Chapter 36

2.1K 45 2
                                    

Umaga na pero dilat parin ang mata ko. Hindi ako nakaramdam ng antok, naglalaro sa isipan ko ang panaginip ng anak ko. 

Mahimbing ang tulog nilang mag ama. Yakap ang isa’t isa. Habang ako dilat ang mata na nakatitig lang sa kanila.

Nang mag alas singko, dahan-dahan akong bumangon at bumaba ng kama baka magising ang mag ama sa mahimbing na tulog. Naghilamos ako at nag toothbrush. Nag palit rin ako ng damit, iyong damit na sinuot ko noong araw na pumunta kami dito.

Hinalikan ko sa pisngi si Zaylon bago lumabas ng silid. Tahimik pa ang buong paligid. Kaya dahan-dahan ang bawat paghakbang ko pababa ng hagdan nang hindi makalikha ng ingay.

“Hey. Good morning. Aga mo, a.” bati ni Enrico sa akin ng makababa ako ng tuluyan. Naka sandal ito sa couch, sumisimsim ng kape.

“Good morning. May trabaho kasi ako. Kailangan ko na umuwi.”

“Ohh. Bakit hindi ka nagpahatid kay kuya?”

“Mahimbing pa ang tulog nila. Baka magising ang bata na wala kami sa tabi niya.”

Inilapag niya ang tasa na hawak. “Ihatid na lang kita,” aniya.

“Hindi. Wag na,” tanggi ko. “May sasakyan naman na siguro. Mukhang kakarating mo lang. Matulog ka muna.”

Naka panlakad pa kasi ito ng damit at inaantok ang mga mata niya. 

“Pa sabi nalang sa dad mo na umalis na ako. At salamat.”

Hindi na siya nag pumilit na ihatid ko pa uwi. Inutusan niya lang si Nenita na ihatid ako hanggang sa labas ng mansyon at hintayin na makasakay ako. Limang minuto ang makaraan may dumaan rin na taxi at doon na ako sumakay.

Pagkarating ko ng bahay, mabilis akong naligo. Wala dito si nanay. Baka hindi pa sila naka uwi. Kahit pumipitik ang ulo ko dahil sa wala akong tulog, pumasok parin ako sa trabaho. Uminom lang ako ng kape panangga sa antok.

“First time in the history na pinasara ang mall na walang valid reason.”

“True ka d’yan, sis.”

“Bakit kaya no?”

“Dito na kami nung saturday bago deniklara na close ang mall ng dalawang araw.”

“Disappointed na masaya ang feeling ko that time.”

“Sino ba ang hindi ma disappoint kung biglaan ang pagsara? Late na rin ang notice.”

Mga usap-usapan ng mga empleyedo na kasabay ko paakyat sa itaas. I sighed inwardly. Imbis na magpasalamat dahil nakapagpahinga sila ng dalawang araw ito pa ang mga komento nila. 

“Lieliane, alam mo ba kung bakit biglaan ang pagsara ng mall noong sabado? Diba, tatay ng anak mo si Mr. CEO?”

Bigla akong nakaramdam ng inis sa paraan ng pagsalita niya. Para bang nang iinsulto na ang tatay ng anak ko ay boss nila. Pinatili kong walang emosyon ang aking mukha at umiling bilang sagot sa tanong niya.

“Magkasama ba kayo kahapon? Nakita namin anak mo kahapon sa plaza ng Sagada pero iba ang kasama niya. Siguro iyon ang dahilan kung bakit pinasara ang mall. Para ma solo ka ni sir,” sabat ng isa pang naka sales lady na damit na nagpakulo sa dugo ko.

“Kung nagsara ng biglaan ang mall, wala akong kinalaman d’yan. At ano ang karapatan niyo para panghimasukan ang buhay ko at ang buhay ng anak ko?!” mariin kung sabi. “Sa HR kayo magtanong o kaya kay CEO mismo. Doon, masasagot ang katanungan niyo!”

Malaki ang hakbang nilagpasan ko sila. Bakit may mga tao na pilit panghimasukan ang pribadong buhay ng iba? Bakit hindi nalang manahimik at mag pikit-mata kung ano ang nakita nila? Hindi naman lahat ng nakikita mo ay pwede mo na iyong ipagsabi sa iba. Hindi ba nila alam ang salitang privacy at respect?

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon