Chapter 25

2.5K 41 1
                                    

What the fuck is he saying?

Inignora ko ang sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at sapilitang binaklas ang braso ko na hawak niya. Laglag ang kanyang balikat sa ginawa ko. Puno ng emosyon ang kanyang mukha, nagmamaka-awa ngunit wala siyang naring na sagot mula sa akin.

Pinatili kong maging kalmado, huwag magpakita ng kahit anong emosyon kahit pakiramdam ko mahihimatay na ako sa kinatayuan ko. He tried to reach my hand pero umiwas ako. A strong emotion crossed his eyes. Agad na tinalikuran ko siya at pumasok sa loob ng banyo. Ini-lock ko kaagad iyon nang makapasok ako.

Nanghihina na dumausdos ang katawan ko sa likod ng pinto. Impit akong napahikbi sa samo’t saring emosyon. Masaya, nasasaktan, nalilito ngunit lamang ang takot sa puso ko. Natatakot sa lahat na mangyari pagkatapos nito. Ito ang pangyayari na hindi ko pinaghandaan dahil hindi ko naman inakala na magkita sila ng anak ko.

Tumayo ako at inayos ang sarili. SInikap kong taposin ang trabaho ko kahit gusto ko ng tumakbo palabas. Nag angat siya ng tingin nang lumabas ako sa banyo. Agad siyang tumayo, naglakad patungo sa akin. Nang huminto siya sa harap ko, niyakap niya ako ng mahigpit.

“ A-Ano ba, Ethan….”

Pagpupumiglas ko. Sinikap kong makawala sa mga yakap niya na lalong nagpahina sa akin. Mabilis ang bawat paghinga ko nang makawala sa yakap niya. Nang tingalain ko siya, namumula ang kanyang mga mata. Panay ang paglunok niya at pag igting ng kanyang panga.

Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya pang makaharap siya at makita kung gaano siya nasasaktan. Tumalikod ako at malaki ang hakbang na lumabas sa office niya. Wala akong lakas ng loob na kausapin siya. Ayaw kong makita ang sakit na bumabalot sa maganda niyang mga mata.

“Yanie..”  Sinundan niya ako. HIndi ko magawang magpumiglas nang mahawakan niya ang kamay ko, natatakot na baka makita kami ng ibang mga empleyado na kakapasok lang. Wala si Valerie pero may tao na sa office 1 at ganun nalang ang kabog ng puso ko ng dumungaw si Ma,am Vina, nasa kanyang mukha ang pagtataka at nagsalubong ang kilay niya nang makita ang kamay ko na hawak ni Ethan.

" Anak ko ba siya? Please, sabihin mo sa akin,” pagmamaka-awa niya. Hindi alintana kong may makarinig ba sa sinabi niya. Natutup ko ang aking bibig sa gulat ng lumuhod siya sa harapan ko. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang gulat sa mukha ng mga empleyado na nakakita sa pagluhod ni Ethan sa harapan ko at sa mga nadinig nila. Parang magiba ang dibdib ko sa lakas ng kabog ng puso ko.

"Please, tell me... Anak ko ba siya? Yanie, please…”

Isinubsob niya ang kanyang mukha sa likod ng palad ko. Nang tingalain niya ako, puno ng luha ang kanyang mga mata.

"E-Ethan, ano ba! Tumayo ka nga d’yan," nanginginig ang boses na sambit ko.

Pigil ang luha na nakipagtitigan ako sa kanya ko. "Please?" basag ang boses na aniya.

"Tumayo ka," matigas na utos ko dahil pinagtinginan na kami ng mga empleyado niya pati mga costumer ay naki usyuso narin. Nanghihina na tumayo siya nang hilahin ko siya patayo at dinala sa office niya.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!?" Bulyaw ko ng isara ko ang pinto.

"I want to know the truth.. May kutob ako na anak ko siya but I.. gusto ko sayo mismo manggaling.." Ginulo niya ang kanyang buhok. Bigo na marinig mula sa akin ang katagang gusto niyang marinig.

“Oo! Anak mo siya!” Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Saglit siyang natigilan sa sagot ko. “Oo, Ethan, anak mo siya. Ayan, naringi mo na. Pwede na ba akong umalis-”

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Pagalit niyang tanong.

Napasinghap ako. "Paano ko sasabihin? Hindi ko nga alan kung ano ang buo mong pangalan. Saan kita hahanapin para ipaalam sayo na may batang na buo sa sinapupunan ko?.."

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon