Chapter 28

2.4K 41 0
                                    

"’Bat ganyan mukha mo?” nagtataka na tanong ni nanay nang pumasok ako sa kanyang kwarto. Sumandal ako sa likod ng nakasaradong pinto. "Nagseselos ka dahil hindi na ikaw ang ginaganyan ng anak mo? O, baka nagseselos ka dahil may kaagaw ka na sa tatay niya?"

"Nay naman… " nakanguso na saway ko.

" Pinapatawa lang kita,” tumayo siya at inayos ang higaan niya. “Intindihin mo muna ang anak mo.. nasasabik pa yan sa tatay niya. "

Iyon naman ang ginagawa ko. HIndi ko lang maiwasan na masaktan ng slight dahil pakiramdam ko wala na akong halaga sa kanya. Dumating lang tatay niya, wala na akong good morning, walang yakap, halik, at walang I love you. Eh, dati-rati nagtatampo pa siya kapag nakaligtaan kong gawin iyon sa kanya.

I sigh. Dapat sanayin ko na ang sarili ko na hindi na sa akin umiikot ang mundo ng anak ko. KUng noon, si nanay lang ang kahati ko sa kanya, ngayon pati na ang tatay niya. Hindi ako pwede maging selfish, na ang nararamdaman ko lang ang masusunod dahil hindi lang ako ang mahalagang tao sa buhay ng anak ko.

“Aalis na ako, nay. Sabayan niyo lang sila mag almusal,” humalik ako sa kanya bago lumabas ng silid at pinuntahan ang mag ama sa kusina.

“Daddy, iyan nalang po ang kainin ko, please?” gigil na pinisil ni Ethan ang pisngi niya, lalong ngumuso ang bata at nag puppy eyes pa sa tatay niya.

“Ayaw mo ba ng rice? Niluto pa naman ito ni mommy mo,” aniya sa mababang tono.

Nanulis ang nguso ng bata at humalumbaba sa lamesa. Napakamot ng batok si Ethan hindi malaman kung ano ang gagawin. Kung pagbigyan ba niya ang hiling ng anak o huwag itong konsintihin na masusunod lahat ng gusto niya.

“Kumain ka ng kain,” ani ko at naglakad palapit sa kanya. Umayos siya ng upo ng sandokan ko siya ng kanin at chopsoy na niluto ko. “Hindi ka sanay na tinapay ang umagahn, baka mabigla ang tiyan mo. Kumain ka na,” wala siyang nagawa kundi ang sundin ang sinabi ko.

Kapag nakita niyang seryoso ako, susunod ‘yan kaagad sa akin dahil alam na niyang magagalit ako kapag ipagpilitan niya ang gusto niya. Nang lingunin ko si Ethan, naaawa na nakatingin ito sa anak niya.

“Sabayan mo siyang kumain,” ani ko sa kanya. “Aalis na ako.”

“Ha? Pero…”

Nag angat ng tingin sa akin si Zaylon. “Hindi ka kakain, mamay?”

" Mommy, " pagtatama ni Ethan.

Simula ng makapagsalita siya, mamay, ang tawag niya sa akin. Kahit anong pag-correct ko na nanay ang itawag niya sa akin, mamay, parin. Si nanay Cecelia raw ang nanay niya at ako ang mamay niya.

" M-Mommy… "

Kinagat ko ang loob ng pisngi ko upang pigilan ang maiyak sa saya. Ganito pala ang pakiramdam, ang saya sa puso, ang sarap pakinggan ng salitang mommy na lumabas sa bibig niya. HInaplos ko ang ulo niya at nginitian. “Kumain ka na.”

Umupo ako sa harap niya. Sinenyasan ko si Ethan na tumabi kay Zaylon at kumain na rin. Ayaw ko ma late pero ayaw ko naman na magtampo ang anak ko sa akin kapag hindi ako kumain bago pumasok sa trabaho. Sabay kaming tatlo na kumain… Isang buong pamilya.

“Si nanay Cecelia, mam-mommy, hindi ba siya sasabay sa atin na kakain?” nagtataka na tanong niya nang mapansin na hindi namin ito kasama. Bumaba siya sa kanyang upuan. “Tatawagin ko  lang siya sandali,” tumango ako bilang pagtungon.

“Bakit?” I asked awkwardly nang mapansin ang malalim na pagtitig sa akin ni Ethan.

Tumabingi ang ulo niya at lalo akong tinitigan. Naiilang na sinamaan ko siya ng tingin. “Bakit ba?!” pagalit na tanong ko.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon