Chapter 43

2K 30 0
                                    

Ito ang sekreto ko na hanggang kamatayan sana ay itatago ko. Pero ika nga nila, walang usok na kinikimkim na hindi sisingaw. Walang sekreto na hindi mabubulgar.

"May sakit ka?! Pero hindi mo sinabi sa akin?" Nahihirapan na sambit niya.

Ayaw ko siyang tingalain. Ayaw kong makita ang hitsura niya na nasasaktan. Ito ang dahilan kung bakit pilit kong nililihim sa kanya ang lahat dahil ayaw kong makita siyang nasasaktan at nahihirapan kapag nalaman niya ang sitwasyon ko.

Noon pa man tinatak ko na sa isip ko na hanggat kaya kong itago, hanggat kaya kong labanan hindi ko sasabihin sa kanya. Pero may dahilan ang lahat kung bakit lahat ng sekreto ko ay nalalaman niya.

"Anak naman," humihikbi na sabi niya." Akala ko ba wala ng sekreto?"

Nanginginig ang kamay na inabot ko ang palad niya. Luhaan ang pareho naming mata. " Hin-Hindi sa ganun, Nay. Hindi n-naman..Hindi naman ho malala ang sakit ko…” humihikbi na saad ko.

“Malala o hindi dapat sinabi mo!” mariin niyang sabi kaya napahagulhol ako. “Sakit parin iyon, anak. Mag alala parin ako. Mababaliw ako!”

“Sorry po…Sorry po, Nay.”

Tanging sambit ko hawak ang kanyang kamay. Lumabas mula sa kwarto ang anak ko. Namumula ang dulo ng kanyang ilong, umaagos ang luha sa mata na nakadungaw sa amin dito sa sala. Natatakot siyang lumapit. Doon lang siya nanakbo palapit nang ilahad ko ang kamay ko sa kanya.

Umayos ako ng upo sa sahig. Lumambitin kaagad ang dalawang braso niya sa leeg ko  at mahigpit na kumapit doon. Niyakap ko siya. Sumandal ako sa sofa at marahang hinagod ang kanyang likod.

“You are crying again,” humihikbi na sambit niya. “Sabi mo hindi ka na iiyak.”

Puro pasakit at pag alala lang ang naidudulot ko sa pamilya ko. Pagkatapos ng saya, sama ng loob kaagad ang binigay ko kay nanay. Pinag alala ko na naman siya. Doon naman ako magaling, ang palagi nalang siyang bigyan ng alalahanin.

"Pwede ko bang malaman ang sakit mo? Kung bakit ganito ka rami ang gamot mo?” mahinahon na tanong ni nanay.

Inayos ko ang paghawak kay Zaylon, nakatulog na pala siya.

“Last year ko lang ‘to naramdaman. Nagpa check up ako, sabi ng doktor…Migraine daw..”sagot ko.

Dinig ko ang pagbuntong-hinhinga niya. “Pag uwi ng tatay mo samahan ka namin magpa check up..”

“Nay, saka na ho,” pigil ko sa kanya na nagpasalubong ng kanyang kilay. “Pagbalik niyo na lang. Sa makalawa na ang alis niyo. Naka usap ko naman ho ang doktor ko about dito kaya wag kang mag alala, Nay.’

Mukahang ayaw niyang makipagtalo sa akin at sama ng tingin na lang ang kanyang ibinigay. Napagod na siguro siya na pagsalitaan ako, hindi naman ako nakikinig sa kanya. Sa mga payo niya, sa mga bilin niya, sa mga pangaral niya. May sarili akong desisyon at iyon ang gusto kong masunod kahit alam ko na sa dulo may masaktan akong tao.

“Isumbong kita sa tatay mo,” pagbabanta niya. “Kung hindi lang Migraine ang sakit mo kanina pa kita sinabunutan.”

"I love you, Nay.”

Inirapan niya ako. “HIndi mo ako madadaan sa ganyan.”

“Mahal na mahal ka namin ni tatay,” pinag-cross niya ang kanyang braso sabay ismid. “Kaya siguro laging mainit ang ulo mo kasi kulang ka sa himas–,”

Mahina niya akong sinapok sa batok. “Ayan ang kulang sayo nang matauhan ka,” nangilid ang kanyang luha. “Kainis ka. Alam mo naman kung gaano kita ka mahal pero palagi mo lang ako pinapaiyak.”

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon