Chapter 13 (Slight SPG)

3.3K 50 1
                                    

Napasinghap ako sa aking isipan. Ang bilis naman niya manghusga. Nakatitig parin siya sa akin at hindi ko matukoy ang emosyon na bumalantay sa kanyang mukha. Naningkit ang mata ko.

"Anong pinagsasabi mo?!” Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. Naningkit ang mata ko nang magkibit-balikat siya at sumandal sa kanyang upuan.

“Malamang busy ako. Trabaho pinunta ko dito, eh," nagkibit-balikat lang siya at walang salita na lumabas sa bibig niya. Mag paliwanag pa sana ako pero para saan? Wala namang rason para magpaliwanag ako sa kanya sa isang bagay na hindi naman totoo. At ano naman ang pakialam niya? Imbis na  makipagtalo iniba ko nalang ang usapan.

"May iutos ka pa ba?” tanong ko. “Kung wala, aalis na ako. "

Hindi natuloy ang pagtalikod ko nang magsalita siya. " Meron pa."

" Ano?! " pagalit na tanong ko kahit ang totoo ang lakas nang kabog nang puso ko sa kaba nang makitang sumeryoso ang kanyang mukha.

" Come here,” aniya. “And kiss me. "

Umawang ang labi ko. " Ano!? Gago ka ba?!"

Dinilaan niya ang kanyang labi, pagkuway kinagat ang gilid ng ibabang labi nito. Dahil nasa kanyang tabi ako nakatayo mabilis niyang nahawakan ang palapulsuhan ko at hinila palapit sa kanya. Mariin akong napalunok ng palihim. Dahil naka upo siya, bahagya siyang nakatingala sa akin.

"Hindi ko alam na may pagkamaldita ka pala, " aniya.

" Oh, eh. Ano naman ngayon sayo?! "

He licked his lips again. " Wala lang, gusto ko lang. "

Ramdam ko ang mabilis na pag init nang mukha ko. Naghuhurumintado ang puso ko at dinig ko ang malakas na kabog niyon. Ayan na naman siya sa kanyang mabulaklakin sa salita. Ang daanin ako sa matanis na salita nang hindi mo mamalayan ang kanyang susunod na gagawin.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nalalasing ako sa klase nang titig niya. Nanghihina ako sa init nang palad iyang nakasakop na sa kamay ko. Ilang beses akong napakurap nang dahan-dahan na lumapit ang kanyang mukha sa akin.

I was about to close my eyes at hihintayin ang susunod niyang gagawin nang biglang may kumatok sa pinto. Mariin akong napapikit at nahihiyang lumayo sa kanya, pero agad rin akong huminto nang higpitan niya ang paghawak sa kamay ko. Napatingin ako doon. Bawat paghila ko humihigpit ang kapit niya doon kaya hinayaan ko na lang. . . Gusto ko naman.

Maliit na  bumukas ang pinto. " Sir, pinapatawag kayo ng daddy niyo,” ani nang kanyang secretary na hindi sumilip sa loob. Pambihira talaga itong secretary niya. Laging panira ng moment. “Mr. Emmanuel Montefalco is waiting for you."

“Tell him sa bahay na kami mag- usap,” puno nang awtoridad na saad niya.

Habang ako naestatwa sa kinatayuan dahil sa narinig. He is the son of Multi billionaire Emmanuel Montefalco and a Famous Author in Asia Debbie Mae Layson-Montefalco. Talk of the town ang kanilang pamilya pero hindi ko alam na isa pala siyang MOntefalco-na anak siya nang may ari nitong mall kung saan ako nagtatrabaho.

“I-Isa kang M-Montefalco?”  Paniniguro ko.

Nangunot ang noo niya. “Yes. Hindi mo alam? "

“Hindi.”

“Paanong hindi mo alam?”

“Sa hindi ko alam , e. Hindi mo naman sinabi. Wala ka ring pangalan na nakalagay dito sa ibabaw ng table mo katulad ni SOM at sa-,”

Huminto ako sa pagsasalita nang mapansing nakangiti siyang nakatitig sa akin. Na aasiwa ako sa klase nang titig niya. “Ano, b-bitawan mo na kamay ko.”

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon