Chapter 18

2.6K 40 0
                                    

Kahit anong paglayo ang gawin ko sa kanya, kung sa iisang lugar lang kami, wala ring patutunguhan. Siya ang magdesisyon kung kailan niya ako makita, kailan niya ako pupuntahan, kailan at saan niya ako lalandiiin. Hindi siya mapipigilan kahit naka ilang sabi na ako sa kanya na tumigil na siya sa ginagawa niya dahil ayaw kung may ibang tao na maka alam. Ayaw ko mawalan ng trabaho.

Akala ko, pagkatapos na malaman ni Valerie ang tungkol sa amin titigilan na niya ako, pero malala pa pala dahil naging malaya siya na maging malapit pa sa akin pagkatapos ng gabing iyon.

Na appreciate ko lahat ng ginagawa niya, ang pag-alala niya sa akin, sa kalusugan ko, sa sarili ko at nakikita ko ang sinseredad doon pero hindi tama. Maling-mali lalo na at may karelasyon siya.

Hindi ko alam kung ano ang kahulugan ng ‘Gusto Kita’ na sinabi niya. Gusto bilang ano? Kaibigan? Kalandian? Karelasyon? Hindi ko alam kung alin riyan ang tinutukoy niya. Kasi ako, gusto ko muna siyang makilala. Hindi namin kilala ang isa’t isa bukod sa pangalan at apelyedo namin. Hindi ko nga alam kung ilang taon na siya. Baka mamaya niyan may asawa at anak na pala siya.

Itinabi ko ang baunan ko matapos akong kumain. Ibinigay ko rin sa kanya ang isang buong hita ng chicken joy dahil dalawa ang baon ko. Kaunti lang ang kain ko dahil hindi ako makakain ng maayos dahil sa lalaking katabi ko. Tahimik siyang kumakain. Hindi ko siya magawang lingunin dahil sa subrang pagkailang. Masarap naman ang pagkaluto ng gulay kaya lang hindi ko maiwasang mag isip na baka hindi niya nagustuhan ang lasa.

“Ito parin ang baon mo bukas, Lil?” tanong ni Valerie.

“Mmm,” tipid na sagot ko.

“Makihati ako bukas, ha. Kaya ramihan mo ang dala, ang sarap,” aniya.

Inusog ko ang baunan ko na may kanin pa nang makitang mukhang nabitin si Ethan. Narinig ko ang mahinang pagtikhim niya at umusog ng kaunti palapit sa akin. Para akong na kuryente ng masagi ng siko niya ang braso ko. Napakislot ako at gulat na nilingon siya ng hawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa aking hita sa ilalim ng mesa.

He mouthed ‘thank you’. Pinisil niya iyon bago binitawan at bumalik ulit sa pag kain. Dumukduk ako sa ibabaw ng  lamesa at ginawang unan ang dalawa kung braso. “Iidlip muna ako,” pagdahilan ko sa kanila upang itago ang namumula kong mukha.

Sino ba ang hindi mahulog sa kanya? Kung sa simpleng galawan niya lang namumula na ako sa kilig. May pa hawak sa kamay pa siyang nalalaman pwede naman mag thank you nalang. Napamulat ang mata ko ng maramdaman ang palad niya na nasa hita ko na kahit may suot akong pants ramdam ko ang  mainit niyang palad doon.  Kung ganun tapos na siya kumain? Pero bakit umabot na naman ang kamay niya sa hita ko?

Ibinaba ko ang isa kong kamay upang alisin ang palad niya doon ngunit hinuli niya ang kamay ko at pinagsiklop iyon. Sinubukan kong tanggalin ngunit hinigpitan niya pa lalo ang paghawak. Hindi ako maka upo ng maayos dahil baka makita ni Rose ang magkasiklop namin na kamay. Katabi ko siya.

Nakadukduk parin ang ulo ko sa aking  kanang braso. Pa simple kong nilingon ang mukha ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin pero hindi nagbago ang kaswal na emosyon sa kanyang mukha. Parang walang may ginawa.  Napasimangot ako. Balak ko talaga ang umidlip dahil ganito naman palagi ang routine ko pero paano ako iidlip kung ang buong atensyon ko ay naroon sa magkasiklop naming palad.

Panay ang kuwentuhan ng mga kasama ko at nakisali rin si Valerie. Wala silang kamalay-malay sa magkasiklop na kamay namin ni Ethan. His thumb played mine. Lalo akong inantok sa ginagawa niyang paglaro doon. Nanulis ang nguso ko ng pasimple niya akong kindatan ng yumuko siya. Namumula ang pisngi na tinago ko ang aking mukha sa ilalim ng aking braso.

Malandi parin ako. Hindi parin ako natuto sa maling nagawa ko. Kahit alam ko na hindi dapat hindi ko parin pinigilan ang sarili ko. Saan hahantong ang ganitong tagpo namin ni Ethan? May mapapala ba ako bukod sa init ng katawan na binibigay niya? Ang baba ko para sa isang katulad niyang subrang mataas. Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao lalo na ang kanyang pamilya at kamag-anak kapag nalaman nila na ang kalandian niya ay isang trabahante niyang janitress, walang pinag-aralan, walang dignidad, naging pokpok pa.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon