Epilogue

4.3K 68 16
                                    

Sa mahigpit pitong taon na paghahanap ko sa babaeng nagpatibok ng puson ko--este ng puso ko, finally nakita ko na siya.

Kagaya noong unang gabi ko siyang nakita, umaawit siya, nang paborito kong kanta.

Ang tagal ko siyang hinintay. Ang tagal ko siyang hinanap. At ngayong natagpuan ko na siya, hindi ko na hahayaan na mawala pa siya sa akin muli.

Ginawa ko ang lahat ng paraan para mapalapit sa kanya kahit ramdam ko na ayaw niya sa akin. Hindi ako sumuko. Kahit may ibang lalaki na naka gusto sa kanya, kahit may taga-sundo siya, ka call mate. Still, hindi ako sumuko.

Pinaramdan ko sa kanya na mahal ko siya. Pinapakita ko sa kanya kung gaano ko siya ka gusto, pero wala talagang chance na makapasok ako sa buhay niya.

Kahit akitin ko siya. Kahit ipamukha sa lahat ng tao kung gaano ko siya ka mahal, wala paring epekto. Lalo lang siyang nagalit sa akin. Lalo lang siyang lumayo sa akin.

I love her. I want her to be mine kaya kahit anong pagtaboy niya sa akin, kahit anong pagtakbo niya palayo sa akin, heto parin ako parang usok ng jeep, habol nang habol sa kanya kahit nakakapagod na .

Not until, nalaman kong may anak kaming dalawa. Iyon ang pinanghawakan ko para maging akin siya. Hindi pwede na anak ko lang ang makuha ko dapat pati rin siya.

Alam ko at ramdam ko na mahal niya ako. Pinipigilan niya lang ang damdamin niya sa hindi ko malaman na dahilan. Hanggang sa hindi na niya kinaya, inamin niya sa akin na may sakit siya kaya ayaw niya akong pagbigyan ng pagkakataon sa maging parte ng buhay niya.

Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko. Pinasaya niya ako sa salitang ‘Mahal niya rin ako’ pero dinurog ang buong pagkatao ko nang malaman na may sakit siya. At ito ang kahinaan ko. Dahil alam ko, diyos ang may hawak ng buhay niya at wala akong magagawa kong darating na ang oras niyang lisanin ang mundo.

Mahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay. Umiiyak, nananalangin na sana huwag niya muna kaming iwan, huwag niya muna akong iwan dahil hindi ko kaya. Hindi ko kakayaninn.

“Hindi pa ako handa, love. Hindi ko kaya…Hindi namin kakayanin, love.. Please, Huwag ka munang sumuko. “

Ang tanga ko! Hindi ko man lang napansin na masama ang pakiramdam niya nitong nakaraang araw. Kung sana nalaman ko, sana hindi siya umabot sa ganito.

Hinimatay siya pagkatapos ng seremonya ng kasal namin. Nanginginig ako sa takot at kaba habang karga siya palabas ng city hall. Halos liparin ko na ang sasakyan ko para makarating kami kaagad sa hospital.

Ang lamig ng kamay niya, putlang-putla siya. Hinimatay pa si Nanay Cecelia at Janice. Ang anak namin hindi ma awat sa kakaiyak dahil sa nangyari sa mommy niya.

“Anak, magpahinga ka muna.”

Iling lang ang sagot ko kay Nanay Cecelia. May dala itong mga prutas at pagkain. Ipinatong niya iyon sa lamesa ta lumapit kay Yanie. Hinalikan niya ito sa noo, lumalandas ang luha sa kanyang mga mata. May binubulong siya dito, kagawian niya tuwing dadalawin niya si Yanie.

“Kumain ka muna. Baka sabihin ng asawa mo pinapabayaan ka namin dito. Tingnan mo, nangangayat ka na,” aniya at kinuha ang tupperware na may lamang pagkain at ulam. “Kumain ka anak kahit kaunti lang. Hindi matutuwa ang asawa mo kapag ganyang hitsura mo ang madatnan niya.”

Maliit akong ngumiti at tumango kay nanay. Hinila ko ang lamesa malapit sa higaan ng asawa ko at nagsimula nang kumain habang nakatitig sa kanya na mahimbing na natutulog. Nang matapos akong kumain, niligpit iyon ni nanay.

“Ipahatid ko na lang mamaya sa kapatid mo ang pagkain mo mamayang hapunan, ha. Ayaw kasi ni Zaylon na hindi ako ang katabi niya sa pagtulog.”

“Salamat, Nay. Tatawag ho ako sa bahay mamaya. Na miss na siguro  ang mommy niya.”

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon