Chapter 31

2.2K 43 0
                                    

“Nag hapunan ka na ba?”

Umiling ako. “Kakain ako mamaya.”

“Ipaghanda kita-,”

“Hindi na, Ethan.”

Natigil siya sa akmang paglabas. Hilaw na tumingin siya sa akin nang makita ang seryoso kung mukha.

“I…I’m..sorry. I crossed the line again,” he said in low and soft voice. “Maligo lang ako. Salamat dito sa damit.”

Tinanguan ko lang siya. Napabuga ako ng hangin nang makalabas siya ng kwarto. Parang mali yata ang desisyon ko na dito siya patulugin. Pero, alangan naman na bawiin ko ang sinabi ko, pinahiram ko na nga ng damit, e.

Lumabas ako at pumunta sa kwarto ni nanay pero hindi ako maka pasok dahil naka lock ang pinto. Kinakatok ko siya pero hindi sumasagot. Naka tulog na kaagad siya? Saan ako matutulog nito? Nakabusangot na bumalik ako sa kwarto. Nang makalabas si Ethan sa banyo, ako naman ang nagbanlaw ng sarili.

“Hinain ko lang yung pagkain,” aniya nang makita akong pumasok sa kusina. “Hindi kasi ako makatulog ulit kaya nagtimpla ako ng gatas..at hinain ko na lang rin.”

“Salamat,” gusto ko sana siyang tarayan pero naawa ako sa mukha niyang may pa awa effect habang nagsasalita. “Umupo ka,” iminuwestra ko ang kamay sa katapat na upuan. “Pag usapan natin ang tungkol kay Zaylon.”

Marrin siyang napalunok bago umupo. “A-anong pag-usapan natin tungkol sa kanya?”

"Umiyak siya kagabi nang sinabi ko na hindi ka pupunta dito,” biglang nanikip ang dibdib ko. “Alam ko na gusto niyong makasama ang isa’t isa… at iyon ang pag usapan natin. Ano ang gusto mo, sa inyong dalawa ni Zaylon?”

“Ikaw, Yanie. Ano ang gusto mo?”

“‘Wag mong ibalik sa akin ang tanong, Ethan. Ikaw ang tinatanong ko!?

“Ina ka niya, malamang tatanungin kita-,”

“At ama ka niya!”  hindi ko napigilan ang singhalan siya. I sigh. “Kaya tinatanong kita kung ano ang gusto mo, sahibin mo sa akin nang malaman ko at kung okay ba iyon sa akin o hindi.”

Lumambot ang ekspresyon kanyang mukha na tumitig sa akin. “Paano kung sasabihin ko na gusto ko siyang makasama buong araw? Na kayakap hanggang magdamag? Alagaan ara-araw, ihatid siya sa school, sunduin. Lahat-lahat ng ginagawa ng isang tatay… Lahat-lahat na ginagawa mo sa kanya araw-araw…papayag ka ba?”

Napayuko na umiwas ako ng tingin nang maramdaman na malapit nang mahulog ang mga luha sa mata ko. He want to be a good, responsible, and caring father to Zaylon. Pero paano niya magagawa ang mga bagay na iyon kung wala sa kanya ang bata? Paano niya iyon gagawin kung nakaw lang ang oras na mailalaan niya sa anak niya?

Sinalubong ko ang puno na emosyon niyang mga mata. “Sino ba naman ako para hindi pumayag?”

“Yanie…”

“Nung sinabi ko na ibabalik ko sayo ang pitong taon na hindi mo nakasama ang anak mo… I mean it… Patunayan mo lang sa akin na  kayang-kaya mo siyang alagaan, na mahalin siya ng lubos at huwag hayaan na masaktan… kapag nakaya mo ang lahat ng iyon… Iyong-iyo na si Zaylon.”

Kahit hindi ko sabihin, kahit hindi ko hilingin, alam ko na iyon ang gagawin ni Ethan sa anak. Tatlong araw palang sila magkasma pero nakikita at naramdaman ko na kaagad kung gaano niya ka mahal ang anak niya. Kahit pagod siya galing SG, sinundo niya parin ito sa school, hinatid dito sa bahay, inasikaso, pinakain, tinabihan hanggang sa makatulog.

Ayaw ko na maging selfish para sa anak ko. Ayaw kong iparanas ang narasanan ko sa aking tatay dahil siya, yung tatay niya sabik na sabik na makasama siya. Hindi ko naubos ang pagkain ko, tumayo na ako at dinala iyon sa lababo. Pasimple kong pinunasan ang butil ng luha na kumawala sa mata ko. 

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon