Chapter 9

3.2K 50 0
                                    

Hindi ko na napigilan ang damdamin ko. Kahit anong sabi ko sa sarili na dapat hindi ako magpadala sa bugso ng damdamin ko at sa mabulaklakin niyang bibig-pero wala paring kabuluhan ang lahat ng mga sinabi ko. Isang matamis na salita niya lang bumigay kaagad ako. Isang haplos niya lang, suko na kaagad ang katawan ko.

Natauhan ako nang maramdaman ang kamay nang humigpit ang pagkahawak sa baywang ko. Ako na ang tumapos ng halikan namin. Nang maglakbay pa taas ang palad niya sa dibdib ko, tinabig ko iyon. Sinamaan ko siya ng tingin at umalis sa pagka upo sa kanyang hita.

"Yanie -,"

"Hep!" Pag pigil ko sa kanya na magsalita. "D’yan ka lang. ‘Wag kang tatayo, ‘wag kang lalapit sa akin."

"5 minutes."

"Hindi! D’yan ka lang. Hindi ako matatapos sa trabaho ko, panay landi mo sa akin."

"Nagpapalandi ka naman."

Inambahan ko siya nang palo ng mop na hawak ko ng biglang bumukas ang pinto.

"Ay! Hala. Sorry ho, sir. Akala ko wala kayo rito," nahihiya, kinakabahan na sambit ni Ann pagkapasok niya

Tinanguan siya si Ethan. "Ayos  lang."

"Tapos kana?" Mahinang tanong ni Ann sa sakin. "Malapit na lunch break mo hindi pa tayo tapos maglinis sa accounting office."

“Patapos na ako,” ani ko.

Kanina pa sana ako tapos sa ginagawa ko kung hindi lang nasusukso ang kumag na ito. Pa lihim kong tiningnan si Ethan, sa kanyang laptop  ang tingin nito. Ang kaliwang kamay nakatukod sa kanyang baba ang kanan nitong kamay mouse ang hawak. Nanlaki ang mata ko ng kumindat siya sa akin nang magtagpo ang tingin naming dalawa.

“Tara na, Ann.” ani ko at hinila siya palabas ng office ni Ethan.

Hindi ko na sinulyapan pa ang binata dahil naiinis at na aasar ako sa mga manyak na galawan niya. Alam naman niyang marupok ako, madaling bumigay tapos ganyanin niya pa ako. Napakasama niya. Mag ingat lang siya na walang makakita sa amin dahil puputulin ko talaga ang kaligayahan niya.

Late na ako naka akyat sa canteen dahil tinapos ko muna ang trabaho namin ni Ann. Plus, na i-stress ako sa kahalayan ni Ethan. Natatakot ako na baka may makahalata sa kababalaghan na ginagawa namin sa office niya. Natatakot ako sa maaring sabihin ng mga tao once na malaman nila na may ugnayan ako sa CEO. At natatakot ako para sa damdamin ko. . . dahil baka hindi na ako maka ahon kapag lunod na lunod na ako sa kanya.

Lumipas ang mga araw panay ang panlalandi sa akin ni Ethan kapag nakatoka na akong maglinis sa office niya. Mga araw na hindi siya pumalya para landiin ako, akitin. . . at bumibigay naman ako. Pero kapag nasa labas siya ng office niya, boss ko siya at trabahante niya lang ako.

Tama nga siya sa sinabi niya, nagpapalandi naman ako kaya panay rin ang paglalandi niya sa akin. Good thing dahil nakaya ko pang pigilan ang sarili ko na hanggang halik lang siya sa akin.

“Miss Toneth, baka um-absent ako bukas,” ani ko. Nakadukduk ang ulo ko sa sandalan ng upuan at ginawang unan ang mga braso ko. “Masama ang pakiramdam ko.”

“Hala! Kailan pa?” nag alala na tanong niya at lumapit sa akin. Kinapa niya ang noo at leeg ko. “Hindi ka naman mainit.”

“Hindi ko nga rin alam, miss. Bigla nalang ako nakaramdam ng ginaw, ang bigat ng pakiramdam ko.”

“Baka kulang ka sa tulog,” komento niya.

“Siguro nga ho.”

“Ayosin ko muna ang pagkahilera ng upuan para makahiga ka ng maayos. Hapon na rin, hindi na siguro bababa rito si CEO at SOM para mag ikot. Idlip ka muna.”

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon