Chapter 12

3.2K 59 0
                                    

"Anong oras ka naka uwi kagabi?” Tanong sa akin ni James, kasamahan ko. “ Nakita kasi kita sa sakayan bandang alas onse. Kakatapos niyo lang ba mag rehearsal no’n?"

Napangiwi ako nang akbayan niya ako. "Mga alas dose na yata ako nakasakay. Wala na kasing jeep kapag 10 pm na."

“Buti nakasakay ka pa nang ganong oras?”

“Nagpa sundo ako sa taga amin.”

Ayaw ko na nga sana pumasok kanina kasi subrang pagod talaga ang katawan ko at kulang pa ako sa tulog, kaya lang nanghihinayang ako sa isang araw na absent ko. Isang oras ang rehearsal namin kagabi, alas onse na kami natapos at nagbabakasakali ako na may masasakyan pa ako, pero inabot na ako ng isang oras wala talang sasakyan papuntang Latasa. Buti nalang to the rescue si Benjo.

“War kami ni jowa kahapon kaya hindi kita nilapitan kagabi para ihatid, alam mo naman na pinagseselosahn ka no’n,” natatawa na saad niya.

“Para ka kasing linta kung makadikit sa akin, para kang walang jowa na selosa.”

Mahina niyang tinapik  ang ulo ko. “Kung wala lang akong girlfriend, niligawan na kita.”

“Gago,” natawa ako sa biro niya. Hinampas ko siya sa balikat. “Mag time check ka na nga.”

Kaya kami pinagkamalan na mag jowa,e, kasi ang clingy niya sa akin. Lalo ka kapag magkasabay kami, umaakbay sakin. Sinisita ko siya kaso ang sagot niya wala raw malisya dahil magkaibigan naman kami. Tama naman siya, pero sa mata ng mga nakakita, may malisya dahil alam nila na taken na si James. Tsss, hindi ako tumatalo sa isang kaibigan at saka may iba akong gusto.

"Good morning, sir." Ani ng mga empleyado na kasabay naming nakapila.

“Good morning.”

Nanigas ako sa aking kinatayuan. Ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko nang marinig ang malalim niyang  boses sa likuran ko. Kanina pa ba siya d’yan sa likuran ko? Narinig niya ba ang usapan namin ni James? ANg lakas ng kabog ng puso ko. HIndi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako.

Lumingon si James at hinila ako ng kaunti para makadaan si Ethan. "Good morning, sir."

Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay na sinulyapan ako nang hindi ko siya binati. “Good morning,” aniya ngunit sa akin ang tingin.

Badtrip ako sa kanya kaya hindi ko siya binati. Nag check in na ako at nagmadaling pumasok sa loob, narinig ko pa ang mahinang pagtawag sa akin ni James ngunit hindi ko na siya hinintay. Hinihingal na pasalampak akong umupo pagkapasok ko ng diswashing area.

“Bad mood yata si Sir Jake, lukot ang mukha nang pumasok sa office niya,” naningkit ang mata ko sa sinabi ni Jessa na kakapasok lang bitbit ang mop niya. “Pero ang pogi parin,” bungisngis na dagdag niya.

“Edi, magpalambing siya sa secretary niya,” inis na himutok ko sa isang tabi.

Mabuti na lang at hindi gaanong busy ngayon, pa tambay-tambay at chikahan ang ganap namin habang binabantayan ang mga big boss na bababa rito. Inaantok ako kaya umidlip muna ako saglit habang hindi pa lunch break ng first batch. Uupo na sana ako nang mag ring ang telepono, dahil ako ang nandito, ako na ang sumagot.

“Hk, Lil, from HK department,” ani ko nang masagot ang tawag.

“Bakit hindi mo ako binati ng good morning?”

Naghurumintado ang puso ko. Agad kung binaba ang telepono nang ma realize kung sino ang tumawag. Is he upset? At saka, bakit big deal sa kanya na hindi ko siya binati? Sa dami ng empleyado na bumati sa kanya napansin niya pa ako? Nang mag ring ulit ang telepono, hindi ko na iyon sinagot at lumabas agad sa diswashing area.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon