Chapter 42

2.2K 39 0
                                    

MAHAL NIYA AKO.

Totoo nga na mahal niya ako. Na hindi lang ang anak namin ang dahilan kung bakit gusto niya ako, kundi dahil mahal niya talaga ako.

Ako lang itong hindi naniniwala. Ako lang itong mali ang iniisip sa tuwing sasabihin niyang mahal niya ako.

Makaraan ang ilang minuto na pagkatulala sa kisame, gumalaw ang door knob tanda na may papasok. Nagkunwari akong tulog dahil alam ko si Ethan iyon.

Mula sa maliit na bukas ng aking mata, nakita ko  ang pasuraysuray na paglakad ni Ethan papunta sa kama. Maingat niyang kinuha ang unan sa gilid ni Zaylon at inilagay sa uluhan. Inayos niya ang kumot ng bata at hinalikan ito sa noo.

Tuluyang pumikit ang mata ko ng marahan niyang haplosin ang pisngi ko at ang pagdampi ng mainit at malambot niyang labi sa noo ko.

Nang gumalaw ang kama doon lang ako nag mulat ng mata. Bahagya akong natigilan ng magsalubong ang mata naming dalawa.

Nakatagilid siya paharap sa akin. Ginawa niyang unan ang kanang braso at ang isang kamay niya nakayakap sa anak.

Mapungay ang kanyang mata. Dala sa antok at kalasingan. Napa subra yata ang inom nila.

Hinaplos ko ang pisngi niya habang pinakatitigan ang kanyang mukha. This man really love’s me. I can see it in his eyes. In his action. And I can feel it. Pero ni isang senyales wala akong maibigay sa kanya na ganun rin ang naramdaman ko para sa kanya.

Hinuli niya ang kamay ko na nasa kanyang pisngi. Mariin siyang napapikit, dinaramdam ang init ng palad ko. Sa kanyang pagmulat, namasa ang kanyang mata. 

I love him…so much.  Sadyang mali lang ang timing ng panahon para sa aming dalawa.

May mga rason ako kung bakit hanggang ngayon hindi ko parin masabi sa kanya ang tunay na naramdaman ko towards him.

HIndi ko masabi sa kanya kung gaano ako nagpapasalamat dahil minahal niya ang isang tulad ko at hindi siya sumuko para mahanap ako.

All i can say is Thank You. Balang araw masabi ko rin sa kanya na mahal ko siya. Na pareho kaming naramdaman sa isa’t isa. Na hindi lang siya ang nagmamahal sa aming dalawa dahil mahal na mahal ko rin siya.

“Matulog ka na,” usal ko.

Umiling siya at hinigpitan ang pagkahawak ng palad ko. Dinala niya iyon sa kanyang labi ang hinalikan ang likod niyon. Nanginginig ang kanyang labi.

Umusod ako pataas. Pina unan ko sa kanya ang braso ko. Hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo ng marinig ang mahinang hikbi niya.

I know his crying because of me. Ang higpit ng kapit niya sa palad ko. Naka baon ang kanyang mukha sa leeg ko. Tumaas-baba ang kanyang balikat pinipigilan ang hikbi na hindi kumawala.

Ganoon na ba ka bigat sa loob mo kaya ganito nalang ang pag iyak mo? Hindi naman ako mawawala sa buhay mo. Hindi ko lang talaga kayang suklian sa ngayon ang pagmamahal mo dahil takot parin ako. Natatakot ako sa susunod na mangyari kapag malaman mo na mahal rin kita.

Dinala ko sa aking baywang ang palad naming magkasiklop. Kung wala sa gitna namin ang anak namin siguro subrang higpit na ng yakap niya sa akin.

Marahan kong sinuklay gamit ang daliri ang kanyang buhok and started humming his favorite song…our favorite song.

Namalagi sa tuktok ng kanyang ulo ang labi ko. Makaraan ang ilang minuto tumigil na siya sa paghikbi at malalim na ang kanyang bawat paghinga. Nang silipin ko ang kanyang mukha. Mahimbing na ang tulog niya.

Kinuha ko ang braso ko at pinalitan iyon ng unan. Nakayakap parin siya sa akin. Marahan kong pinunasan ang basa niyang pisngi na bakas ng kanyang mga luha.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon