Chapter 17

2.8K 47 1
                                    

“Ugh! Ka pagod!”

Himutok ni Jean bitbit ang isang tray na puno ng plato, inilagay niya iyon sa lababo at bumalik ulit sa labas para magligpit. Si  Ate Grace ang  taga separate, ako ang taga hugas ng mga kutsara si Rose ang taga punas at ilagay sa electric utensils sterilizer. Subrang busy namin ngayon. Ika-dalawang gabi na ng midnight sale at may pakulo ang department store kaya walang tigil rin ang mga kumakain dito sa food court.

“Thank you. Makakain na rin sa wakas.” Nagpalakpak pa ng kamay si Aljon at sinalubong nila ni Sony si Valerie, sumimangot naman ang dalaga, panigurado tinutukso na naman nila ito.

“Ano ang gusto niyong hapunan?” tanong niya pero sa akin nakatingin. Tumaas ang sulok ng labi ko at pinagpatuloy ang paghugas ng mga kutsara dahil sumigaw si Jean sa labas na wala na raw kutsara doon.

“Pwede mag request ng letson, Miss?” Binatukan ni Miss Toneth si Rey na kakapasok lang.

“Mahiya ka naman. Nilibri na nga tayo mag request ka pa,” saad nito at inambahan pa. Napakamot si Rey sa kanyang ulo sabay iwas. “Magkano ba ang budget ni, Sir, Val?”

Napasinghap ako  nang iwinagayway ni Valerie ang credit card na hawak. “As usual, credit card ang ibigay dahil wala raw siyang cash. Ako na naman ang mag aabuno.”

“Kung ano nalang na ulam na makita d’yan sa tenant,” ani  Ma’am Toneth.

“Mang Inasal nalang.”

Tuwang-tuwa naman ang mga lalaki sa suhestiyon ni Valerie. Tinaasan ko siya ng kilay nang tingnan niya ako. Inutusan na naman siguro siya ni Ethan. Hindi ko alam kung pati ang ibang department ang may libreng pakain o kami lang na mga housekeeping. Nagulat nalang ako kagabi na pumunta rito si Valerie at sinabing sagot ni Ethan ang hapunan namin.

Mula kahapon hanggang ngayon, hindi ko siya nakita. Busy raw siya sabi ni Valerie. Pabor din iyon sa akin, at sana magtuloy-tuloy na ang pag-iwas niya. Kaya lang ito na naman ang bagong pakulo niya, ang papuntahin rito si Valerie na may dalang pagkain o ‘di kaya ay itatanong sa akin kung ano ang gusto kong kainin.

Nakakahiya. Ilang beses ko rin tinanggihan si Valerie pero ayaw sumunod sa akin dahil siya raw ang mananagot kapag hindi siya sumunod sa utos ni Ethan. Para hindi ako makatanggi, lahat nalang ng mga kasama ko isinali niya para hindi raw halata na ayaw akong magutom ni Ethan.

"Ma'am Valerie, pwede palit tayo ng trabaho kahit isang araw lang," saad ni Astro habang kumakain kami.

" Oo ba. Basta  ang kapalit, akin ka ng isang gabi.”

Nagtawanan kami ng magkunwari na nasusuka si Astro sa sagot ni Valerie. Lahat kami rito magkasundo na si Valerie. Sa tuwing magdadala siya ng pagkain, nakikain na rin siya at aalis lang kapag tapos nang kumain o kaya kapag pinapatawag siya ni Ethan, pero madalas dito siya tumatambay dahil boring raw sa taas wala siyang maka-usap.

“I hate you, talaga.”

Nilingon ko siya. Magkatabi kami habang kumakain, kami nalang ang naiwan dahil nagpahuli ako. “Luh! “

Bumusangot ang mukha niya. “Nasira diet ko dahil sayo. After ng midnight sale mag leave ka ng one week, ha.”

"Bakit”

“Para makapagpahinga rin ang katawan ko sa puro kain.”

Hindi ko napigilan ang matawa. “Kausapin mo yang boss mo. Pati ako nasira na rin diet ko,” mahinang sabi ko sa kanya.

“Ano na ba ang score niyong dalawa? Panay landian kayo e.”

Napa ubo ako nang mabulunan ako sa sinabi niya. “Wala.”

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon