Chapter 11

3.2K 55 0
                                    

Nagitla ako nang hawakan niya ang palad ko, mabilis kong hinila iyon at itonago sa ilalim ng mesa. Baka may biglang pumasok at makita kami na nasa ganong posisyon baka ano pa ang isipin nila.

"Yanie, tinatanong kita kung iniiwasan mo ba ako?"Tanong niya ulit sa malumanay na tono.

"Ano sa tingin mo?" Pagalit na tanong ko sa kanya at ginawaran siya ng masamang tingin.

Umalon ang kanyang lalamunan, umayos siya ng tayo at malamlam ang mata na pinakatitigan ako.

"May ginawa ba ako-,"

"Marami, at hindi ko gusto."

He cleared his throat. "I'm sorry. Hindi ko lang kasi matiis na hindi ka makita."

Natigilan ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Kaya, sorry kung palagi akong pumupunta dito para makita ka kahit aware ako na baka  mayroong makahalata. "

Hindi na nasundan ang pag uusap namin nang pumasok si Amy, kasunod ang mga lalaki. Natigilan pa sila nang makita si Ethan.

“Good evening, sir.” magkasabay na bati nila. Tinanguan lang sila ni Ethan pagkatapos bumaling ulit sa akin at binigyan ako ng makahulugan na tingin. Nagsalubong ang kilay ko. Ano na naman ibig sabihin ng tingin na iyon?

“Bakit narito si, sir?”

Napangiwi ako ng magkasabay silang magtanong sa akin. “Tinanong kung bakit wala siyang nakita na  mga housekeeping.”

“KInakabahan talaga ako kapag narito si sir ,e. Mabuti nalang hindi siya kagaya ni SOM na parang mangangain ng tao kapag nakita tayong naka upo,” komento ni Mark.

Masama talaga ang ugali ni SOM lalo na kapag bad mood ito. Dinadamay niya ang empleyado kapag galit siya, pinapahiya. Na HR nga kami noong minsan na naabutan niya kaming naka upo rito. Kesyo oras raw ng trabaho naka upo lang kami gayong binabayaran naman ang oras namin.

Nandoon na kami sa point na iyon, pero hindi ba pwedeng umupo at magpahinga kahit isang minuto lang dahil sa nakakapagod naming trabaho? Kaya kapag nagpapahinga kami may taga bantay kami sa labas baka biglang sumulpot ang taga HR o ‘di kaya si SOM,, patay kaming lahat.

Kaya, naninibago kami sa treatment na pinapakita ni Ethan. Na ayos lang sa kanya na makita kami na naka upo rito sa diswashing area, nag uusap. Wala kaming narinig na hindi magandang salita sa kanya, na para bang okay lang na gawin namin iyon. Dahil ba iyon sa akin? O, sadyang may malasakit lang siya sa mga empleyado niya?

“Mantakin mo ba namang walang araw na hindi dumadayo rito,” saad ni Amy. Naiilang na umiwas ako ng tingin.

‘Nang dahil iyon sa akin.Lol.’

Hanggang sa mag out kami iyon parin ang pinag-uusapan nila. Hindi na ako nakisabat, madagdagan lang ang kasinungalingan ko sa kanila. Hindi ako umiwas ng magtagpo ang tingin namin ni Ethan. Nakatayo siya sa gilid ng counter, nasa magkabilang bulsa ang kanyang kamay at katabi niya ang kanyang secretary, may pinag-uusapan sila.

Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil bigla akong nakaramdam ng selos habang nakatingin sa kanila. Seryoso ang kanyang mukha bagaman makitaan ng saya ang mga mata niya habang nag-uusap sila. Doon lang ako umiwas ng tingin nang kalabitin ako ni Amy para umusog sa pila.

Na huli ako ng baba dahil nagpalit pa ako ng damit. Sahod kasi namin ngayon, bibili ako ng letchon manok at burger, pasalubong kay nanay. Muntik na ako madulas sa hagdan ng pagliko ko nakita ko si Ethan.

Nakaramdam ng kirot ang puso ko nang hindi man lang niya ako sinulyapan. TUloy-tuloy lang ang kanyang paglakad pababa na animo isa akong hangin na hindi niya nakita. Nanibago ako sa pakikitungo niya sa kin. Ilang oras palang ang nakalipas pagkatapos naming mag-usap kanina tapos ito na kaagad ang treatment na pinapakita niya?

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon