Chapter 35

2.3K 45 4
                                    

" Tigilan mo ako, Javier. Kung ayaw mong buong linggo ka naman mag araro sa maisan,” sita ni Janice sa asawa na masama parin ang tingin kay Jaxson. “Mag tatatlo na anak natin pinagselosan mo parin ang mukhang unggoy na yan. "

" Sakit mo naman, Janice. Parang hindi ka gwapong-gwapo sa akin dati ah. "

Napasinghap ako nang mabilis na nilapitan ni Javier si Jaxson at walang kahirap na hinawakan ito sa kuwelyo at kinaladkad ito palabas ng bahay. Natatawa na nagpatianod naman ang lalaki na parang papel lang sa kamay ni Javier. Si Enrico saglit pang natigilan at mukhang nagulat sa ginawa ng kuya niya.

" Sapat na iyong anim na taon para pagkatiwalaan kita ng lubos. Tawagan kita para pag usapan natin ang tungkol kay Isabella. Wag ka ng magpakita dito at baka paglihian ka ng asawa ko," mariing saad nito habang kinakaladkad ang lalaki.

Lumakas ang tawa ni Jaxson. Si Javier kaunti nalang maubos na ang pasensya sa lalaki at ma suntok niya ito.

" Hindi yun maiwasan, " nahihirapan na usal ni Jaxson, nasasakal yata sa higpit na paghawak ni Javier sa kuwelyo niya.

" Edi, takpan mo mukha mo!"

Napa face palm nalang si Janice na sinundan ng tingin ang dalawang lalaki. " Nasisira talaga beauty ko kapag magkasama ang dalawang iyan."

Nagtataka man sa trato ni Javier kay Jaxson hindi na ako nang usisa pa.

" Javier… "

Naging maamong tupa na binitawan ni Javier si Jaxson nang marinig ang nagbabanta na boses ng asawa.

" Magpaalam muna ako kay Isabella," Jaxson said.

" Bilisan mo!” singhal niya. “Janice, tumalikod ka. Wag kang titingin sa lalaking 'yan,” frustrated na sigaw ni Javier sa asawa.

Nawala ang atensyon ko sa dalawang lalaki na nagtatalo parin nang maramdaman ang pagpisil ni Ethan sa baywang ko. Bahagya ko siyang tiningala at sinamaan ng tingin. Napatikhim siya at dahan-dahan na tinanggal ang kamay niya doon.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang tumama ang mainit niyang hingina sa tainga ko ng bumulong siya. “Hindi ka na papasok sa trabaho, pinasara ni dad ang mall,” aniya.

Itatanong ko sana kung bakit at ano ang dahilan bakit pinasara ang mall nang hawakan ni Janice ang kamay ko at hinigit palayo kay Ethan. “Kausapin mo yang kuya mo. Nasira na tuloy ang surprise plan ko,” masungit niyang sabi.

“‘Wag mong paglihian 'yan,” pahabol na sabi ni Ethan bago kami nagtungo sa likod ng mansyon.

Sumalubong sa akin ang presko at malamig na simoy ng hangin. Kahit mataas na ang sikat ng araw malamig parin ang hampas ng hangin sa balat ko gawa na rin siguro dahil sa mapuno ang buong paligid.

Napalibutan ng mga pine tress ang buong mansyon. Sa hallway kung saan kami dumaan kahapon may mga pine tress din sa gilid niyon. Maraming mga iba’t ibang klase ng bulaklak na nakapalibot sa buong paligid. ANg naka agaw ng pansin ko ay ang kanilang flower garden. Namalayan ko na lang na humahakbang na ang mga paa ko papasok doon.

Ang ganda. Ang sarap sa mata na titigan ang iba’t ibang kulay na mga bulaklak. May naka heart shaped sculpture sa maliit na hallway mula entrance hanggang sa dulo. Hindi ako pamilyar sa klase ng bulaklak pero ang ganda niya. Bawat arko iba-iba ang kulay ng bulaklak.

Pagliko ko sa kanan lalo akong namangha nang makita ang mga initial letter at may mga tanim na bulaklak. Ang una, letter D. Red Rose ang nakatanim doon. Sunod ang letter E, Pink Carnation naman ang naka tanim. At ang panghuli letter EJ. Tulips naman ang nakatanim.

“Every letter and a flower has a meaning,” nagtataka na nilingon ko sa aking tabi si Janice. “Iyang initial letter D, initial yan ni mommy Debbie. At bakit Red Rose? Dahil iyan ang favorite flower niya. Ang letter E, kay daddy Emmanuel. Pink Carnation symbolize beauty, si mommy Debbie iyon na despites sa mga nangayri sa kanila, si mommy Debbie at ang mga anak nila ang kagandahan na nangyari sa kanilang buhay. At itong EJ, nang makita ko yan akala ko Edmund Javier, Edmund at Janice pala. Nakigaya raw siya sa daddy niya,” tumawa siya. “Malalim raw ang tama niya sa akin kaya ayan pinatanim niya,” natatawa niyang sabi. “Pinangalanan  ni dad ang garden na'to ng D OTHER HALF.”

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon