Chapter 20

2.6K 46 0
                                    

Pakiramdam ko pinagkaisahan ako. Gusto ko siyang makilala noon at magpasalamat dahil ang laki ng tip na binibigay niya sa akin at malaking tulong iyon sa amin ni nanay, pero hindi ko maiwasang magalit sa kanya ngayon. May alam pala siya sa buhay ko. Hindi ko akalain na ang taong gusto kung pasalamatan ay iisa pala sila ng taong naikama ko.

Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nilang kasunduan ni Madam Jinky noon. Past na iyon pero ginugulo niya ang isip ko. Ayaw ko na iyon isipin pa dahil kahit anong sisi ko kay Ethan hindi parin maikaila na isa akong naging bayarang babae.

“I..”

“Huwag mo muna akong kausapin, Ethan,” saad ko at tinalikuran siya.

Pumasok ako sa diswashing area, sinalubong ako ng nagtatakang tingin ni Valerie nang makita niya ako. Wala sa sarili na umupo ako sa malamig na semento. Hinila ko ang upuan. Humalumbaba ako. Ginawa kong unan ang magkabila kong braso at tinago ang mukha ko doon. Hinayaan kong tumulo ang luha ko. Umiiyak na naman ako sa hindi matukoy na dahilan.

“Lil..”

“Ayos lang ako, Val. Iidlip lang ako saglit,” ani ko, pinipilit na hindi mabasag ang boses.

Mabuti nalang at hindi niya ako kinulit at hinayaan ako. Ayaw ko makipag-usap ngayon kahit kanino. Ayaw kong malaman nila na umiiyak ako. Magtanong lang sila at iyon ang pinaka ayaw ko. Ang gusto ko ngayon, ay umuwi na. . .  ang makalayo kay Ethan.

“Bumalik yung sakit ng ulo niya?” rinig kong tanong ni James.

“Baka nabinat,” si Ate Grace.

“‘Wag niyo lang muna distorbuhin para makapagpahinga siya,” saway sa kanila ni Ma,am Toneth.

Tahimik parin ako at wala paring tigil ang pag agos ng luha ko. Naninikip na ang dibdib ko, masakit na rin ang lalamunan ko sa pagpigil ng iyak. Nangangalay na rin ako sa posisyon ko. Nang tumahimik na saka lang ako nag angat ng tingin. Mag isa nalang ako. Tumayo ako at naghilamos ng mukha nang hindi nila mahalata na galing ako sa pag-iyak.

Kinuha ko ang lipgloss na tinago ko sa ibabaw ng spearker at pulbo na binalot sa papel at inayos ang mukha ko. Sakto nang matapos ako siya ring pagpasok ni Valerie. Binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin. Tipid akong ngumiti saka umiling. Nakita siya siguro kami na magkasama ni Ethan kanina.

Sumunod na pumasok sina Mark, nagtutulakan pa silang tatlo ni Aljon at Sonny. Si James, Tany at Jean sa exit sila dumaan nag uunahan, parang mga bata na naghahabulan. Nakatayo parin ako sa harap ng maliit na salamin, sinisipat ko ang mukha ko doon kung hindi ba namaga ang mata ko sa pag iyak.

“Kumain ka muna,” sabi ni Valerie sa akin nang lapitan niya ako. “May dala sina Grace at Ann, kasama yun sa order para sa nag live band.”

“Busog pa ako,” ani ko at naglakad papunta sa lababo. Magkasabay na pumasok si Ate Grace at Ann parehong may bitbit ng pagkain.

“Hindi ka nag snack kanina. Anong oras na oh, baka sumakit na naman ulo mo-,”

Hinarap ko siya. “Busog nga ako,” iritableng sagot ko. Saglit akong natigilan nang pumasok si Ethan, agad akong umiwas ng tingin. “‘Wag mo akong pilitin na kumain dahil busog ako.”

Natigilan siya sa pagtataray ko. Kalaunan bumuntong-hininga nalang siya at tinalikuran ako. Nakuha niya siguro na hindi ako nagbibiro, na bad mood ako. Na guilty rin ako sa pagtataray ko sa kanya, nadamay pa siya. Kausapin ko nalang siya mamaya, pahupahin ko muna ang sarili ko.

“Sir, kumain ka muna. Hindi ka nagtanghalian kanina, anong oras na hindi ka pa rin naghapunan.”

Tinanggap ni Ethan ang plato na may lamang pagkain na bigay ni Valerie. “Thank you,” kaswal na saad niya ng bigyan siya ng upuan ni Sony. Umupo siya doon paharap sa akin. Nabitawan ko ang mga kutsara na hawak ko sa pagkabigla. Minadali ko ang paghugas ng mga kutsara dahil ramdam ko ang mainit niyang titig sa likuran ko.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon