Chapter 3

3.8K 56 0
                                    

Tulala ako, hanggang sa trabaho  iniisip ko kung paano solusyonan ang problemang hinaharap naming mag-ina. Kailangan ng ma operahan si nanay sa lalong madaling panahon kung hindi . . hindi ko alam kung hanggang kailan niya iindahin ang sakit niya. Hindi ko kaya na makita siyang nahihirapan kaya habang maaga pa, habang hindi pa malala ang kalagayan niya kailangan ay ma operahan na siya.

Napahilamos ako ng mukha. Saan ako kukuha ng ganoon kalaki na pera? Hindi sapat ang ipon ko. Wala rin akong mautangan. Isa lang ang paraan ang naisip ko pero nagdadalawang-isip kung itutuloy ko ba. .kung kaya ko ba. Pero para ito kay nanay. Huminga ako ng malalim at   tumayo, kinakabahan na naglakad palapit kay Madam Jinky. Nanginginig ang kamay ko na umupo sa harap ng counter bar kung saan banda siya naka-upo.                                                                      

"Madam Jinkz."

Pukaw ko sa kanyang atensyon. Nagulat pa siya nang makita ako ngunit agad din namang nakabawi.

"Lil, anong kailangan mo? Kamusta na pala ang nanay mo? Nabalitaan ko kay Sean na nasa ospital siya akala ko nga hindi ka makatugtog ngayon."

"Kailangan na ho siyang operahan Madam Jinkz," I let out a heavy sigh. "Kaso ang sabi ng doktor kailangan daw muna mag down payment ako ng kalahati bago siya operahan kasi iyon raw ang policy nila."

Bumalantay ang awa sa kanyang mukha. Si Madam Jinky ang may ari nitong bar na tinutugtogan ko, matagal ko na siyang kilala dahil siya ang may hawak ng mga bugaw dito  sa Sagada na kanyang ibibinigay sa kanyang customer  kapag naghanap sila.

Kaya lang ganid sa pera ang napangasawa niya, ang lahat ng kita niya dito sa bar ay napupunta lahat sa kanyang asawa dahil kung hindi sakit sa katawan ang aabutin niya sa bugbog. Na awa ako kay madam kasi siya ang may-ari ngunit parang wala siyang karapatan sa kita ng negosyo niya.

May kinuha siya sa ilalim ng kahera at ibinalot iyon sa tissue at palihim na inabot sa akin. Nagtataka at nagtatanong na tingin ang ibinigay ko sa kanya.

"Ano 'to, madam? Ipabenta mo ba ito sakin?"

Kinakabahan na  tanong ko dahil baka droga ito at ipabenta niya sa akin para magka pera ako.

"Gaga, hindi 'yan droga. Pera 'yan, kaunting tulong ko sayo. Pasensya ka na kung iyan  lang ang maibigay ko sayo."

"Maraming salamat dito, madam," naluluha na sambit ko. "Hindi ko ito tatanggihan, malaking tulong na ho ito sa akin."

"Pasensya na iyan lang kasi ang mayroon ako, alam mo naman lahat ng pera ko nandoon sa asawa ko."

"Ayos na 'to, madam, malaking tulong na ito. Saka nga pala, bago ko makalimutan  kaya ako lumapit sayo, madam, dahil hihingi sana ako ng pabor sayo," nahihiya na ani ko dito.

"Ano 'yon?"

I swalowed hard dahil parang may bumabara sa lalamunan ko. "Pwede bang mag request. .na kung may costumer kayo na naghahanap ng babae. .pwedeng ako nalang ang ibigay ninyo?"

"Ibig mong sabihin ay ibugaw kita?" naniniguro na tanong niya. Tumango ako. "Naku Liliane, sinasabi ko sayo hindi kita kayang ibenta sa mga costumer ko."

"Sige na Madam," I pleaded." Promise isang beses lang."

Umiling siya. Ayaw niya sa hiling ko.Ayaw ko din naman ito pero wala na akong ibang choice upang mapadali ang paghanap ko ng pera para sa operasyon ni nanay.

"Sige na Madam. Isang beses lang promise, para kay nanay. Ito lang talaga ang mabilis na paraan ang naisip ko."

Napabuntong-hininga siya.Pinag-iisipan ng mabuti kung papayag ba siya sa hilig ko. Kung may ibang paraan lang para mapadali ang paghanap ko ng pera para sa operasyon ni nanay hinding-hindi ko hihilingin ang bagay nato kay Madam Jinky. Kaso wala e. Kung aasa ako sa kinikita ko araw-araw baka malamig na bangkay na ang aking ina bago pa ako maka ipon ng sapat na pera.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon