang balahibo ko nang marinig ang kanyang malalim na boses. Dinampot niya ang baso na may lamang alak at bumalik sa pagkasandal. Nilagok niya iyon hindi inalis ang tingin sa akin. Nahihiya na umiwas ako ng tingin dahil bigla kong naramdaman ang pag init ng pisngi ko.

“Yanie.”

Mahinang sagot ko sa tanong niya pinatiling nakayuko ang ulo. Hindi ako makatingin ng diritso sa kanya dahil parang hinihigop ang buong sistema ko.

“Umiinom kaba?” he asked.

Umiling ako. “Hindi ho.”

“Okay.”

Nag angat ako ng tingin ng tumayo siya.

“Alam mo na siguro kung ano ang dahilan kung bakit nandito ka sa harapan ko,” saad niyang muli.

“Y-yes.”

“Great. So, let’s go.”

Sumunod ako sa kanya nang maglakad siya palabas ng bar. Huminga ako ng malalim, wala ng atrasan ‘to. Para kay nanay. Tahimik lang ako na nakasunod sa kanya hanggang sa tumawid kami sa kabilang kalsada at huminto sa harap ng motel. Nakayuko ang ulo ko at hinayaan kong nakatabing ang buhok ko sa aking mukha baka may makakilala sa akin at itanong kung bakit narito ako sa loob ng motel.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon