Chapter 41

2.2K 41 5
                                    

Tinawagan ko si Ethan nang makapasok na kami sa loob ng bahay. Mukhang hinihintay niya ang pagtawag ko dahil isang ring lang sinagot na niya kaagad.

"Merry Christmas," bati ko dito.

Maingay sa kanila. May mga paputok, torotot, at nangingibabaw na tinig ni Nenita, mukhang tindera sa bangketa na nagsusumigaw. Nawala ang ingay, siguro lumayo siya o kaya pumasok sa loob ng bahay.

"Maingay. Sorry," aniya. "Merry Christmas, love."

Hindi ko napigilan ang mapangiti. " Merry Christmas, Ethan. Anak, daddy mo, oh. Batiin mo," saad ko sa bata na naroon na sa harap ng hapag-kainan. Nagpaalam ako kay Ethan bago inabot sa anak ang telepono.

Nakangiti na nakatanaw ako kina nanay at tatay na nagkukulitan. Parang sila lang dalawa sa paligid at hindi kami nag e-exist ng anak ko. Ayaw naman siya tantanan ni tatay dahil natutuwa siya kapag na aasar na si nanay.

“Tumigil ka na. Kakain na tayo,” saway ni nanay sa kanya. Napanguso si tatay na umayos ng upo sa hapag-kainan.

Sinubuan ni tatay si nanay ng spaghetti. Natigilan pa ako nang subuan niya rin ako. Nang makabawi sa pagkabigla, nakangiti na sinubo ko iyon. Pati si Zaylon ay sinubuan niya rin.

“Hayaan mo na ako, mahal. Ang kj mo naman,” nakanguso na saad niya nang suwayin siya ni nanay.

Napabuntong-hininga nalang si nanay at hinayaan si tatay sa ginagawa niya. Na tapos kami sa pagkain na siya ang taga subo namin.

Tinulungan ko si nanay na magligpit ng pinagkainan namin. Si tatay at Zaylon naroon sa sala nagkukwentuhan silang dalawa. 

Ang mga natirang pagkain nilagay ko sa ref dadalhin daw namin iyon bukas sa mansiyon.

“AKo na ho ang tatapos dito, Nay. Magpahinga ka na,” saad ko.

“Tulungan na kita nang sabay na tayong lahat makapagpahinga.”

Hindi na ako nakipagtalo at minadali nang tinapos ang ginagawa.

"Bakit d'yan ka naglatag ng sapin sa sala?" Nagtataka na tanong ni nanay nang makita si tatay na nag aayos ng higaan sa sala.

"Hindi tayo kasya sa kama mo. Gusto ko sana tabi tayong tatlo-ay apat pala na matulog kaya dito na ako naglatag sa sala," aniya at tinapos ang ginagawa.

Palundag na humiga doon ang anak ko kaya natawa si tatay. Tinapik niya ang higaan. " Halina kayong dalawa. Matulog na tayo."

Wala nang magawa si nanay nang lumapit ako at humiga doon sa tabi ni tatay. Lumipat ng puwesto si Zaylon sa pagitan ni nanay at tatay kaya sumuksik ako sa tagiliran ni tatay.

Pina unan ni tatay ang braso niya sa akin. Tumagilid ako paharap sa kanya at awtomatikong yumakap ako sa kanya. Narinig ko ang pagsinghot niya. Nang tinagalin ko siya, namumula ang kanyang ilong at may namumuong luha sa mga mata.

Hinalikan niya ako sa noo. Bumaling siya kay nanay na nakahiga rin sa kanyang tabi na nakayakap sa kanya. Hinalikan siya ni nanay sa pisngi. Dumapo ang labi ni tatay sa kanyang noo at batid ko umiiyak na siya.

“I’m finally home.”

Ito ang unang gabi na nakatulog ako ng payapa. Masaya, buo, walang bumabagabag sa isipan, hindi mabigat sa puso.

Unang gabi na yakap ang ama bago matulog. Unang gabi na kasama ang tatay at nanay sa pagtulog. 

“Good morning, mahal. I love you,” rinig ko ang malambing na boses ni tatay.

“Good morning. I love you,” inaantok pa na sagot ni nanay.

Nakangiti na minulat ko ang aking mata. Nakahiga parin si nanay at pinagitnaan na namin ang anak ko. Pareho kaming nakayakap sa bata na mahimbing pang natutulog. Si tatay naka upo sa ulohan namin. mukhang kanina pa siya na gising dahil naka suot na siya ng apron.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon