Chapter 22

2.4K 42 0
                                    

Ang tanga ko… Ang laki kong tanga at nagpadala na naman ako sa bugso ng damdamin ko. Gumaganti ako sa halik niya, pinapalunod ang puso sa sandaling saya. I have Zaylon now. Sa kanya lang dapat umiikot ang mundo ko, sa kanya  lang sana ako pero ano itong katangahan na ginagawa ko sa buhay ko?

Nagmulat ako ng mata. Nakapikit ang mga mata niya, hinahalikan ako ng mapusok. . . Halik na may pananabik at ayaw iyon tigilan. Gusto kong itanong kung sino ang iniisip niya habang nakapikit ang mata na hinahalikan ako.   Kung ako ba o ang girlfirend niya. Hindi ako naniniwala na wala siyang girlfriend, siguro ganito siya sa akin dahil wala ang tunay na pagmamay-ari niya.

Nang maramdaman ko ang paglakbay ng palad niya sa likod ko, buong lakas ko siyang tinulak.
Hindi ko siya hinayaan na makapagsalita, tumalikod ako at mabilis na lumabas sa office niya. Nagtataka na sinalubong ako ng tingin ni Valerie ngunit hindi ko siya pinansin at malaki ang hakbang na nilisan ang lugar.

Patakbo akong umakyat sa canteen at nagkulong sa banyo. Napahilamos ako sa aking mukha. Gusto ko maglaho nalang bigla nang makalayo ng tuluyan kay Ethan. Ano pa ba ang gagawin ko para tigilan niya ako? Gulong-gulo na ako.

Inayos ko ang aking sarili bago lumabas ng banyo. Kinuha ko ang mga gamit ko sa locker at bumaba sa HR. Panigurado tinitingnan niya ako sa cctv monitor kung nasaan ako ngayon. Kinuha ko ang excuse letter  sa aking bag na may pirma na ni Ma,am Mia. SInulatan ko iyon kung bakit mag half day ako ngayon. Mabuti nalang at si Ma,am Beth ang nandito binigyan kaagad ako ng E-PASS at hindi nang usisa.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Diba, ang laki kong tanga? Tanghaling tapat hindi pa ako nakapag luch kaya nahihilo na sumilong  ako sa gilid ng tindahan nang makalabas ako ng tuluyan sa Millanic. Biglang nagdilim ang paningin ko. Kasalanan to ni ano, eh.

Nang umayos ang pakiramdam o pumara ako ng tricycle. “Kuya, sa park.”

Ayoko muna dumiritso nang uwi sa bahay baka magtaka si nanay, mang usisa na naman iyon at hindi ako tantanan. Hindi gaanong marami ang mga tao sa loob ng park. Mainit pa ngayon kaya kadalasan sa kanila sa upuan na semento sa lilim ng punong kahoy sila nakatambay.

May mga estudyante, magpamilya, mga couple na nag da-date. May nagtitinda ng mga lobo, naglalako ng mga pagkain. Sa gitnang bahagi ng park naroon ang fountain. Sa gilid niyon may boguinvilla na bulaklak na ginawang arko at sa lilim niyon may upuan na gawa sa semento. Umupo ako doon at pinagmamasdan ang mga tao na masayang nakikipag-usapan, kwentuhan at kulitan sa mga kasama sila.

Masaya ako at kontento na si nanay lang meron ako, pero ngayon, habang nakikita ko ang magpamilyang buo at masaya hindi ko maiwasang malungkot at mainggit sa kanila. Hindi ko maiwasang hilingin na sana nabigyan rin ako ng pagkakataon na maging buo ang pamilya namin. Na magkasama na masaya, makapillng ang isa’t isa kahit sa hirap man o sa ginhawa. Gusto ko maranasan na mayroong tatay. Kung ano ang pakiramdam na mayroong tatay.

“Papa, gusto ko po sumakay ng bisikleta,” malambing na saad ng bata na tantiya ko nasa pitong taong gulang.

“Mainit pa nga. Mamaya na kapag hindi na mainit,” saad ng kanyang ina.

“Pagbigyan mo na mahal. MInsan lang naman,” sumimangot ang babae ng akbayan siya ng asawa. “‘Wag kang mag alala, ikaw naman ang ipag-bike ko mamaya.”

Hinampas niya ito sa braso ng kindatan siya ng asawa. Hindi ko namalayan nakangiti na pala ako habang nakatingin sa kanila. Ganito rin kaya ka sweet ang maging asawa ko sa akin at sa anak ko balang araw? Bibigyan niya rin kaya kami ng oras na makasama kahit isang araw lang? Isa sa rason kung bakit ayaw ko mag settle sa isang relasyon, baka kasi sa umpisa lang siya caring, sweet, mahal na mahal ako tapos kalaunan ay magsasawa rin.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon