Chapter 40

2.2K 32 1
                                    

Nakatulala ako habang nakatitig sa taong nasa harapan ko. Naghahalo ang kulay itim at puti niyang buhok. Ang kanyang almond eyes na kagaya sa akin. His pointed nose and his heart shape face. Tama nga si nanay, kamukhang-kamukha ko si tatay. I was about to hug him nang marinig ang matinis at iritableng boses i nanay.

“Lieliane sino ba iyang door bell nang door bell ‘bat ayaw mong buksan nang tumigil–Alfred?!” ang matinis at iritableng boses niya napalitan ng gulat at panginginig nang makita kung sino ang kaharap ko. “Alfred!” patakbo siyang lumapit at agad na sinalubong siya ni tatay ng isang mahigpit na yakap.

Umiiyak si nanay habang mahigpit na yakap  ang isa’t isa. She cried out loud. For happinies. Because of longing for the love of his life.    Siguro dahil hindi niya inaasahan na sa mahabang panahon makikita niya ulit ang lalaking mahal niya, mayakap, at muling makasama.

“Patawad, dahil ang tagal kong bumalik,” humihikbing sambit ni tatay yakap ng mahigpit si nanay na para bang takot siya itong pakawalan. “My love, I’m sorry. Mahal na mahal kita.”

Tanging iyak lang ang sagot ni nanay. Pareho silang umiiyak habang ako nakatingin sa kanila na puno ng luha ang mga mata. Finally, mawakasan na ang pangungulila nila sa isa’t isa. Ang saya ko na makita ang dalawang tao na mahalaga sa akin na masaya yakap ang isa’t isa. Aalis na sana ako nang tawagin ako ni tatay.

“Anak ko,” aniya. Parang mga ulan ang mga luha ko na nag unahan na nagsibagsakan ng marinig ko ang salitang iyon mula sa kanya na matagal na panahon ko ng inaasam na marinig.

Idinipa niya ang kanyang isang braso habang yakap parin si nanay. “I want to hug you,” hilam ang mata na sambit niya. “Pwede bang payakap si tatay?"

Malaki ang hakbang na lumapit ako sa kanya at yumakap. Niyakap din ako ni nanay. Pareho kaming nakakulong sa bisig ni tatay at walang tigil sa pag iyak dahil sa subrang saya. Ramdam ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko.

“Miss na miss ko kayong dalawa… Walang araw na hindi ko hinihiling na sana kasama ko kayo… Walang gabi na hindi ako nagdadasal na sana balang araw mayakap at makasama ko kayo. My queen.. My princess… My life.. Mahal na mahal ko kayo.”

Nakita ko na ang tatay ko. Nayakap ko na siya. Ito ang isang hilig ko na natupad na. Ang saya. Ang sarap na pakiramdam na nayakap ko na ang tatay ko. Na hindi pa huli ang lahat na makita ko siya.

Bumitaw ng yakap si nanay sa kanya. Sa pagkakaton na iyon, tatay hugged me so tight. “Ang ganda mo. Patawarin mo si tatay ha kung hindi ko man lang nasubaybayan ang paglaki mo… Kung hindi mo ako nakasama, kung hindi kita na alagaan,” marahan niyang hinaplos ang buhok ko. “I am so proud of you, anak. Proud na proud si tatay sayo, sa katatagan mo.”

Hilam ang mga mata na tumango ako. Gusto kong magsumbong sa kanya. Sabihin lahat ang mga hirap na pinagdaanan namin na wala siya. Pero napanatag ang loob ko nang sabihin niyang proud siya sa akin. Hindi katulad ni nanay ng ipinarating niyang walang silbi ang sakripisyong ginawa ko nang sabihin niyang sana namatay nalang siya.

Kumalas ako ng yakap sa kanya. “S-Sa kwarto l-lang ho muna a-ako,” naiilang sa saad ko hindi makatingin ng diritso sa kanya.

“Why? Ayaw mo bang malaman kung bakit wala ako sa buhay niyo sa loob ng 25 years? Ayaw mo bang marinig ang paliwanag ko?” malumanay niyang tanong.

“Di’ba ito ang gusto mo? ANg matagal mo ng hiling na malaman kung bakit hindi natin kasama ang tatay mo?!” sagot ni nanay.

Napayuko ako ng ulo at dahan-dahn na tumango. Maliit akong ngumiti nang guluhin ni tatay ang buhok ko. Sumunod kami kay nanay sa kusina. Pinaghila ako ni tatay ng upuan, nang maka upo pinaghila niya rin si nanay ng upuan sa tabi ko. Pinagsalin niya kami ng tubig sa baso bago umupo sa upuan na nasa harapan namin.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon