Chapter 2

4.2K 61 0
                                    

Masayang-masaya ako dahil na ubos  na naman ang paninda ko. Naglalako ako nang niluto kong pastel sa palengke . Ito yong kanin na nakabalot sa dahon ng saging na may ulam ng kasama. Ang kinita ko kahapon sa pagtinda naging doble na ngayon pero hindi parin ito sapat.

Ang kinikita ko sa pag pa-pastel ay sakto lang sa pang araw-araw na pangangailangan namin ni nanay. Kailangan ko pang rumakit ng ibang pagkakitaan para madali akong maka ipon ng pera pang opera ni nanay.

Habang pa uwi ako naghanap narin ako ng tindahan na naghahanap ng tindera, kahit part time job lang basta mayroong kita. Hindi ko kasi pwede iwan si nanay at walang magbabantay sa kanya. Wala siyang kasama sa bahay. Paano kung atakihin siya ng sakit niya sino ang tutulong sa kanya? Kaya wala akong matino na trabaho dahil inaalala ko siya.

Wala kaming kamag-anak rito hindi naman pwede na palagi nalang akong makisuyo sa kapit-bahay namin, may trabaho rin sila at wala akong ipang bayad sa magbantay kung magtatrabaho ako ng full time job.

"Liliane, mabuti nalang at nakita kita," nagpapanic na sambit ni Ante Anabelle at nagmamadali na lumapit sa akin.

"Bakit, ante. Anong meron?" Nagtataka na tanong ko dahil hindi naman kami close para magkamustahan.

"Nalaman ko kasi na kumakanta ka raw kaya sinadya kitang puntahan sa bahay ninyo mabuti nalang at nakita kita dito. Kasal kasi ng anak ko mamaya, nag back out kasi ang singer na kinuha niya kasi may ubo kaya pwede ba na ikaw nalang ang papalit? 3k din iyon. Pero kung kulang pa iyan sa talent fee mo huwag kang mag-alala dagdagan ko pa basta may kakanta lang ako na makuha para sa kasal ng anak ko."

" Sure, Ante. Ayos na sa akin ang 3k," malawak na ngiti ang ginawad niya sa akin sa tuwa. "Saan ho ba gaganapin ang kasal? "

" Sa malaking simbahan ng Catholic church sa Sagada. Mamayang alas dos ng hapon ang kasal."

" Sige ho, darating ako. Salamat at ako ang kinuha ninyo malaking tulong ito sa akin. "

Pagkatapos naming mag usap ay umuwi na kaagad ako upang mag ayos. Hindi ko ito pwedeng palagpasin. Malaking tulong na ang tatlong libo, kakanta lang naman ako doon. Naging wedding singer naman ako minsan pero masabi ko talaga na si Ante Anabelle ang galante sa kanila. Tulog si nanay ng madatnan ko. Tutal mamayang hapon pa naman iyon ay nagluto muna ako ng pananghalian niya bago umalis. Nang matapos magluto ay naligo na ako at nag ayos, hindi ako pwedeng ma late.

"Saan ang lakad mo, anak?"

Tanong ni nanay nang makita ako na nakabihis na. Bagong gising ang matanda napagod yata kanina sa pagtulong sa akin. Inalalayan ko siyang bumangon.

"Kinuha ako ni Ante Anabelle bilang singer sa kasal ng anak niya, Nay," masayang saad ko. "Hindi ko matanggihan, sayang ang 3k."

Naglagay ako ng kaunting lipstick at nagpulbo. Wala namang dress coding na sinabi si Ante kaya puti na bestida nalang ang sinuot ko. Nilugay ko na rin ang hanggang baywag na wavey kong buhok at nilagyan ng clip sa kaliwang bahagi upang hindi iyon tumabon sa mukha ko. Humarap ako kay nanay.

"Maganda na ba ako, Nay?"

Naka puppy eyes na tanong ko at matamis na ngumiti. Umawra pa ako sa harap niya na para bang isang modelo.

"Hindi lang maganda. Subrang maganda kahit walang make up."

"Yan ang tinatawag na natural beauty, Nay."

"Manang-mana ka talaga sa akin."

"Kaya nabihag mo si tatay," nawala ang ngiti sa kanyang labi at umiwas ng tingin, iyong pag-iwas niya hindi dahil sa nasaktan siya dahil binanggit ko ang pangalan ni tatay kundi parang nahihiya siya. .nag ba-blush. "Oy! Naalala niya si tatay," tudyo ko dito at sinundot ang pisngi niya. " Nag ba-blush ka, Nay. Yuckkk." natatawa na kantiyaw ko sa kanya.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon