Chapter 23

2.5K 48 1
                                    

Hindi ako nag iinarte. Hindi ako nagpapakipot kay Ethan. Sadyang hindi lang talaga kami pwede sa isa’t isa. Siguro kung yaman niya ang habol ko, ako na mismo ang lumandi sa kanya. Ako na ang gagawa ng way para maging malapit kami sa isa’t isa, pero hindi kasi iyon ang habol ko. I mean..wala akong habol sa kanya maliban nalang sa pera na gusto kong bayaran.

Wala naman siyang sinabi sa akin noon na bayaran ko iyon. Tulong niya raw iyon kay nanay. Ako lang talag itong mapilit sa sarili na babayaran ko siya pagdating ng panahon na mag cross ang landas naming dalawa. Pero napa aga ang pagkita namin..ay mali..hindi napa aga ang pagkita naming muli, sadyang hindi ko pa talaga na buo ang pera na binigay niya sa akin noon kaya hanggang ngayon hindi  ko parin iyon maibabalik sa kanya.

Gusto ko ng matapos ‘to. Ang ugnayan naming dalawa. Ang pangako ko sa sarili ko na isauli ko ang pera niya. Ayaw ko na siyang makita. Balak kong mag resign kapag nasauli ko na sa kanya ang pera nang matapos na itong kahibangan niya sa akin. Napapahamak na ako.

Kahapon, noong nagkulong ako sa banyo sa canteen, narinig ko ang usapan ng ibang empleyado tungkol sa closeness namin ni Ethan at Valerie. Nagtatalo sila kung sino sa aming dalawa ni Valerie ang gusto ni Ethan at nilukob ng kaba at takot ang buong sistema ko ng marinig ang sinabi ng isang empleyado.

Ilang beses niya na pala kaming nakia ni Ethan na magkasama. Nahihiwagaan rin daw siya sa klase ng tingin ni Ethan sa akin. Ibang-iba sa tingin nito sa mga empleyado niya kaya ang hinala niya ako ang gusto ni Ethan or baka raw ginayuma ko siya. Inakit kaya ako palagi ang nakatuka na maglinis sa office niya.

Iyon ang dahilan kung bakit umuwi ako kahapon. Masakit na pag-isipan nila ako ng ganun kahit hindi naman nila alam kung ano ang totoo. Oo, alam ko may kasalanan rin ako pero hindi nila  alam kung anong pag-iiwas na ang ginawa ko ‘wag lang makalapit kay Ethan.

“Bitawan mo na ako,” mahinang usal ko.

Humigpit ang yakap niya sa’kin. Hindi ko mabaklas ang kamay niyang nakayapos sa akin dahil nanghihina ako. Ang hina-hina ko pagdating sa kanya at ayaw ko iyon dahil baka hindi ko na naman ma contol ang sarili ko.

“Please, bitawan mo na ako,” I pleaded.

Unti-unting lumuwag ang yakap niya. Ang kanyang paghinga ay naging mabagal at malamim. Naramdaman niya siguro na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. HIndi ko hinintay na bitawan niya ako kusa kong inilayo ang katawan ko sa mga bisig niya ng lumuwang ang pagyakap niya.

“Yanie, I’m sorry…”

“‘Wag kang mag sorry kung uulitin mo rin naman…nakakasawa pakinggakan.”

Lumabas kaagad ako pagkatapos kong sabihin iyon. Anong silbi ng sorry niya kung mamaya o bukas ay gagawin niya ulit ang bagay na ikagalit ko… I mean, na gusto ko…Galit ako kasi nagugustuhan ko…gustong-gusto ko ang ginagawa niya sa akin pero hindi pwede..kasi bawal. Wala siyang control sa sarili niya kaya dapat ako ang mag control sa sarili ko at hindi magpadala sa kanya.

“Ante, pabili ng bihon guisado at isang kanin.”

Wala akong baon na kanin kaya hindi na ako umakyat nung mag lunch break. BUmili nalang ako dito sa food court, dito ako dumaan sa likod nang walang makakita sa akin. May dala akong pera, sinama ko sa pag puyod ng buhok ko nang hindi iyon makita ng security guard na mag check sa amin, bawal kasi iyon.

Doon nalang rin ako kumain sa likod ng pintuan nila. Wala namang mga taga HR ang pumapasok dito, sa arte nilang yun. Si SOM, hindi rin yan umiikot dito maarte din iyon, mabaho raw kasi dito sa area namin, amoy imburnal. Pagkatapos kong kumain, umakyat ako sa bakanteng hagdanan ng second floor, ako palang ang may alam dito at ako lang rin  ang tumatambay.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon