Chapter 33

2.3K 40 20
                                    

Nanigas ang katawan ko. Hindi ko magawang sagutin ang mga tanong niya kaya’t napayuko nalang ako ng ulo nang maiwasan ang puno na emosyon niyang mga mata.

Dinig ko ang kaniyang mabigat na bawat paghinga. Nandoon parin siya, nakatayo, nakaharap sa akin at hinihintay ang sagot ko. Makaraan ang ilang minuto na wala parin akong imik, humakbang siya palapit sa akin.

NArinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininiga nang umatras ako ng akma niyang hawakan ang kamay ko.

Wala akong mahagilap na salita. Nakayuko parin ako at nasa likuran ang dalawang kamay. Tanging ang malalim na paghinga lang namin ang naririnig ko at ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

“Uuwi na ba tayo, mamay?” 

Nakahinga ako nang maluwanag nang marinig ang mahinang boses ng anak ko. Nakatayo siya sa tapat ng pinto, nakahawak ang kanang kamay sa door knob. Nanikip ang dibdib ko nang mahimingan ang lungkot sa boses niya at ang pagkawala ng saya sa kanyang mukha.

Tumalikod si Ethan at nilapitan ang anak. KInuha nito ang bag na bitbit ng bata at kinarga ito. Binaba niya ito sa ibabaw ng kama at binihisan ng bagong damit.

“Mamaya. Pagkatapos ng dinner tayo uuwi,” ani Ethan.

Mahinang tumango ang anak sa kanya. Ang kaninang masayang kislap ng  kanilang mga mata napalitan iyon ng walang buhay. Nang matapos niyang binihisan ang anak, sabay kaming bumaba ng walang imikan.

Nagtataka na tumingin sa akin si Janice ngunit hindi ito nagsalita. Nginitian niya lang ako at sinuklian ko rin iyon ng kiming ngiti. Agad niyang tinaliman ng tingin ang asawa nang akma itong magsalita pagkakita sa seryosong mukha ni Ethan.

Si Enrico na kakarating lang dito sa hapag ay napangisi at napasipol nalang nang salubungin siya ng masamang tingin ni Janice. Akma niyang abutin sana ang pisngi ni Janice nang mabilis itong tabingin ni kuya Javier niya.

“Si baby Isabella nalang,” aniya at bumaling sa bata na nakakunot ang noo habang nakatingin kay Zaylon.

“Ako lang may karapatan sa anak ko,” hindi napigilan na sambit ni Javier kaya hindi natuloy ang balak ni Enrico na hawakan ang bata.

“Pogi kung pamangkin-,”

“Gumawa ka ng sa iyo. ‘Wag mong pagdiskitahan ang anak ko.”

Tahimik na umupo nalang si Enrico sa tinuran ng kapatid. Miski ang kuya Javier niya hindi naka imik sa ma awtoridad na tono ni Ethan. Ginawaran ko ng kiming ngiti si Enrico kaya’t napanguso ito at nagpalipat-lipat ng tingin sa akin at kay Ethan.

Nakaramdam din ako ng takot at kaba sa biglaang pagbago ng asal ni Ethan.  Ngayon ko lang nakita at narinig ang pagiging ma awtoridad niya. Iba ang klase nang pagiging seryoso niya ngayon, nakakatakot, nakakakaba.

“Tumigil ka sa ganyang pagmukuha mo, Nenita!”

Sita niya sa kasam-bahay nang maghain ito ng pagkain. Ang lapad kasi ng kanyang pagngiti. Para itong nag day dreaming. Agad na nawala ang ngiti na iyon sa dalaga. Namutla ito at nanginginig ang kamay. Nahihiya na yumuko ito ng ulo at mabilis na umalis pagkatapos niyang maghain ng pagkain.

“Aba! Nasa harap kayo ng pagkain at hindi sa lamay. Bakit ganyan ang pagmumukha niyo? Nakakabastos sa grasya. Pinaglalamayan niyo,” ani  ng Don. “Oh! I see,” patango-tango niyang sambit nang maka upo siya. “Kumain na tayo. Mga apo kumain na.”

Hinayaan kong sandukan ni Ethan si Zaylon. Ang dami ng mga pagkain na nakahain pero hindi man lang ako natakam. Mas naramdaman ko pa ang kirot at paninikip ng dibdib ko habang nakikita na malungkot ang anak ko kaysa sa mga masarap na pagkain sa harapan ko.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon