Chapter 37

2.1K 36 3
                                    

Isang hikbi ang pumukaw sa akin. May malamig na bagay akong naramdaman na nakapatong sa noo ko. May dumadampi rin sa pisngi at leeg ko. Agad na yumakap sa akin si Zaylon pagkadilat ko. Narito kami sa loob ng office ni Ethan at nakahiga ako sa sofa.

“Ano ba ang ginawa mo sa sarili mo bakit ka nilagnat?” tiim-bagang na tanong ni Ethan. Pinipigalan na pagtaasan ako ng boses. “Wag ka nang bumangon,” aniya nang magtangka akong bumangon mula sa pagkahiga. “Anak, wag mong daganan si mommy baka ‘di yan makahinga,” sita niya sa anak na ayaw kumalas ng yakap sa akin.

“Hindi ko alam na may lagnata ako,” mahinang sagot ko.

Pinahiga ko ng maayos ni Zaylon sa tabi ko at nagsumiksik siya doon. Masama ang pakiramdam ko pero hindi naman ako mainit kanina.

Mariin siyang pumikit. Pagdilat niya naging malamlam na ang kanyang mata. “Dalhin kita sa hospital–,”

“Hindi na, Ethan.”

“Dumugo ang ilong mo nang himatayin ka,” aniya. “Im worried, Yanie…”

Umiwas ako ng tingin nang makita ang nag alala niyang mukha. “Sorry…hindi ko naman alam na lalagnatin ako,” mahinang usal ko.

Nagpakawal siya ng malalim at mabigat na paghinga. Napatingin ako sa kanya nang dampihan niyang muli ng basang bimpo ang mukha at leeg ko. Aangal sana ako nang mariin niya akong tiningnan.

“Isang linggo lang kita hindi nakita ang laki ng pinagbago ng katawan mo… Ang putla mo… Para kang hindi natutulog at kumakain ng maayos,” pagalit na sabi niya ngunit sa mababang boses. “Pinapabayaan mo ang sarili mo.”

“Hindi n-naman sa g-ganun–,”

“At ano na naman ang i dahilan mo, ha!?”

Napahiga ako ulit nang bigla akong nahilo sa biglaang pagbangon ko. Sinamaan ko siya ng tingin. “Oh, eh, bakit galit ka?!” sikmat ko.

Kinuha niya ang bimbo na nahulog mula sa noo ko at inayos na binalik iyon. Buti hindi nagtaka ang bata kung bakit nagsinghalan kaming dalawa ng tatay niya. Sumiksik siya lalo sa akin at pinikit ang mata.

“Sino ba ang hindi magalit sa nangyari sayo?… Look at yourself, love... Ang putla mo… Na ngangayat ka na at lalim na ng mata mo… Tingnan mo ang sarili mo sa salamin,” he sighed. “Sabihin mo sa akin kung bakit hindi dapat ako magalit? Sabihin mo sa akin kung bakit hindi ako dapat mag alala sayo?”

Napa iwas ako ng tingin. Hindi makasagot sa sinabi niya. Sa pagdamdam ko na wala sa akin ang anak ko, wala na akong pakialam sa sarili ko. Kung ano ang mangyari sa akin. Sa mga tao sa paligid ko na nag alala sa akin, sa kalagayan ko.

Sa puntong ‘to, gusto kong umiyak dahil may mga tao nag alala sa akin. Nag alala ang anak ko… at si Ethan.

“Kung hindi kami nagpunta dito hindi ko malaman ang kalagayan mo,” sa puntong ‘to kalmado na ang kanyang boses. “Sinunod ko yung gusto mo kahit labag sa loob ko… Kaya kong balansehin ang oras ko hindi lang kayo magkalayo mag-ina… But, I respect your decisions. Iyon nga lang hindi ako pabor. Dahil walang ina na gusto malayo sa kanyang anak kahit pa sabihin mo na okay lang sayo.”

“Hindi lang naman iyon ang dahilan, Ethan–,”

“Ano mang dahilan yan wala akong pakialam… Masaya si Zaylon na kasama ako pero iba ang saya niya kapag nariyan ka sa tabi niya.”

Tumango ako at hindi na nakipagtalo pa sa kanya. May punto naman ang sinabi niya ngunit hindi niya makita ang punto ko kung bakit ko iyon ginawa.

Tumayo siya nang may kumatok. Hindi na ako nag abala pang tingnan kung sino iyon. Bumaba ang tingin ko sa anak ko na nakayakap sa akin ng marinig ang hilik niya. Marahan kung hinaplos ang kanyag pisngi at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon