Chapter 38

2.2K 41 2
                                    

Hindi ko akalain na na-survived ko ang anim na araw na walang tulog. Akala ko mamamatay na ako sa kapabayaan ko sa sarili ko. Nakaka-idlip naman ako ng mga ilang minuto pero hindi na ako makatulog ulit kapag nagising ako.

Palaging pumapasok sa isip ko ang umiiyak kong anak sa tuwing pipikit ako at iyon ang ayaw ko dahil nadudurog ang puso ko. Nanghihina ako lalo at gusto ko siyang puntahan. But, I made a promise kaya tiniis ko iyon kahit hindi maganda ang naidulot sa akin.

Gayunman, may maganda namang naidulot iyon sa anak ko. Ang isang linggo na wala siya sa akin. Tama nga si Ethan, kaya na niyang asikasuhin ang sarili niya. Hindi na niya kailangan tumawag para magpatulong siya sa gagawin niya.

Naghahalo ang emosyon na nararamdam ko habang tinitingnan ang anak ko nang lagyan niya ng pagkain ang aking plato. Mula nang makarating kami sa mansyon todo alalay siya sa akin. Kahit ang pagpunta ko ng banyo naka alalay siya kahit sinabi ko na kaya ko.

Paglabas ko nakahanda na rin ang damit na pamalit ko. At ngayon pati sa hapag-kainan inaasikaso niya ako na dapat ako ang gagawa niyon sa kanya.

"Ayaw mo talaga magpatingin sa doctor, hija?"

Mula ng maka alis kami sa  Millanic hanggang dito sa bahay hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang beses na ako tinanong ni Don Emmanuel kung gusto ko ba magpatingin sa doktor. Kanina, gusto niya dadaan muna kami ng hospital bago umuwi, tumanggi ako dahil hindi na naman kailangan. Okay na ako. Ramdam ko parin na nanghihina ako pero wala na ang sakit ng ulo ko at ang pagkahilo.

"Luhh! Baka buntis ka. Diba, ganun ang sintomas–,"

Napa ubo ako ng wala sa oras sa sinabi ni Enrico na nakarating lang.

" Sign na rin na huling gabi na ng buhay mo sa mundong ibabaw kapag nagsalita ka pa! " Mariin na sabi Ethan kay Enrico. Nag peace sign naman siya at umupo sa bakanteng upuan.

" Magkaroon na ako ng kapatid? " Namilog ang mata ni Zaylon na umangat ng tingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang saya at excitement.

"Hindi anak. Si Tito Enrico mo ang magkaroon ng anak, " si Ethan ang sumagot sa kanya dahil natigilan parin ako sa emosyon na nakita ko sa mukha ni Zaylon.

“Ows,” aniya at muling humarap sa hapag. “So, tito. Who is this lucky girl?”

Isabella shrugged. “DOn’t ask, tito daddy because he has a lot of girls,” i chuckled when she rolled her eyes. “Paglaki mo, huwag kang gagaya kay tito daddy, ha?”

“Ayan, pati bata alam ang kalokohan mo,” sabi ni Javier sa kanya. “Sinasama  mo kasi habang nambabae ka.”

“Tumigil nga kayo at nakinig ang mga bata,” suway ng kanilang ama.

Tumigil naman ang magkapatid at pinagpatuloy ang pagkain. Tahimik lang ako na kumakain habang nakikinig sa usapan nila na hindi ko naman maintindihan. Tungkol iyon sa negosyo dahil nabanggit ni Don Emmanuel ang DZM CORPRATION.

“Tumatanda na ako Enrico. Kailan mo ba seseryosohin ang trabaho na para sayo?” kalmado bagaman puno ng awtoridad na sambit ni Don Emmanuel. “I trust you. Kaya nga sayo ko iyon ipinasa pero mukhang wala ka namang pakialam.”

“Seryoso naman ako, dad. May pakialam ako sa pinamana mo–,”

“Pero hindi mo matigil iyang bisyo mo sa babae!” mariin na sambit ng ama. “Seryoso ka, may pakialam ka pero inuuna mo ang bisyo mo kaysa ang pagtuonan ng pansin ang kompanya. Paano ka makapagtrabaho ng maayos kung pagdating mo sa opisina inaatok ka? Ewan ko sayong bata ka. Muntuhin ka sana ng nanay mo.”

“Na miss lang si mommy, na nermon pa sa akin,” pabulong na saad ni Enrico.

Hindi na siya sumagot sa ama at hinayaan nalang ito na pagsabihan siya. Pati si Javier at Ethan ay hindi nakisali sa usapan. Parang wala silang narinig. They eat peacefully habang sinasabon ng kanilang ama ang bunsong kapatid.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon