Chapter 48

2.2K 37 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas mula noong pumunta kami s a bahay nila Janice, dalawang linggo ko na rin iniiwasan si Ethan. Palagi akong nagdadahilan kapag yayain niya ako mamasyal, hindi rin ako sumasama sa kanya sa Millanic at sa ibang lakad niya. Umuuwi kaagad ako sa mansiyon nila pagkatapos kong ihatid si Zaylon sa school.

Nagtataka siya kung bakit ako ganito sa kanya. Gusto niya ako kausapin pero umiiwas ako. Ang dami kong dahilan hindi lang kami magka-usap dalawa. Hindi naman siya nagpumilit pero ramdam ko na nasasaktan siya. Sa ginawa kong pag-iwas tila naputulan siya ng kasiyahan.

“Love,” tawag niya sa akin, nagsusumamo ang tinig ngunit hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. “Sabi ni Nenita, sumakit raw ang ulo mo kahapon.”

Ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya nang tumayo ako at pumunta sa closet. I heard him sigh nang hindi ako sumagot sa kanya. Narinig ko ang mabigat niyang yabag sa paghakbang papalit sa akin kaya inabala ko ang sarili sa pagkuha ng damit na dadalhin ko.

“M-May problema ba tayo, love?” he said softly. Umiiling lang ako. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko alam kong anong emosyon ang bumabalot ngayon sa kanyang mukha. “K-Kung wala..bakit ganito ka sa akin? Sabihin mo sa akin, love.”

Hindi ko parin siya nilingon. Nanginginig ang boses niya, pinipigilan niya siguro ang umiiyak. Tuloy-tuloy lang ako sa ginagawa ko. Nang isara ko na ang zipper ng bag, doon na siya lumapit at niyakap ako sa likod.

“Love, please. Kausapin mo ako,” he sobbed. “Please…”

Tinanggal ko ang kamay niyang nakayakap sa akin pero ayaw niyang bumitaw. “ Kausapin mo ako, love. Saan ka pupunta? Bakit..Bakit dala mo ang mga damit mo?” he managed to say kahit parang kinakapos na siya sa hangin sa pag-iyak.

Marahas kong binaklas ang kamay niya. Napayuko siya ng ulo pagka harap ko sa kanya. Humihikbi parin siya. Pinatili kong blangko ang aking mukha at malamig ang pakitungo sa kanya.

“Aaalis ako..”

“Love..” inilayo ko ang aking kamay nang abotin niya sana iyon. Pain crossed in his eyes.

“Aalis ako.. Iiwan ko sayo si Zaylon. Masyado na kitang nasaktan. Nahihirapan ka na sa akin.”

Panay ang pag iling niya. Gusto niyang magsalita pero pinapangunahan siya ng emosyon niya. Umiiyak lang ito, nagmamaka-awa ang tingin sa akin.

“Ayoko na maging selfish. Maging masaya ka na dahil wala na ako sa buhay mo..” dinampot ko ang bag na laman ng mga damit ko. “Take care, Ethan. Salamat.”

Malaki ang hakbang na lumabas ako ng kwarto niya. Rinig ko ang nanginginig niya boses habang tinatawag ako. Medyo mabigat ang bag ko kaya hinulog ko iyon sa ibaba at mabilis na tumakbo pababa ng hagdan.

Nanlaki ang mata ni Enrico nang makita ako. Sinalubong niya ako sa dulo ng baitang ng hagdan at kaagad na inalalayan. Hinihingal na kumapit ako sa kanya.

“Yanie…Love…”

Muntik nang madapa si Enrico nang hilain ko siya nang marinig ang boses ni Ethan mula sa itaas. Dinampot niya ang bag ko at tumakbo kami palabas ng bahay at tinungo ang sasakyan ni Enrico na nakaparada doon. Dito kami sa likod dumaan nang hindi kami makita ni Ethan.

Sumakay kaagad ako sa Lambo ni Enrico. Hawak ang aking dibdib at hinahabol ang hininga. Shuta! Ano ba itong pinanggagawa namin! Yumuko ako nang makitang lumabas si Ethan sa main door.

“Fully tinted ‘to kaya hindi ka niya makita,” hinihingal na sambit ni Enrico.

Nag angat ulit ako ng tingin. Napasabunot si Ethan sa kanyang buhok. Palinga-linga ito sa buong paligid nagbabakasali na makita ako. Marahas siyang napahaplos sa kanyang mukha. Malaki ang hakbang na sinuyod ang paligid na maari kong puntahan. Nang lumiko siya papunta sa kabilang bahagi ng mansiyon doon ko lang inutusan si Enrico na umalis na kami.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon