Chapter 46

2.1K 40 0
                                    

“Tahan na…”

Hinalikan ko ang kanyang noo. Pinatakan ko rin ng halik ang kanyang mga mata, ang dulo ng kanyang ilong pababa sa kanynag labi. Humigpit ang pagykap niya sa baywang ko. Nakalapat lang ang labi ko sa labi niya. Hindi ako gumalaw.

He kissed me softly. Nanginginig pa ang labi niya dahil sa paghikbi. Marahan kong hinahaplos ang kanyang pisngi kung saan patuloy na dumadaloy ang kanyang luha.

“Tahan na…” I whisper  in between the kiss.

Hinayaan ko siya nang isubsob niya ang mukha sa leeg ko. Tina-tap ko ang likod niya dahil ayaw parin matigil sa pag iyak. Iniyak niya lahat ang bigat sa dibdib na pasan niya sa mahabang panahon. Sinabi niya sa akin kung ano ang nasa puso at isip niya. Na Wala siyang pakialam sa iisipin ko sa pagtangis niya habang yakap ako. Kundi pinapakita niya na hindi lang ako ang nahihirapan sa loob ng pitong taon, na hindi lang ako ang nag aasama na makasama at makita namin ang isat isa. And I’m so proud of him, dahil pinakita niya sa akin ang kahinaan niya. PInakita niya sa akin kung gaano siya ka miserable sa mga panahon na iyon hanggang sa matagpuan namin ang isa’t isa.

Naging banayad na ang kanyang paghinga. Hindi na siya umiiyak ngunit nanatili parin siyang nakasubsob sa leeg ko. Maluwang na rin ang paraan ng pagyakap niya sa akin. Ang mga daliri ko nilalaro ang buhok niya, ganito ang ginagawa ko sa anak ko kapag malungkot siya.

“Magtrabaho parin ako..” I said.

“‘Wag na.. Hindi mo na kailangan mag trabaho,” tanggi niya kaagad sa sinabi ko. “Dito ka lang..”

“Pero ayoko magkulong lang dito sa bahay, hindi ako sanay..”

He sighed. Umahon siya sa pagkasubsob sa leeg ko at malamlam ang mata na tumingin sa akin. “Fine…”

Nangislap ang mata ko sa mabilis niyang pagpayag. Ngunit may kasunod pala ang sinabi niya na kinabagsak ng balikat ko.

“Sumama ka na lang sa akin sa Millanic, pero hindi ka magtatrabaho. Mag resigned ka na bukas and it’s final,” pinakatitigan niya ang nakabusangot ko ng mukha. “Kapag nagpumilit ka pa, kausapin ko sila nanay.”

Nang blackmail pa. Napanguso ako at hindi siya sinagot. Alam ko naman na nag alala siya pero ang hirap din iwan bigla ang mga kasama ko na naging pamilya ko na sa loob ng Millanic ng ilang buwan. Ang hirap magpaalam ng biglaan.

Sinakop ng dalawang palad niya ang mukha ko. “Sorry..” masuyong sabi niya. “Huwag kang magalit.. Nag-alala lang ako.”

Maliit akong ngumiti. "Naintindihan ko…” maliit ang boses na sabi ko. “Bitaw na. Unti-unti ko nang naramdaman ang pagkabuhay ng dragon mo..”

He chuckled and claim my lips. Ginantihan ko ang marubrob niyang halik. Pinagsawalang-bahala ang matigas niyang umbok na damang-dama ko. Kusa siyang tumigil. Napakapit ang braso ko sa leeg niya nang kargahin niya ako patayo at dinala sa kama. Marahan niya akong inilapag at inayos ang kumot na gamit ni Zaylon. Umikot siya papunta sa kabila para tabihan ang anak.

“Good night, love.” He said softly and kiss my forehead.

I smiled at him. “Good night.”

Magkasiklop ang mga palad naming dalawa. Nakasiksik sa aming natutulog na anak. My peace, my strength, my everything.

Ang gaan sa pakiramramdam. Nawala ang bigat  dito sa  puso ko matapos kung aminin sa kanya ang tungkol sa sakit ko, tungkol sa kalagayan ko. At masaya. Wala na akong pagdududa na naramdaman tungkol sa pagtingin niya sa akin, tungkol sa pagmamahal niya sa akin. HIndi niya lang pinakita, hindi niya lang pinaramdaman, kundi pinatunayan niya ito sa akin. Kulang nalang isigaw niya sa buong mundo kung gaano niya ako ka mahal.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon